Kinabukasan ay maaga syang gumising para makapaghanda ng baon nya.
Naunahan pa nya ang mommy nya.
Nagluluto sya ng hotdogs ng makita sya ng mommy nya sa kusina.
"Hulaan ko! May kashare ka sa lunch mo ano?" nakangiting usisa nito sa kanya.
Tumango sya.
"Magkikita kami ni Maymay mamayang lunch!" nakangiting kwento nya sa mommy nya.
"Now she has a name!"
At kwinento nya sa ina kung paano sila ulit nagkita ni Maymay.
Sa school ay excited na syang marinig ang bell na maghuhudyat ng lunch break.
Pagkatunog nga ng bell ay agad-agad na syang tumayo para pumunta sa rooftop ng kabilang building.
Hindi nya alam kung bakit pero hindi sya nag-aalala kung sakali mang makasalubong nya ang grupo nila Christian.
Ang nasa isip nya lang ay makikita nya ng muli si Maymay.
Pagkarating sa rooftop ay agad nya naman nakita ang dalaga.
Nakatalikod ito at nakatanaw sa langit.
Nilapitan nya ito ng hindi gumagawa ng ingay.
Tinakpan nya ng mga kamay nya ang mata nito.
"Guess who?"
"Statue!"
Inalis nya ang kamay nya.
"Huh? It's me, Edward! Were you expecting someone else?" may lungkot sa mga matang tanong nya dito.
"Ito naman! Hindi mo ba alam yung joke na yun? Statue! Ingaw ma yan?" natatawang sabi ni Maymay sa kanya.
"At saka bakit naman ako mageexpect ng ibang darating eh sa'yo lang naman ako nakikipagkita!"
Napangiti na muli si Edward sa sinabi nito.
"Kumain ka na ba?" tanong ng dalaga sa kanya.
"Hindi pa! I brought you lunch para sabay na tayo!" at ibinigay nya dito ang ihinanda nyang baon.
"Thank you Edward!" malambing na sabi nito habang nakangiti.
Habang kumakain ay tinanong sya nito.
"Ginugulo ka pa rin ba ng grupo nila Christian?" seryoso ang itsura nito.
Umiling sya.
"I actually haven't seen them since we met now that I think about it!"
"Mabuti naman kung ganon! Kapag ginulo ka nila ulit sabihin mo lang sa akin ha?"
"At ano naman ang gagawin mo?"
"Sasamahan kitang tumakbo palayo sa kanila!" sabay halakhak nito.
Napatawa na rin si Edward.
"Kumusta kayo ng mommy mo?"
Nagtataka man si Edward sa pagtatanong nito tungkol sa kanyang ina ay sumagot pa rin si Edward dito.
Magaan ang loob nya sa dalaga kaya pakiramdam nya ay kaya nyang ikwento ang lahat dito.
"We're coping! Pakiramdam ko medyo nagiging okay na sya sa sitwasyon namin."
"Sana wag kang matakot na magsabi sa mommy mo na nahihirapan ka dito sa school. Hindi nya gugustuhin na may mangyaring masama sa iyo kaya sana maging mas open ka sa kanya."
"How...."
Tumayo ito bigla.
"Balik ka na sa klase mo!" sabi ng dalaga sa kanya.
At narinig nila ang bell na hudyat ng pagtatapos ng lunch break.
Niligpit nya ang lunch box na ginamit nila.
Habang nilalagay nya sa bag ito ay
"Nasarapan ka ba sa..."
Pag-angat nya ng ulo nya ay wala na naman ang dalaga.
Nakita nyang sumara ang pinto ng rooftop.
Napailing na lang sya.
"Grabe! Iniwan na naman nya ako!"
Nagmadali na syang bumalik sa classroom nya.
Natapos ang klase at nakauwi na sya ng hindi pa rin nakikita ang grupo nila Christian.
Pagdating sa bahay ay inilabas nya ang baunan na pinagkainan para hugasan.
Napansin nyang may nahulog na papel.
Swerte ang babaeng magiging gf mo! #sanaakonalang #bakanamanpwede ;) ♡Maymay♡
Hindi nya tuloy maiwasan ang mapangiti sa sinulat nito.
Inabutan sya ng mommy nya na nakangiti habang hinuhugasan ang lunch box.
"Mukhang successful ang palunch ni Mayor!" pang-aasar nito sa kanya.
"Mukhang namana ko ang cooking skills mo mom!" proud na sabi nya rito at niyakap nya pa ang ina kahit na may bula-bula ang mga kamay nya.
Nagulat ang mommy nya pero ngumiti na rin ito.
Masaya si Cathy na bumalik na ang dating masiyahin na Edward.
Alam nyang nahirapan ito sa paghihiwalay nilang mag-asawa.
Hindi naman nya kasi matutukan ito dahil abala rin sya sa maliit na negosyo nila.