Chapter 1

17.8K 135 10
                                    

Bandang ala una ng umaga sa Pinas.

Gising pa si Khaye, Inaantay ang tawag ng kanyang asawa. Kadalasan mga alas diyes ng gabi sa Pinas, nag i skype na silang dalawa.

Subalit nitong linggo ng madaling araw wala paring tawag si Eduard kay Khaye.

"Dhe. Asan ka na ? Ano ba oras ang gig niyo? Bat di ka pa natawag? Antok nako." ( txt ni Khaye sa asawa)

"sorry mhe, Busy lang kami. Tulog ka na. Bukas nako tatawag." Sagot naman ni Eduard makalipas ang halos kalahating oras na pag aantay ni Khaye sa reply ng asawa.

Lalong nag init ang ulo ni Khaye "nyeta naman Di ka ba makatawag kahit sandali lang?"

Seen zoned! Kaya lalong nag init ang ulo nito dahil alam nyang nababasa ni Eduard ang kanyang mga text.

The next day:

Linggo ng umaga. Tiningnan kaagad ni Khaye ang kanyang cellphone. Wala man lang txt mula sa asawa.

Asar na asar si Khaye.

Nakapaglaba at nakalinis na sya subalit wala parin tawag mula sa asawa. Tinawagan nya sa messenger. Di sumasagot.

"Hmmp baka tulog pa ang gago!"

Nag simba sila ng mga anak nya at nag Jollibee pagkatapos. Halos mag aala un ana ng hapon nang maka uwi silang mag-iina. Wala parin txt sa asawa.

Tumawag ulit si Khaye, hindi pa rin sumasagot si Eduard. Nag aalburuto na si Khaye kaya di ito tumigil sa pag tawag sa asawa na halos mapudpod na ang mga daliri nya and finally sumagot din itong si Eduard sa tawag nya.

"Tangna! Ano kaba Eduardo? Nakalimutan mo na ba na me pamilya ka dito? Pabulyaw na sambit ni Khaye sa asawa

"Ano ba, letche ke aga aga pumuputak na naman bunganga mo?"

"ohhh Im sorry po kung nagising ko kayo." Sarkastikong sagot ni Khaye sabay sabing" Tangna mo! Dikana nga tumawag kagabi? Ikaw pa me gana magalit ngayon? F*ck you!" halos maluha luha na si Khaye sa kabilang linya.

"huwag mo akong minumura! Otherwise iha hang up ko to" galit na rin si Eduard

Then biglang may nagsalita sa background #...

"babes are you okay?"

Nagpanting ang tenga ni Khaye.

"Sinong punyetang babae yang sa tabi mo?"

"room service yun! Ano kaba!"

"sinong niloloko mo, animal ka, boses ng babae yun at tinawag ka pang babes?" (Pasigaw na sumbat ni Khaye )

Patuloy ang pag mumura ni Khaye sa asawa then ---****beeepp!

"Aba ang kupal! Binagsakan ako ng telepono! " lalong nanggalaiti si Khaye.

Dumayal ulit si Khaye sa asawa. Hindi sumasagot. Isa, dalawa at hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses pa syang tumawag at deretso lang sa voicemail. Galit na galit si khaye at napahagulgol nalang ito.

Bandang alas siete ng gabi nag jogging si Khaye after nilang mag hapunan. May pamangkin siyang labingwalong taong gulang- si Katkat na nakatira sa kanila dahil nag aaral sa Holy Angel University. 10 mins drive lang sa bahay nila Khaye.

Si Kat na rin madalas mag aalaga sa mga anak niya dahil free board and lodging naman sya kila Khaye. Sa Capas pa kasi nakatira mga magulang ni Katkat. Kuya ni Khaye ang ama ni Kat.

Habang nag ja jogging si Khaye may nakasabay sya- si Aldane.

"Bat gabi ka na nag ja jogging? Baka kung ano pa mangyari sa yo. Ganda mo pa naman." ani Aldane.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon