Chapter Eight
"Bakit kayo nandito?" tanong ko ng makaupo na kami sa isang bench.
"Nag mall rin." ngumisi siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Ang pogi niya lalo pag nakangiti. "We regularly attending mass every sunday."
"Ah." yun nalang ang nasabi ko. Napatingin ako sa bench na inuupuan namin at puro sulat ang nakalagay dun.
Inilabas ko yung ballpen ko na may deadly weapon sa loob. Actually meron ako nito just in case na may mangyaring masama sa akin.
Binuksan ko yung nakakalokong ballpen at kutsilyo na ang nakalagay dun.
"What are you going to do?" tiningnan ko si Austin at nginitian.
"Remebrance. Paghaluin natin ang pangalan naten, hmm Austin.. Dani.. AusDa? eww ang panget, AshTin? Okay na? Yun nalang a." sinumulan ko nang isulat yung pinaghalo naming name sa banda left nung bench, wala masiyadong nakasulat doon.
"Tada! Tapos na!" sambit ko ng matapos ko na ang pag ukit ng pinaghalong pangalan namin.
"That's vandalism."
"I know. Pero wag kang KJ!" ibinalik ko na yung ballpen ko sa bag.
Hinila ko siya papuntang playground, wala nang masiyadong tao dun dahil ala sais na ng gabi.
"Now, what?!" sungit neto palagi.
"Rock paper scissors tayo! Kung sino matalo siya mag tutulak sa swing." expalin ko.
"I'm not interested."
"Diko tinatanong, game!" Nag umpisa na kaming mag laro at ako ang natalo. Naupo na siya dun sa swing at itinulak ko siya ng malakas.
"Ang bigat mo naman!" pag aangal ko.
"You suggested this game, I don't wanna be KJ." sabi niya at mukang tuwang tuwa pa.
Pagkatapos ng pang sampung tulak ko sa kaniya ay umupo na ako sa kabilang swing. Grabe nakakapagod ren no! Ang bigat niya kaya.
Tiningnan ko siya, nagulat ako ng bigla siyang tumayo.
"Hoy! Mamaya na tayo umuwi! Pagod pa ako! ang bigat mo kaya." ngumisi lang siya sa akin at dumeretso sa likod ko. Tinulak niya ako kaya ako napatili.
"Painform naman! Grabe nagulat ako dun a!" naramdaman kong lumakas pa lalo ang tulak niya sakin. "Hinaan mo lang AHHHHHHHHH! Hoy!"
Tumigil na siya sa pag tulak pero naandar parin ako sa lakas ng pag tulak niya sa akin.
"Mahina nayung tulak ko sayo, you're just too skinny."
"Hoy grabe! Sexy ako! Hindi skinny." sabi ko at bumaba nako ng swing pagkatigil.
"Let's go." siya na mismo ang humawak sa kamay ko at naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Sumakay ako dun at sumakay narin siya. Pinaandar niya na yung kotse.
"Saan mo gusto mag dinner?" tanong niya habang nag da-drive.
"Jollibee." simpleng sagot ko.
"Seriously?"
"Oo."
Hininto niya yung kotse sa mall, dun siguro kami mag hahanap ng Jollibee. After niyang ipark yung kotse ay pumasok na kami. Nang makarating kami sa Loob ng Jollibee ay sabay kaming umupo.
"Hoy, ikaw umorder." sabi ko sa kaniya.
"May waiter naman a?"
"Sira." hinila ko siya patayo at pumila sa counter. Hinayaan ko na siya pumili at bumalik na kami sa pwesto namin dala yung number. Maya maya lang ay nakarating na yung inorder niya.