Chapter Forty Nine"Wag mong pairalin yang kamanyakan mo ah!" tiningnan ko siya ng masama at tinanggal ko yung pag kakaakbay niya sa'kin.
Maglalakad na sana ako kaso hinapit niya naman yung bewang ko. Argh.
"Ano ba?!"
"So you're still wearing it." ngingisi ngisi niyang sabi sa'kin.
"Wearing what?"
"That necklace." napahawak ako sa leeg ko.
Ah yung kwintas na bigay niya sa akin nung 18th birthday ko. Bakit nga ba hindi ko 'to hinuhubad? Nasanay na tuloy yung leeg ko.
"Hey! Don't get me wrong. Nakalimutan ko lang hubadin."
"No I'm wondering kung nakalimutan mo rin akong mahalin."
"Ha? Hindi ko kinalimutan talagang hindi na kita minahal! Sayang lang yung pagmamahal ko sa'yo noh!"
"Chill.."
"Chill? Chill chillin ko yang mukha mo nang malaman mo kung gaano kasakit yung dinanas ko noon eh!"
"Bakit kaba galit na galit? I thought you've moved on? Kaya nga umuwi na'ko kasi yun yung naririnig ko galing kila Lennon."
"Nakapag moved on na'ko noh! Kasalanan ko bang talagang tuwing nakikita kita eh may galit parin." tinanggal ko yung pagkakapit niya sa bewang ko at tumakbo na ako.
Nakakabadtrip talaga siya, ayun ba gusto niya? Manira ng araw!? Napaka worse naman neto since sa bahay siya nakatira edi araw araw sira yung araw ko? Paano nalang ako neto? Hagard everyday?
"Ashley!" napatingin ako kay Steven na nasa harapan ko ngayon.
"Uy! Si Chessy?" tanong ko nang mapansin kong hindi niya kasama.
"Umuwi."
"Ha? Bakit?"
"May kumausap kasing babae sakin ayoko naman mang snob, ayun nagalit sa'kin."
"Anung balak mo?"
"Nagpapalaam na'ko sa'yo kasi susundan ko siya."
"Ah gano'n ba? Sige ingat."
"At mamatay na sa selos do'n si Elsa."
"My plan though." napalingon ako sa nag salita. And it's Austin.
"Plan?" anung plan?
"Pagselosin si Elsa."
"Ah so ginamit mo lang ako gano'n? Kaya gano'n ka nalang makaakbay diyan ha!"
"Have to go." pag papaalam ni Steven pero hindi ko na siya napansin sa init ng ulo ko.
"I did that for us."
"For us? For us! My ass!"
"Pag nag selos siya, siya ang makikipag break at hindi ako."
"Ba't hindi nalang ikaw ang makipag break?!"
"Hirap eh."
"Pero nung nakipag break ka sa akin walang hirap hirap. Isang I don't love you anymore lang etcetera etcetera!"
"Hey, don't bring back the past. Plus sinong may sabi na nag break tayo? We're still engaged silly."
"Ha? Silly your face!" engage engage peke naman.
"Ang cute mo pag galit ka."
"Talaga? Salamat ha." inirapan ko ulit siya at tumingin nalang ako kila Yasmine kahit ang layo nila. At napansin kong nakalagay parin pala sakin yung twalya ni Austin.