Chapter 31

3.4K 48 4
                                    


Lunes ng Umaga: Maagang nagising si Khaye at naghanda na para sa kanyang first day back to work. Pinakain nya ng almusal ang mga bata saka sabay sabay na silang umalis, hinatid ni Khaye ang mga bata sa school at tumuloy naman sya sa kanyang trabaho. Maaga rin nag text ang pulis kay Khaye at winish nya ito ng Goodluck!

Sa gabi naman, halos mag-aalas sais na bago maka uwi si Khaye. Malapit lang naman ang pinag ta trabuhan nya sa tinitirhan nila, mga 20 minutes lang sa jeep. Alas singko tapos na sya sa trabaho. Naging abala si Khaye sa trabaho, kaya halos pagod na pag uwi sa bahay, napadalang ang pagkikita nila ni Aldane, araw-gabi naman silang nag te text an or tawagan. Isang hapon pauwi sya, nadatnan nya ang mga anak sa may balkonahe kasama si Aldane. Nagulat sya sa eksenang naabutan.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Khaye kay Aldane.
"Napadaan ako kanina, nakita ko si Callum na nag bibisikleta, tinawag nya ako para pagmalaki na magaling na daw sya mag bike!" "Tapos sabi ko padilim na kailangan na nilang pumasok sa bahay, niyaya ako ng anak mo at nagpapaturo ng Math homework nya.!" sabay naman pinakita ni Callum ang kanyang homework!
"Mommy oh, galing galing pala ni Tito Aldane sa math, naturuan nya ako sa homework ko, pwede kana mag pahinga hindi mo na ako kailangan tulungan sa homework ko" ang kwento ng anak nya.
"Salamat ha? "kaswal na sambit ng babae kay Aldane.
"Gusto mo pumasok?!" alok nya sa pulis
"Opo tito Aldane, dito na po kayo mag dinner" kulit naman ng mga anak ni Khaye. Nangiti si Aldane, "Depende sa mommy niyo yan, baka kasi gusto na magpa hinga!"
"Mommy sigi na po!" at umoo na rin si Khaye.
Habang nag di dinner, palagi ang kwento ni Callum sa pulis.
"Kailan po tayo maglalaro ng Star wars battle?" Tumingin ulit si Aldane kay Khaye, kinakapa kung ano ang isasagot sa anak nito.
" Ahhhh, me pasok ka bukas, baka sa weekend nalang kung papayag ang mommy mo!"
"ayyy birthday ko pu yun eh, i ti treat daw kami ni Mommy sa jollibee"
"Kung gusto niyo po sumama kayo samin?"
"Ang daldal mo anak, di na tuloy nakakain si Aldane sa yo!"
"Mom pwede po ba natin isama si Tito Aldane?  Pati na rin po si Auntie Leah sama natin"
"Uuwi si auntie Leah sa Capas anak, kasi day off nya pag weekend."
"si Aldane naman baka me pasok!"
"Ahh day off ko sa Sabado so pwede ako, " sagot naman ni Aldane at pasimpling sinipa sya ni Khaye sa ilalim ng mesa.
"Birthday nga pala ni mommy sa Sunday tito Aldane"
"Ayy bday mo pala, happy bday in advance!" kunwaring bati ng lalake. Pagkatapos mag hapunan, tumayo si Aldane at tumulong sa pag-liligpit,"Naku iwan mo nayan, naabala ka na ng husto, ako nang bahala dyan."
"Okay lang naman, " sagot ni Aldane, habang si Leah naman sinamahan na ang mga bata, para maligo na. Habang silang dalawa lang sa kusina, pasimpling pinipisil pisil ni Aldane ang puwit ni Khaye. "Ano kaba, baka makita tayo ng mga bata" iwas ni Khaye,
"hahaha, natakot naman to, wala ang mga bata, pumasok na sa banyo!" bulong ni Aldane. Pagkatapos nila magligpit, hinatid na sa pintuan ni Khaye si Aldane "Pakisabi sa mga bata, umuwi na ko ha?"
"OO"
"see you this saturday?" Susunduin ko kayo ng 10am? saka pinisil ni Aldane ang kamay ni Khaye. "I miss you sooo much Khaye, I wanna kiss you right now" "sshhhhhh-ano kaba baka me makarinig sa atin"
"Please come and see me tonight, kahit sandali lang, and I promise I wont molest you- just a cuddle" pleasseeeee?" pahabol na bulong ni Aldane.
"Ano kaba ang kulit mo, umalis kana,"
"Im not leaving until you say yes!" tukso ni Aldane.
"okay sige na, titingnan ko!"
"Promise?"
"Oo na sabi, umalis kana!" Saka na umalis si Aldane, at yun naman ang padating ni Kat galing college.
Pumuslit si Khaye ng gabing yon sa apartment ni Aldane, and guess what? They didn't make love (sorry to disappoint you readers! :)) they just talked and cuddled. Sinabi ni Aldane ang plano nya sa kanila sa Sabado, dadalhin nya sa Sand Box Outdoor adventure ang mga ito, at isu swimming narin ang mga ito pagkatapos nila sa Sand box. Kaya sinabihan nya itong mag handa ng pang swimming.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon