Chapter 39

2.9K 36 2
                                    


Sunday night as usual, tawagan ulit sina Khay at Aldane bago matulog. Medyo matamlay si Khaye at napuna ito ng binata during their video call.
"Are you alright babes?"
"Yes babe, I am just tired that's all. "
"How is your day?"
"Not bad, dumating si Ed dito kanina, pinasyalan ang mga bata!"
Medyo nagulat si Aldane- "Anong oras?"
"Kanina bago lunch, at dito na nag lunch, niyaya ng mga bata"
"ahhhh, that's good, ano oras sya umalis?"alanganing tanong ni Aldane.
"Mag ha hapon na ata yun, nakipag laro sa mga bata."
"What's his plan? buti napa aga ata uwi nya? I remember you said na January pa uwi nila?"
"Siya lang ang umuwi, I really don't know the story babe, I didn't even bother asking." malumanay nyang sagot..
"Me sakit kaba babe? bat parang ang tamlay mo?"
"Nothing babe, just busy at work kasi mag pa Pasko na."
"Okay you want to go to sleep just now?"
"Oo babe, if you don't mind tulong na ako, aga pa gising bukas."
"Okay babe, goodnight, I love you!"
"I love you too, good morning, and I miss you..." paalam ni Khaye.
Pagkababa ng telepono, hindi naman kaagad nakatulog si Khaye, hindi sya mapakali sa kanyang higaan, nang biglang me nag txt.
"Salamat sa lunch kanina, it was great to see you all, lalo kang gumanda Khaye" galing kay Eduard.
Tiningnan lang ni Khaye ang celphone, saka na pumikit at pinilit nyang makatulog.

The next morning, habang nasa trabaho si Khaye, nag text si Ed...
"Gusto mo sunduin ko mga bata?"
"Huh? wag na si Leah ang nagsusundo sa kanila, baka malito lang sila"
"Ahh okay, e ikaw ano oras tapos mo? "
"Mga alas singko pa tapos ko eh. Bakit ba?" tanong ni Khaye.
"Wala naman, dalhan ko sana ng pagkain ang mga bata, kung late ka na matapos,"
"Huwag ka na mag abala Ed, si Leah naman ang nagluluto ng dinner, kapag weekdays."

Bandang alas singko papalabas si Khaye sa trabaho, bigla syang nilapitan ni Ed, "Hi Khaye, hatid na kita."
"Ohhh ano ginagawa mo dito? bat andito ka?" gulat na tanong ni Khaye.
"Napadaan lang ako, bumili kasi ako ng letchon manok, eh nadaanan ko work mo, sabi ko baka matyempuhan kita." tumanggi si Khaye, nang biglang umambon. "Sakay na, saka binuksan ni Ed ang pinto ng puting Mazda na kotche" nagulat si Khaye. "O kailan kapa nag ka kotche?" "Ni rent ko lang to for a month habang nandito ako, para mas madali sa akin ang pag pasyal ko sa mga bata!" Hindi na nakatanggi si Khaye kaya sumakay na rin sa kotche ni Ed. Tahimik lang si Khaye sa kotche, nakatingin sa malayo.
"Bumili ako ng letchong manok saka bituka ng manok, alam ko paborito mo yan" tiningnan sya ni Khaye at napataas ang kilay.
"What are you doing?"
"What do you mean?"
"Why are you doing all these? nililigawan mo ba ako ulit? "medyo iritang tanong ni Khaye kay Ed.
"I miss you Khaye, and I never stop loving you!"
"tapatin mo ako, Eduardo! what happened to you and Ella?" kapag binubuo ni Khaye ang pangalan ni Ed, ibig sabihin galit na sya.
"Wala na kami ni Ella, kasi I realized na mas mahal kita...kayo ng mga mga anak natin!"
"That is bullshit, Ed! bat ngayon pa? Bakit hindi noon na nag-mamakaawa ako kahit konting paglinga at pag ibig, ipinagdamot mo? bakit ngayon ka nanggugulo, ngayong maayos na ang buhay namin ng mga anak mo?"
"Please give me another chance, Khaye, mahal na mahal kita."
"Im sorry Ed, me mahal na akong iba."
"SINO?" medyo napataas ng boses si Ed.
"Wala ka nang pakialam kung sino, basta ang alam ko, siya ang lalaking nagturo sa akin kung paano umibig muli..siya ang gumamot sa puso kong sugatan"
"Im really really sorry Khaye, hope you'll forgive me, hindi ako susuko, kahit na mag antay ako ng ilang taon, ipaglalaban ko kayo ng mga anak natin, na realized ko na hindi ko pala kayang mawala kayo sa buhay ko!"
Napaiyak si Khaye, hinawakan ni Ed ang balikat nya.
"Get your HAND OFF ME!" mariing sabi ni Khaye kay Ed...naging tahimik ulit ang senaryo sa loob ng kotche hanggang makarating na sila sa bahay nila Khaye. Inabot ng binata ang letchong manok at BBQ ng bituka ng manok , "Please take this, para sa mga bata, itapon mo nalang yung bituka ng manok kung ayaw mo, please say Hello to the kids for me..." Kinuha ni Khaye ang nakasupot na pag-kain at nagpa alam na kay Ed. Sinalubong sya ng mga bata, at sabay sabay na sila naghapunan.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon