Chapter FiftyAfter ng vacation ay balik nanaman sa dati. Grabe ang daming kailangan gawin. Tas hindi ako nainform na dito rin pala mag aaral si Austin. Dito raw siya mag tatapos ng college.
Si Cronus at Bellyn naman. Ayun dumating yung fiance ni Bellyn tas wala akong masiyadong balita sa kanila. Si Elsa naman bumalik raw ng US. Si Chalie naman. Ewan pero nababalitaan ko meron siyang pinag tritripan na babae.
Si Diosa naman stay strong sila ni Hans. Ang sweet nga nila eh. Akala mo hindi siya isinumpa ni Hans dati. Yung makikita mo sila nakatambay tas nag lalambingan. Gosh goals. Gano'n din si Yasmine at Lean. Ang tataray diba?
Si Steven at Chessy naman. It's complicated daw. Paano ba naman kasi sobrang bait ni Steven sa babae. Ayan tuloy. Eh selosa pa naman si Chessy ayan ang nangyayari.
Si Austin hindi ako masiyadong pinapansin. Hinayupak talaga yung bwisit na 'yon. Super selfish ever. Nakakinis naman kasi 'tong puso na 'to hindi pa ma-in love in love sa iba nakakainis.
Grabe ang dami kong balita, advantages ng single. Nakikichismis sa lovelife ng iba.
"Ashley!" napatingin ako kay Yasmine na nakangiti pero lumungkot din agad yung muka.
Anong problema ng bruhang 'to?
"Oh bakit?"
"Ashley."
"Ano nga? Kailangan naba kitang dalin sa Mental?"
"Kagagaling ko lang sa hospital at.."
"May taling na buhay mo?"
"Aww!" napahawak ako sa ulo ko. Bigla banaman akong binatukan? Abu't bruha talaga 'to.
"Mag seryoso ka."
"Seryoso ko dumating kalang."
"Buntis ako." napatingin ako sa kaniya.
"Seryoso? Diba sabi ko sa kasal niyo na gawin 'yon? Grabe hindi ba kayo nakapag pigil? Bakit kasi kayo nag sasama sa isang kwarto! Grabe talaga ang bata niyo pa! Ninang na agad ako?! Grabe panagutan niya dapat 'yan!"
"Joke lang masiyado ka namang seryoso." bunatukan ko siya. At siya naman ang napahawak sa ulo niya at tiningnan ako ng masama.
"Wag kang mag jojoke ng gano'n."
"Seryoso mo kasi masiyado. Sino bang iniisip mo? Si Austin nanaman? Hindi kana maka move on move on sa kaniya 'no?"
"Kasalana ko pa?"
"Sino ang dapat sisihin?"
"Yung puso ko. Pasaway eh."
"Sige magpaka paraning ka nananaman."
"Wala ka pa bang klase?" umiling siya at kinuha yung fries ko. Kapal talaga neto walang paapaalam.
"Fries mo? Penge."
"Ayoko bumili ka." aba! Sobra na ata! Baliw na talaga 'tong si Yasmine.
Babatukan ko sana ulit kaso may biglang tumawag kaya sinagot ko muna.
"Ma? Napatawag ka."
"Dani.." hala? Bakit siya naiyak?
"Ma naghiwalay kayo ni Papa?"
"No."
"Ano pong problema?"
"Ang Lola ni Austin."
"Bakit po?"
"Nasa hospital critical ang kondisyon."
"What? Asan po si Austin?"