Chapter 60

2.8K 42 2
                                    


Nang magising ni Khaye ang mga bata, sabay sabay silang nagsipag almusal.Pagkatapos si Aldane ay umuwi na sa kanyang apartment para maligo,  at pinaliguan naman ni Khaye ang kanyang mga anak at binihisan, at sya ay naligo na rin...

Bago mag alas dies nasa tapat na ng gate nila Khaye ang kotse ni Aldane. Habang nag mamaneho si Aldane, panay ang hawak nya sa kamay ni Khaye, pagkatapos ng kalahating oras na byahe, nag park si Aldane sa tapat ng bahay sa may Hensonville...Lumabas si Aldane sa kotse ang binuksan ang gate. Nagulat naman si Khaye sa laki ng bahay.
"Kanino bahay to?" tanong ni Khaye. Habang inaalalayan ni Aldane sa pagbaba ng kotse si Khaye, saka binuksan ang pintuan ng kotse sa likod kung saan naman naka upo ang mga bata.

Pumasok sila sa malaking bahay, up and down, maganda ang garden at me swimming pool kaso walang laman. Nagtanong ulit si Khaye.
"Kanino bahay to?" ngumiti si Aldane.
"Dito kami lumaking magkakapatid, noong magpakasal sila Mommy at daddy habang nasa airforce binili nila ito, nang bumalik sila sa US pina rentahan ito, sabi ni Daddy nang bumalik ako dito, dito nya ako pinatitira kaso sobrang laki naman kung ako lang mag isa." saka binuksan ni Aldane ang front door, at pumasok sila sa may salas.
"ahhhhh-di mo nabanggit na me bahay pala kayo dito?"
"We never had the chance eh" saka kumindat si Aldane.
"Kailan umalis ang nag re rent dito?"
"Before Christmas ata, pero me care taker kami na taga linis talaga"
"Nung nasa US ako tinanong ako ni dad kung ano ba plano ko? kung titira na ako sa States?" tumingin si Khaye sa kanya.
"Sabi ko depende sa Love ko kung saan nya gustong tumira" saka sya tumingin kay Khaye.
"Gusto kasi ibenta ni daddy ito, sabi ko, tatanungin muna kita.."
"Do you want to live here with me as our new home? kasama ang mga bata?"
Nagulat si Khaye di makapag salita.
"Mommy laki po ng bahay na to" me swimming pool pa kaso wala tubig!" sabat ni Callum
"Pwede naman natin lagyan ng tubig, at pwede rin kayo mag swimming dito araw-araw kung gusto niyo?" ang sabi ni Aldane sa mga bata habang naka genuflect ito at hawak ang balikat ni Callum at Liam.
"Talaga po? kanino po ba bahay ito?" Tumingin si Aldane kay Khaye.
"Dito sana tayo titira kung gusto ng mommy niyo."  ngumiti ti Khaye.
"I will think about it muna mga kids"
"Tara ilibot ko kayo!"  saka inalalayan ni Aldane si Khaye at mga bata papuntang kitchen.Malaki ang kusina nito, me breakfast bar, at marmol ang flooring. Open plan sya kaya andun na rin ang dining table with 8 chairs na gawa sa narra.
"Kanino furniture to?"
"Sa amin din, nang ipa rent namin ito fully furnished, kakilala ni Dad ang nag rent, kaya hindi pinabayaan talaga"
"Pero balita ko nakabili na sila ng bahay kaya umalis na dito."

Umakyat sila sa taas, sa may pinaka bukana ng hagdan me maliit na living room doon at me TV. Apat ang kwarto sa taas, at isa sa baba. Pinakita ni Aldane ang mga magiging rooms ng mga bata...
"Heto ang room niyo mga boys-ito yung room ko noong bata ako, Kung gusto niyo mag share ng room, nasa sa inyo yan, o baka gusto niyo rin ng hiwalay na room?"
"Share na lang po kami, ang laki kasi eh, baka me mumu dito?"  sagot ni Callum at tuwang tuwa
"Pipintahan natin yan ng kahit anong kulay na gusto niyo!"
Saka nila iniwan ang magkapatid sa kwarto.
Hinawakan ni Aldane ang kamay ni Khaye "Are you ready to see our room?"
Pumasok sila sa master's bedroom, malaki ito, at me chandelier , ang kama ay King size, saka me ensuite bathroom. Sa may bandang kanan papasok sa bathroom me walk in closet rin. Namangha si Khaye.
"Ang laki naman nito, pano ang bahay namin sa Angeles? at malapit school ng mga bata doon?"
"We will discuss this Khaye, I dont want to rush you. It is all entirely up to you, ayokong ma pressure ka."
"I also want you to learn how to drive, tuturuan kita para matuto ka kaagad, tapos bili tayo ng kotse mo para di ka na nag ko commute." suhestyon ni Aldane. Napayakap si Khaye kay Aldane, at saka dumampi ang mga labi nito sa babae.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon