Chapter 30

3.6K 39 3
                                    


Saturday afternoon:
Dumating ang ama ni Khaye kasama si Leah, ito na yung linggo na mag i start na si Leah bilang kasambahay ni Khaye dahil papasok na muli sa kanyang trabaho si Khaye ngayong Lunes. Nag park ang ama sa tapat ng gate ni Khaye, sinalubong ng mga bata ang lolo na nasa may balkonahe. Lumabas sila ng gate, si Khaye naman ay pinapasok si Leah. Nag usap ang dalawa sa magiging routine nito. Me pagka metikulosa kasi si Khaye pagdating sa gawaing bahay. Itinuro nito ang magiging kwarto nya.
"Huwag kang mahiya ha? ituring mo kaming parang pamilya mo na, kasi mag pinsan naman tayo"
"Salamat ate!" sagot ni Leah.
"Asan si tatang? " Nagtaka si Khaye  bakit hindi pa pumapasok ang ama nya. Lumabas ito sa may balkonahe at nakita nyang naglalaro ang mga bata, subalit may kausap ang kanyang ama sa labas. -----------Si Aldane.
"Tang me problema po ba?" tanong ni Khaye at lumapit sa sasakyan ng ama.
"Medyo flat ang gulong ko, me mabait na mama dito na nag offer tulungan akong palitan ang gulong ko.!" sagot ng ama. Nagkatinginan sila Aldane at Khaye. "Lolo sya po si tito Aldane, nakatira dun sa bahay na yun oh?" turo ng panganay ni Khaye. "Ahhh kilala niyo ba sya?" tanong ng ama. Tumango si Khaye. "Nadaanan ko ang father mo tinanong ko kung kailangan nya ng tulong" me pako ang gulong nya!" kaya kinuha ko ang tools ko sa bahay" eksplanasyon ng lalake kay Khaye. Dali daling pinalitan ni Aldane ang gulong ng  van ng ama ni Khaye, buti na lang me spare tyre sya sa likod. Habang pinapaikot ng lalake ang spanner, lalong lumilitaw ang kanyang biceps sa suot nyang green shirt na fitted. Parang kinikilig ito habang pinapanood ang lalake. Saka na ito nagpa alam at pumasok na sa loob.
Mayat-maya pumasok naman ang ama ni Khaye, inalok nya ng kape ang ama. Habang nilalagok ang isang mainit na kape, nag kwentuhan sa may kusina si Khaye at ang ama.
"Anong oras ang pasok mo sa lunes anak?"
"Alas otso po ng umaga aalis na ako dito, isasabay ko na ang mga bata, pero si Leah napo ang susundo kasi baka alas sais na ako makarating ng bahay. "
"Ang asawa mo , kamusta naman sa Bahrain?"
"Okay naman po, every week tumatawag sa mga anak nya."
"Hiwalay na ba kayo talaga? wala na ba talang balikan ?"
"Yun po ang usapan namin tang,. ayus naman ang padala nyang sustento sa mga bata so far!"
"Mabuti naman kung ganon, saka nag abot ng sobre ang ama sa anak"
"Ano po to tang? "
"Pandagdag pang gastos nyo! dahil isang buwan bago kapa sasahod diba?"
Tinanggihan ni Khaye ang ama, at pinilit itong ibalik ang sobre. "Tang, marami na po kayong naitulong sa amin ng mga anak ko, okay pa naman po kami, pwede naman siguro ako mag advance!"  Subalit pinagpilitan parin ito ng ama ni Khaye sa kanya. at wala nang magawa si Khaye kundi tanggapin ito. Matapos inumin ang isang tasang kape, tumayo na ang ama..
"Sya nga pala, mabait yung kapitbahay mo, naka kwentuhan ko ng kaunti, nasa America pala ang mga magulang nya at US Airforce ang ina at retired Captain ang ama noong panahon pa ng mga americano dito sa Clark. "
"Tatang naman, na interrogate niyo kagad ang tao, nag palit lang ng gulong niyo?" pangiting sagot ni Khaye. saka na nagpa alam ang matanda sa kanyang mga apo.

Dali-daling tinext ni Khaye si Aldane.
"Wow, mukhang naka first base ka sa tatay ko!" biro ni khaye.
"haha, dami nga nyang tinanong sa akin, haha, tinanong pa kung me asawa ako, sabi ko hiwalay na kami!" nakaka nerbiyos naman pala ang ama mo, but he is nice"
"Speaking of hiwalay, kamusta na pala ang process ng annulment mo?" tanong ni Khaye sa pulis.
"ayun on going parin, medyo mahirap din pala, wala kasi kaming matinding grounds sa separasyon. Collusion of marriage sana kaming mag-asawa kaso it is not an acceptable condition at baka mag result pa ng dismissal of the annulment petition. Nagkausap na rin kami ng asawa ko, kasi gusto na rin nyang i rush ang annulment, parang balak na nilang pakasal ka agad ng kanyang partner. Guess what? Childhood sweetheart nya pala yung lalakeng nakita natin sa restaurant kasi the next day tumawag si misis at nag explain, I told her na hindi na nya kailangan mag explain, I told her too na I am seeing someone else and she wished me good luck, doctor pala ang lalake, so sabi ni misis, she will do everything in their power para mapabilis talaga ang proseso ng annulment namin, money talks you know, marami rin atang kakilalang abogado ang partner nya. sabi ko I am willing to meet half way sa expenses."
"Sounds promising, mabuti naman at madaling naka move on ang asawa mo!"
"So are you nervous for Monday?" biglang pinalitan ni Aldane ang topic.
"Sya nga pala, next week na ang bday mo? any plans?"
"naku wala naman, 29 na ako, matanda na ako, so di na uso ang mag-handa!" Saka magkasunod kami ng kaarawan ng panganay ko, baka lalabas na lang siguro kami!" I ja jollibee ko nalang sila, maligaya na sila dun."
"Can I take you all out then? My treat! please?"
"Ano sasabihin ko sa mga anak ko? "
"Sige ako na bahala gumawa ng paraan, ayokong ma stress kapa sa kakaisip, but please save that date okay? " Next Saturday it's a date! deal?"
"Bahala ka!" natatawang sagot ni Khaye.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon