Chapter Twenty Three
Sa wakas! Sa wakas! Wala nang pasok! Sem break yey! At dahil maaga akong nagising
magpapatugtog ako. Shempre feel na feel ko yung kanta. Nag li-lip sync ako.
"You with your words like knives and
Swords and weapons that you use against me
You have me knocked on my feet again
Got me feeling like I'm nothing
You, with your voice like nails
On the chalkboard, calling me when I'm wounded
You, pickin' on the a weaker man
Well, you can take me down with just one single blow
But you don't know what you don't know
Someday I'll be living in a big old city
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be big enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be is mean
Why you gotta be so mean?"
Pagkatapos nung chorus patuloy lang ako sa pag lips sync nang makita ko si Austin kaya tumigil ako at ngumiti sa kaniya. Napasimangot naman siya sa akin. Anung problema neto? Kaagaaga e.
Sinundan ko siya sa kusina. "Siguro tinamaan ka sa kanta no? Mean mo kasi sa akin." sabi ko ng makalapit ako sa kaniya at siya nainom ng tubig.
Umiling siya at ibinaba yung baso. "I thought that was your real voice, matutuwa na sana ako kasi sa wakas may maganda sayo. But, you're just lip syncing." grabe ang mean niya!
"Bakit ka badtrip? Ang panget ba ng gising mo?" inirapan niya lang ako. "May extra ako with wings kaylangan mo?"
Mas lalo nang sumama yung tingin niya sa akin kaya ngumiti na lang ako. "Joke lang eto naman."
Bumalik na si Austin sa kwarto niya at umakyat narin ako sa kwarto at inihanda ko na yung maleta ko. Lilipad kami ng palawan o my gosh! Eto na ang pinakahihintay ko! Ay dadaan pala kami ng boracay shempre beach muna. Yey!
Mamaya na yung flight namin kasama sila Diosa, Yasmine and AaF ewan ko kung sino pa yung iba. Basta plano lang naman ni Diosa to e. Dumating kasi yung boyfriend niyang galing New york, kaya ayun sagutin raw lahat ng rich kid niyang syota. Si Hans naman chill lang siya pero nung una ayaw niyang sumama. Napilit lang ng AaF.
Ayos na kasi yung akin so puntahan ko nalang si Austin sa kwarto niya at gutom narin ako. Hindi pa ako nag tatanghalian mag twe-twelve na. Nakakagutom rin mag lip sync. Kahit hindi pa ako nakakabuo ng isang kanta.
Lumabas ako at dumeretso sa kwarto niya. Kaso nasa CR ata siya kaya humiga ako sa kama niya.
"HOY AUSTIN GUTOM NA KO!" sinigaw ko talaga para marinig niya no.
"Get out in my room!" sigaw niyang pabalik pero hindi ako umalis. Sino siya para utusan ako.
After 5 minutes ay lumabas na siya kaya tumayo na ko.
"Hoy gutom na---" napatingin ako sa abs niyang nakinang kinang pa. Ewan parang may sparkles. "Busog na pala ako." ngumiti ako at napailing na siya.
"What are you doing here?"
Sungit nanaman. "Ah wala lang. Ayos kanaba sa mga gamit mo?" tumungo siya.