Chapter 53

2.7K 38 2
                                    


Pagkatapos mag patuyo ng buhok ni Khaye lumabas sya ng kwarto, nadatnan ang mag a amang nag lalaro ng play station. Pasado alas siete na yun. Umupo si Khaye sa sofa at pinanood ang mag-aama. Maya maya tinanong nya si Ed. "Ano oras ka uuwi?"
"After ng game na to" sagot ni Ed habang nagpapatuloy sa pag lalaro. Kinuha nya ang phone nya. Wala parin txt or calls galing kay Aldane. Iniisip nya kung mag te txt ba sya ulit sa boyfriend o antayin muna nya itong tumawag.
Nag browse ulit sya sa Facebook. Nakita nya ang mga larawang pinost ni Jhen sa UK. Naka bonnet ito na kulay blue na me pompoms sa dulo, black skinny jeans saka padded jacket at Brown Ugg boots. Nasa labas ito at may snow sa paligid. Nag like sya at nag comment sa mga larawan ng kaibigan. Nang makitang naka online ang kaibigan biglang tumawag ito kay Khaye. Sinagot ni Khaye at tumayo at pumunta sa labas para mas malakas ang signal kapag video call.
"Hi bes! Ganda ng mga pictures mo ah! Winner!"
"Ayy grabe! First time kong maka tikim ng snow⛄. Anlamig hahahah"
Biglang nag hello si Stewart sa likuran, "Hi Khaye how are you? I heard all about you" Saka yumakap ito sa bewang ni Jhen habang kausap ang bespren.
"Im good, hows your Christmas? I hope my bestfriend is behaving herself there?" Sabay ngiti ni Khaye.
" Oh we had a lovely meal at Christmas🎄 we went to my mums and my mum made some lovely dinner. We had some roast turkey and roast beef and some roast tatties and brussels sprouts; the whole family were there too, they all adored Jennifer. " full name ni Jhen. "Yeah! Stupid Stewart introduced me as Jennifer im not used to it" sabat ni Jhen. Saka hinalikan ni Stewart ang gf sa may batok at nakiliti naman si Jhen"
"Okay guys get a room!" Tukso naman ni Khaye sa mag syota.
"Ill leave you 2 okay? Nice speaking to you Khaye, cant wait to meet you!" "Bye Stew! Likewise! Paalam ni Khaye.
"Hahah dont call him Stew! Ayaw nya yun! Ayaw nya ng nicknames kaya lahat tawag sa akin Jennifer"
"Wala akong nainitindihan sa sinabi nya na niluto daw ng Mom nya!"
"Na lost ako after the Turkey hahahah"
"Now you know the feeling hahhaha, ang hirap nilang intindihin. Pero mababait sila bes. Lalo na parents ni Stewart. Grabe andami kong gifts from them"
Matagal din nag usap ang mag bespren saka pumasok ito sa salas. Halos mahigit isang oras pala sila nag usap ng kaibigan.
"Okay kids its time for your bed na! Mag a alas nueve na! " saka na pinatulog ang mga bata. Si Ed nag ligpit ng kalat nila sa salas. Tinulungan sya ni Khaye at dinampot ang mga nagkalat ng toys.
"Kailan pala ang balik mo sa bahrain?
"Tapos na ang contract namin sa Bahrain, sa Dubai naman ang next contract namin. " sagot ni khaye. Tumuloy si Khaye sa may kusina at nag timpla ng green tea. Inalok nito si Ed. " di ako umiinom ng green tea. Ice tea na lang kung meron pa"
"Ahhh oo meron pa!" Saka tinimplahan ng ice tea si Ed. Naupo sa may dining chair si Ed naka titig kay Khaye habang nag titimpla ng ice tea. Inabot ni khaye ang isang baso ng ice tea kay Ed saka umupo ito sa katapat ng upuan nya.
"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo for the past few days ha? Gusto ko to yung ganito tayo! Mag kaibigan!" "Its good for the kids na makita tayong amicable at civilised" medyo hindi nagustuhan ni Ed ang term na mag kaibigan lang. Ininom nya ang ice tea! Biglang tumunog ang celphone nya-tiningnan ito ni Ed. Me messages sya sa Facebook. Galing kay Kim. "Hows my darling? Ill call you in a bit!" Nilagok ni Ed ang isang basong ice tea saka na ito nag paalam kay Khaye. Pasado alas nueve na ng gabi .
Pagka alis ni Ed kumaway sa kanya si khaye sa labas. Saka na ito pumasok at ni lock ang mga pintuan. Maya maya ang kotche naman ni Aldane ang dumaan subalit nasa loob na si khaye that time.
Nag toothbrush si khaye saka na nahiga sa kama. Nakaramdam na ng pagod ang katawan nya dahil maaga syang nagising kaninang umaga at mahaba haba din ang binyahe nila.
Nahiga si Khaye sa kanyang kama. Tiningnan ang phone. Saka muling tiningnan ang facebook ni Aldane at ni Melanie Mendez. In stalk nito ang FB ng babae. Lalo syang na insecure sa nakita dahil naka public lahat ang photos nito. Me naka 2 piece lang sya taken in Mexico. At ibat ibang lugar...maganda sya at succesfull, kaso naka sulat sa Bio nya Single! Parang me kumurot na naman sa kanyang puso. Gusto nyang i text si aldane ngunit piniligilan ito ng kanyang pride!
Saka nya ipinikit ang kanyang mga mata at naiisip ang lahat ng happy memories nila ni aldane. Napaluha ito at saka na nakatulog.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon