Goodbye Girl last part

455 45 23
                                    

Lumipas ang mga araw na unti-unti ng bumalik sa dati ang masiyahing Edward.

Madalas na silang nagkakasabay sa pagkain ng dinner ng ina at mas naging open na sya sa pagkukwento dito tungkol sa mga nangyayari sa kanya.

Kahit na abala sya sa soccer team ay hindi nya pinapabayaan ang academics nya.

Mas lalo pa ngang tumaas ang mga grades nya.

Hindi na rin sya ginugulo nila Christian.

Naging kaibigan nya na ang mga kagrupo sa soccer team.

Maraming nagpapansin sa kanya na mga babae pero hindi nya pinapansin ang mga iyon.

Hindi man sila madalas magkita ni Maymay ay masaya pa rin sya dahil palagi itong nagbibigay ng notes sa kanya na palaging nagpapangiti sa kanya.

Katulad ng unang beses na nakagoal sya.

Halos mapaos ako sa pagsigaw kanina nung nakagoal ka!
Ang gwapo mo nun impernes!
#basageardrumskosatilingmgafangirlsmo
#sarapdukutinngmgamatanila
#pasensyaseloslangako
your #1 fan
♡Maymay♡

At marami pang iba.

Alam nya sa sarili nya na malaking bahagi ng mga pagbabagong iyon ay si Maymay.

Gusto nyang magpasalamat sa dalaga kaya pupuntahan nya ito sa klase.

Tumunog ang bell hudyat ng lunch break.

Dali-dali na syang nagpunta sa kabilang building.

Wala ng ibang estudyante sa classroom nila Maymay.

Nakita nyang nakayuko ito sa silyang inupuan nya noong una silang nagkita.

Dahan-dahan syang lumapit dito.

Nakatagilid ang mukha nito habang nakapikit.

Malaya nyang pinagmasdan ang napakaamo nitong mukha.

Habang nakatitig sya dito ay nagmulat ito ng mata.

Ngumiti ito sa kanya.

"Namiss mo ba ako?" malambing na tanong nito sa kanya.

Pinamulahan naman ng mukha si Edward sa tanong ng dalaga sa kanya.

Umayos ito ng upo at hinawakan ang pisngi nya.

"Mamimiss kita Edward." may lungkot na sabi nito sa kanya.

Nagulat naman sya sa sinabi nito.

"Why? Are you going somewhere?" naguguluhan na tanong nya dito.

"Kailangan ko ng umalis." sabi nito habang patuloy na hinahaplos ang mukha ng binata.

Nakaramdam ng kirot sa puso ang binata.

Ganon ba talaga?

Kapag masaya ka, may kapalit na lungkot?

"I don't understand! Why do you have to leave?" reklamo nya sa dalaga sabay hawak sa kamay na humahaplos sa mukha nya.

"May mga bagay talaga na hindi kayang ipaliwanag. Masaya ako na nakilala kita Edward John Barber. Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa'yo! Gusto kong maging masaya ka! Huwag ka ng babalik sa dati kung ayaw mong malungkot ako!" at ngumiti ito sa kanya.

"What are you saying? Please make me understand!" may takot sa puso ni Edward na bigla nyang naramdaman.

Hindi pa nga sya nakakapagpasalamat sa dalaga ay aalis na ito.

Gulong-gulo ang isip nya.

Hinawakan ng dalaga ang magkabilang pisngi nya at masuyo syang hinalikan sa noo.

Napapikit si Edward sa ginawa ni Maymay.

"Goodbye Edward."

Pagkasabi nito ay tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng lunch break.

Pagkamulat ng mata ni Edward ay wala na ang dalaga.

Naramdaman nyang may tumulong luha sa mga pisngi nya.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon