Chapter 38

3K 46 3
                                    


Mag-aalas tres na ng madaling araw ng makatulog ang magkaibigan napasarap sila sa kanilang kwentuhan at pareho silang nalasing. Pasado alas nueve na ng umaga nang magising si Khaye dahil ginising sya ng mga bata. Tumayo si Khaye at pinakain ang mga bata, pagkakain nila, naglaro na sila sa tapat ng bahay, si Jhen ay mahimbing pa rin ang tulog. Kinuha ni Khaye ang kanyang celphone, madami itong text galing kay Aldane at missed calls.

Umupo si Khaye sa kusina at nag text kay Aldane.
"Hi babe, Musta na? I got your messages, is everything alright?"
Hindi sumagot si Aldane, nag timpla si Khaye ng kape at nag toast ng tinapay, kinuha nya ang sandwich spread...
"O bat nagising kana? " bati ni khaye kay Jhen.
"Ano oras na ba? " tanong ni Jhen..
"Mag a-alas dies pa lang naman!"
"I need to go home soon, I mi meet ko sister ko."
"almusal ka muna"
"Grabe sakit ng ulot ko! Naubos natin isang bote ng malibu?"
"hahahha, halos ikaw nakaubos!" tawa ni Khaye habang pinagtitimpla ng kape ang kaibigan.
"nalibugan ako kagabi, tinawagan ko si Stewart kaninang madaling araw dito, gabi ata sa UK, grabe hindi ko alam kung ano ginawa ko nag text si Stewart, nag enjoy daw sya sa video call namin last night."
"hahahah, nag SOV kayo?( sex on video)
"siguro, pero wala naman dugo ang kumot ko pag gising ko, that means hindi dinugo ilong ko, siguro na fu fluent ako sa English pag naka inom"
"hahahahah, kaya pala ang lakas mong maka "Ohhh yeahhhh ! kaninang madaling araw, ikaw pala yung umuungol? hahaha" biro ni Khaye sa kaibigan.
" weehhhhh di nga ? narinig mo? hahhahhah"
Biglang nag ring ang phone ni Khaye....si Aldane...
"Hi babe, how's things?" tumayo sya at umupo sa sofa, si Jhen nagpatuloy sa pag-aalmusal.
"I have good news and bad news babe!"
"awww, start with the bad news first please"
"Mom's cancer is Stage 3A and the 5 year survival rate is about 38%"
"ohhhh babe, Im sure your mom is a strong person and she can fight this disease--and the good news???" tanong ni Khaye.
"Kinausap ni Dad yung mga specialist dun sa hospital, he wants the best care kay mommy, tapos kanina noong nasa hospital si mommy for her chemo, me pumasok na doctor..she's in her mid 30's or late 30's siguro, chineck si Mom, tiningnan yung medical profile ni Mommy and she asked for some privacy with my Mom, pagkatapos nila mag-usap tinawagan kami ni mommy apparently yung doctor dun sa hospital was my Mom's long lost daughter. "
"ohhhh talaga? you finally met your half sister?"
"yesss, iyak ng iyak si mommy , akala namin tinaningan na sya...pinakilala nya sa amin, she was really nice and she said she will do everything in her power to make sure that mom got the best care in that hospital"
"Paano naman na confirm na sya nga ang long lost daughter ng mommy mo?"
"She has been searching for my mom online daw, at me picture si Rachel, yun yung name ng sister ko, sa wallet nya when my mom was still in the Airforce, kaya nung pinakita nya sa mommy yung picture nilang dalawa, dun na umiyak si mommy."
"nakaka touch naman ang kwento mo, I am soooo happy for your family babe"
"Bukas, me family dinner kami and we invited Rachel and her husband, kaso wala pa rin anak. So si mommy nag re rekwes pa rin ng mga apo, pero parang biglang nabuhayan si mommy.."
"Eh palagay mo kailan ka makakauwi?"
"Not sure yet babe, kasi gusto ni Dad dito na ako mag Pasko, para sama sama daw kami, dahil matagal na kaming di nakukumpletong pamilya pag Pasko."
"Awwww, I miss you sooo much babe!" biglang nalungkot si Khaye.
"I'll see what I can do babe, I miss u so much too."

Bago mag alas dose, nagpa alam na si Jhen sa kaibigan. Si Khaye ay nag plantsa ng mga uniporme nila ng mga bata, bandang hapon dumating na si Leah at Katkat.
First week of December, Biernes ng gabi, tumawag si Ed kay Khaye
"hi Khaye! musta na kayo ng mga bata?"
"Okay naman, kailan uwi mo?"
"Bukas na, gabi ang dating ko sa airport"
"Bakit ikaw lang uuwi? mga ka grupo mo?"
"Nag rekwes lang ako n 1 month leave, para makasama ko ang mga bata sa Pasko"
"Ehhh excuse me? san ka tutuloy? Hindi ka pwede tumuloy dito ha?"
"No dont worry, tutuloy ako sa kapatid ko.."
"Ahh that's good, akala ko plano mo pang tumira dito."
"pero pwede koba mabisita ang mga bata?"
"OO naman, eh anak mo sila, alangan namang ipagdadamot ko pa sila!"
"That's good, na miss ko na kayo ng mga bata, pwede ko ba kayo mapasyalan sa Sunday? "
"Haaa? sige wala naman kaming plano, pwede mong pasyalan ang mga anak mo!"

Alas dies ng gabi, pumasok na si Khaye sa kanyang kwarto, at ka video chat nya ulit si Aldane. Habang nag-uusap sila, nabanggit ni Khaye na padating si Ed galing Bahrain.
"Huh? why didn't you tell me sooner?"
"Nawala sa isip ko eh, kaso kanina tumawag at sinabing parating na raw bukas!"
"Siya lang mag-isa?"
"Oo daw, nag ask lang daw ng 1 month leave para makapag pasko dito sa Pinas. "
"Do I have to worry about this Khaye?"
"What do you mean?" nalilitong tanong ni Khaye.
"I mean, he's not planning to win you back is he? "
"I don't think so babe, and dont worry, Im all yours babe, he will never win me back"
"Okay good.!!!" saka na nag good night ang mag siyota.

Si Ella, ay patuloy na ibinahay ng arabo sa Bahrain...Si Kim naman ay nasa Bahrain parin, subalit patuloy ang relasyon nila ni Ed, si Kim ay deborsyada, me asawang Italiano, at malalaki na ang mga anak, naninirahan sila sa Bahrain dahil nag ta trabaho doon si Kim bilang Hotel manageress sa isang hotel sa Bahrain. 20 years ang age gap nila Kim at Ed, galante ang babae, dahil marami din nakuhang pera sa italiano nang sila ay mag divorced. Sustentado nya si Ed, at si Kim narin ang nag bayad ng tiket ni Ed pauwing Pinas. Napamahal na si Ed kay Kim, and for obvious reasons, pera naman ang habol ni Ed kay Kim.

Sunday morning, bandang alas onse ng umaga, kumakatok na si Ed sa bahay nila Khaye...masayang masayang sinalubong ng mga bata ang kanilang ama..
"Wow, ang laki laki niyo na!" natutuwang bati ng ama sa mga anak, saka inabot ang mga pasalubong nilang mga laruan at damit. Me mga ipad din.
"Milagro, ang dami mong pasalubong sa kanila!"
"Okay lang yun, kailangan kong bumawi sa kanila-syanga pala heto ang sayo." sabay abot ni Ed sa isang plastic bag na me tatak duty free.
"haa? bat naman nag abala kapa ng para sa akin?" gulat si khaye, eh dati wala naman syang ganong pasalubong sa kanya, puro sa mga bata lang.
"Basta, buksan mo!" Binuksan ni Khaye ang isang plastic bag ng duty free. me isang boteng Chanel na pabango, paboritong pabango ni Khaye. Chanel no.5, saka me gold necklace na nakasulat na Khaye at mga chocolates.
"Naku andami naman nito, ibigay mo nalang kaya sa mga kapatid mo?" tanggi ni Khaye.
"Please, tanggapin mo na, para sa yo talaga yan, makabawi man lang ako sa mga katarantaduhan ko noon sa yo." makaawa ni Ed.

Niyaya ng mga bata ang ama na doon na mananghalian. Nakipag laro din si Ed sa mga anak nya sa kanilang iPad. Medyo ilang si Khaye, kaya hinayaan na lang nyang mag bonding ang mag-aama. Mag-aalas kwatro na ng umalis si Ed kila Khaye.

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon