"Nay, andito na po ang apo nyo na si Edjohn." tawag ni Annika Dale sa kanyang ina.
"Lala..." tawag ng binata sa lola Maymay nya.
Nang lumingon si Maymay ay tila nabalik sya sa araw ng unang pagkikita nila ng asawang si Edward.
Kamukhang kamukha ng lolo Edward nya si Edjohn kaya ganun na lang ang reaksyon ni Maymay dito.
Tila bumalik sya sa 19 year old version nya.
"Hi!" sabi ni Edjohn sa kanya.
Pero ang tsuma na si Edward ang nakikita nya.
"Tsuma! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Matagal na kitang hinihintay!" naiiyak na yumakap si Maymay kay Edward.
Naintindihan naman agad ni Edjohn na marahil ang lolo nya ang tinutukoy ng lola nya na nag-uulyanin na.
Niyakap nya rin ng mahigpit ang lola nya.
Inalo nya ang kanyang lola.
"Stop crying na! Remember what I told you? You look ugly when you cry!"
Alam nyang yun ang madalas sabihin ng lolo Edward nya sa kanyang lola kapag umiiyak ito.
Well, everybody knows their love story.
Sa sobrang iyak ay sinisipon na si Maymay.
Pinunasan ni Edjohn ang sipon ng lola nya gamit ang kanyang t-shirt.
Hindi mapigil ni Maymay ang mapangiti kahit na lumuluha sya with matching sipon pa.
Wala pa ring pinagbago ang kanyang tsuma.
"Tsuma...naaalala mo pa ba yung Swerteen Ball natin noon?"
Alam ni Edjohn yon.
Just like every flyer around the world.
"Yeah, I remember! I totally cringe whenever I recall those cheesy pick-up lines I told you."
"Corny mo nga pero kilig na kilig ako noon."
"You were really beautiful that night! Simple, not too much!"
Natawa naman si Maymay.
"Tapos ikaw napanganga ka sa beauty ko!"
"Pwedeng humingi ng pabor tsuma?"
"Ano yun?"
"Pwede mo ba akong isayaw?"
"Of course!" sabay lahad ng palad nya upang hawakan ni Maymay.
Paghawak ni Maymay sa kamay ni Edward ay tila nagflashback ang lahat.
Yung namatay ang lolo Joe nya na Edward tried his best to cheer her up by cracking a fart joke. which she found totally corny by the way. Corny but cute.
Yung mala-propesiya na sinabi nito habang may pinag-uusapan sila ng mga hms na "You never know I might be dating Maymay!"
Lots of PBB #MayWard moments according to their flyers that proved that even then Edward cares for her.
She just didn't want to put malice into it.
Bukod kasi sa kagagaling lang nya sa heartbreak noon ay mas bata sa kanya si Edward.
Although mature itong mag-isip.
Napapangiti si Maymay habang naiisip ang salitang #MayWard.
Ito ang pinagsamang pangalan nila ni Edward na tawag sa kanila ng mga fans nila na kung tawagin ay flyers.
Flyers dahil daw si Edward ang piloto at ako ang stewardess ng eroplano namin.
A big part of their love story is their fans, the #MayWard flyers.
Na hindi sumuko at ipinaglaban sila sa management.
Palagi rin silang pinoprotektahan sa mga bashers at sa mga gustong sumira sa tandem nila.
Ika nga ni kuya Robi, "Wag mong subukan...masisira ang buhay mo!"
Madami silang pagsubok na pinagdaanan ni Edward.
Magulo kasi sa showbiz.
Maraming madumi maglaro.
Maraming beses na rin na ginusto na nilang sumuko.
Pero kumapit sila sa Diyos.
Sa mga #MayWard flyers.
At sa mga taong totoong nakakakilala sa kanila, ang pamilya nila.
Nakaramdam ng pagkahapo si Maymay.
Nakahilig na sya sa dibdib ni Edjohn habang sumasayaw sila.
"Tsuma...gusto ko ng magpahinga." bulong nya kay Edward.
Hinaplos ng asawa ang buhok nya at kinarga sya.
Ipinikit ni Maymay ang kanyang mga mata na may ngiti sa mga labi.
Dahan-dahan na ihiniga ni Edjohn ang lola nya sa kama.
Pumasok ang mommy nya na si Annika Dale pati ang kakambal nito na si John Dale kasama ang bunso nila na si Zonshine.
Lumapit sila sa ina.
Nakita nila na unti-unting tumigil ang paghinga nito.
The End
"I really believe that our souls are intertwined. That Maymay and I are soulmates."