Chapter 28

3.5K 44 2
                                    


Huwebes ng hapon nag text si Ed kay Khaye.
"ako na susundo sa mga bata"
"sigurado ka? baka tawagan na naman ako sa school?"
"OO papunta na ako dun." Dumating ang mag-aama at sabay sabay silang nag hapunan.
"Dad. Ano po oras alis niyo bukas?"
"Lunch time lipad ni daddy"
"Me school po kami, di po namin kayo mahahatid sa airport?"
"Hindi na, dibale nalang, sama nalang kayo ulit sa pag sundo sa akin."
"hatid niyo po ba si daddy mommy?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. "Ahhhh hindi siguro-kasi ihahatid ko pa kayo tapos mamamalengke pa ako" sagot ni Khaye." kailangan bago mag alas dies nasa Airport na daddy niyo"
Pagkatapos maghapunan, nanood ng TV ang mag-aama habang nagliligpit sa kusina sila Khaye at kat. pagkatapos magligpit...lumapit si Khaye sa mga anak.
"Kids mag goodnight na kayo kay daddy, tulog na kayo, me pasok pa bukas."
"Ako na magpapatulog sa kanila! " alok ni Ed.
Si kat naman pumasok na sa kanyang kwarto.
Nang makatulog ang mga bata, lumabas si Ed, inimpake ang ibang dadalhin nya sa byahe. Si Khaye nanonood ng TV. umupo si Ed sa couch ...
"Pasensya ka na nung isang araw at nasampal kita" Hindi kumibo si khaye, patuloy sa kanyang pinapanood.
"Stress lang kasi ako, dami naming sineseprang kanta."
"Ed, bakit hindi mo pa kasi aminin? Na kayo ni Ella? me nakakita sa inyo nung sabi mong me gig kayo sa La-union, nakita kayo magkasama daw kayo!"
"O sige, ano ngayon sa yo?" diba ikaw na mismo nagsabi na tapos na tayo? Ngayon nag seselos ka na naman?"
"hindi ako nagseselos Ed, ang akin lang naman yung aminin mo na? kesa nagkukunwari kapang akala mo tayo pa rin? " nakakairita yung ganun."
"Alam mo mahal kita Khaye"
"For fuck sake! tantanan mo na ako sa kakasabi mo na mahal mo ako" Ni minsan hindi ko nadamang minahal mo nga ako!"
"Ewan ko ba tama sila mama at tatang dapat noon pa kita hiniwalayan, pero umasa ako na balang araw magbabago ka, pero hindi eh? patuloy ka parin sa pambababae mo, at walang direksion ang buhay mo! nakakapagod umasa sa wala naman palang ina asahan" By the way, I am going back to work in 2 weeks time. Sa BPI ulit."
"Sino mag aalaga sa mga bata?" galit na tanong ni Ed.
"Yung pinsan ko!"
"Ikaw ang bahala, baka mapabayaan ang mga bata?"
"Alangan namang nganga lang ako dito? hindi habang buhay aasa ako sa parents ko, nahihiya na rin ako sa kanila"
"Ed ayoko yung araw araw lagi tayong nagtatalo, pagod na ako, sawang sawa na ako sa bangayan natin, mas okay pa siguro na mag kanya kanya nalang tayo ng buhay, pagtulungan natin ang pagpapalaki sa mga bata. Kung me maitutulong kang pinansyal edi mas maige yun. " I want us to be amicable for the sake of the children, hindi tama yung lagi nalang nakikitang nag aaway tayo, hindi yun healthy sa isang pamilya, emotionally distressed ang mga bata pa nakikita nilang puro tayo away, matter of frankly speaking, lumaki ako sa pamilyang tahimik at ni nag taas ng boses di ko narinig si Itay o nanigaw sa nanay ko..." Buhay prinsesa ako sa amin, tapos nung makisama ako sayo, daig kopa ang katulong?" Pero pinag laban kita! Ano nangyari? Binale wala mo ang pagmamahal ko sayo Eduard..kumbaga sa cancer, malala na tong relasyon natin at di na kakayanin ng chemo therapy-kaya palayain na lang natin ang isat-isa!
"Kung yan ang desisyon mo e di sige!"
Natapos ang usapan ng mag-asawa at pumasok na sa kwarto si Khaye.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon