Chapter 27

3.6K 41 4
                                    


Bandang ala dos ng hapon naka balik na sila Khaye at Aldane sa Pampanga. Alas kwatro ng hapon naman dumating ang ama ni Khaye kasama ang mga anak nya...

Pasado Alas siete ng gabi si Eduard naman ang dumating, bitbit ang dalang travelling bag...Tumakbo papunta kay Ed ang dalawang bata, na miss nila ang kanilang Ama...niyakap ni Ed ang mga anak...saka tinanong si Khaye
na nakaupo sa salas at nanood ng telebisyon.
"Kumain na kayo?"
"Oo"
"Me ulam pa? "
"Nasa ref, initin mo kung gusto mo"
"wait lang mga anak ha, kain muna si daddy" Tumayo si Khaye at pumunta ng kusina, nakaupo si Ed sa upuan at nakatutok sa celphone habang kumakain. May ka text!
"O ano? magkano kinita mo sa gig niyo?" tanong ni Khaye.
Nagbuntung hiniga si Ed at dinukot ang wallet sa jeans. Kumuha sya ng tatlong daan at nilagay sa mesa.
"Ayan nang matahimik ka na!"
"wow, ano kaya mabibili ko dito? tubig at electricity natin kulang pa to eh! pam budget pa sa araw-araw"
"PWEDE BA PAGOD AKO! ITIGIL MO YANG BUNGANGA MO!"
napatingin ang mga bata sa kanila habang nanonood ng TV. "Hindi mo naman kailangan pang sumigaw , punyeta ka" sabay dampot ni Khaye sa pera at pinuntahan ang mga anak.
"Kids after that program tulog na kayo ha?"

Nang makatulog na ang mga anak ni Khaye pumasok na sya sa kanyang kwarto, may text sya galing kay Kat,
"Auntie dito na po ako sa friend ko matulog, bukas nalang po ako uwi dyan"
"Sige ingat ka" she texted back.
Si Eduard naman ay abala sa pag lo load ng kanyang labahan sa washing machine. Hindi na sya pinansin ni Khaye dahil mainit ang ulo, kapag mainit ang ulo ng asawa nya, nananapak sya.

Nag text din sya kay Aldane
"Thank you for this weekend, I had a great time."
"You are welcome my dearest, tulog na ako babe, maaga pa shift ko bukas ha?"
"Good night , i love you, mwaaahhhh"

Kinabukasan maaga nagising si Khaye at binihisan ang mga bata, tulog si Ed sa salas. Ginising ni Callum ang ama,
"Dad! Dad! sabi mo hatid mo kami sa school?"
"Antok pa si daddy anak, mamaya promise ako susundo sa inyo!"
"Kailan po kayo sakay ng eroplano ulit?" tanong ni Liam
"Sa Biernes na!" sabay tingin kay Khaye.
"tara na mga kids, hatid ko na kayo!"
Pagkahatid ni Khaye sa mga bata tumuloy sya sa palengke...at namalengke ng pagkain, pagkatapos umuwi na.
Si Eduard nadatnan nyang nag aalmusal. Nilagay ni Khaye ang mga pinamili sa mesa.
"So sa Friday na pala lipad mo?"
"Oo Friday lunch time"
"Ilang buwan ang kontrata niyo?"
"Baka six months" malamig ang usapan ng mag-asawa, walang mahahagilap na amor kahit konti lang. Saka na nag umpisang magluto si Khaye, pumasok naman sa banyo si Ed. nang lumabas si Ed nakatapis ng tuwalya. Napalingon si Khaye sa asawa at biglang bawi. Nagplantsa ng Shirt si Ed.
"Aalis ka na naman? akala ko ba susunduin mo mga bata?"
"Me pupuntahan lang ako, pero babalik ako kagad, tutuloy na ako sa school nila para sunduin sila!" pagkabihis umalis na si Ed.

Bandang hapon, tumawag ang school ng mga bata kay Khaye.
"Pwede makausap si Khaye Lumanlan?"
"speaking? me problema ba?"
"Yung mga anak mo andito pa sa school , sabi ang daddy nila ang susundo sa kanila"
Dali daling tumawag ng trike si Khaye at sinundo ang mga bata sa school. Galit na galit si Khaye kay Ed. Umuwi si Ed bandang alas singko ng hapon, sinalubong sya ng mura ni Khaye, ang mga bata naglalaro sa labas.
"Punyeta ka! sana tumawag ka man lang na di mo masusundo ang mga bata? tumawag pa yung teacher nila at sinabi nag-aantay ang mga bata dun sayo?"
"Sensya na nawala sa isip ko!"
"Wala kang kwentang ama! batugan kapa!"
"TUMIGIL KA NA! NAG SORRY NA EH!"
"Ah sorry ganon nalang, sa mga bata ka mag sorry! hindi ko masisisi ang mga bata kung one day mawala ang respeto sa yo!"
biglang sinampal ni Ed si Khaye, na shock si Khaye at nangilid ang luha,
"walang hiya ka, wala ka na ngang silbi dito, palamunin kapa, ikaw pa ang me ganang magalit?" "LUMAYAS KA NA!" nanginginig na sabi ni Khaye, Pinunasan ni Khaye ang kanyang luha ng makitang papasok ang mga bata.
Ligo na mga bata, bago kayo mag hapunan, saka nya mahinang sinabi kay Ed, " pagkapaligo ko sa mga bata, magpa alam ka na sa kanila, doon ka na muna sa pamilya mo, at ayoko ng makita ang pagmumukha mo. I will pack all your clothes tonight at balikan mo na lang bukas!"
Pinaliguan ni Khaye ang mga bata, at naghanda na ng hapunan si Khaye, tinawag ni Khaye ang mga bata, dumating naman si Kat galing college, tinawag ng mga bata ang ama. Naghapunan silang sabay sabay. Tahimik!
Biglang binasag ni Khaye ang katahimikan.
"Kids, aalis muna si Daddy! titira muna kila tito Dan niyo (kapatid ni Ed) kasi mas malapit dun kung saan tumutugtog si daddy eh. " kaswal na sabi ni Khaye.
Yumuko si Kat, alam nyang me nangyari na namang di maganda sa mag-asawa. "Kailan po balik niyo dito dad?"
"Sa Thursday dito ako matutulog, kasi Friday alis na ulit si daddy, sasakay ulit ng eroplano!"
"ay ganun po ba? kailan po balik niyo?"
"Baka after New year na!" pagkatapos mag hapunan nag pa alam na si Ed sa mga anak.
Niyakap ni Khaye ang mga anak nya, at pinatulog na.
"okay ka lang auntie?" tanong ni kat sa tiyahin.
"Oo , okay lang ako!"
"Baka gusto mo tapalan ng yelo ang pisngi mo auntie, namumula kasi" Napuna ng pamangkin ang namulang pisngi nya sa pagkasampal ni Ed sa kanya kanina.
Nag text si Aldane sa kanya.
"Good evening, how's my babe?"
"Heto, okay lang"
"I miss u so much" "Miss u too!"
"Nga pala, kanina pauwi ako napansin ko paalis si Ed, me dalang bag, me gig na naman?"
"Hinde, pinalayas ko!"
"ahhh okay, is everything alright?"
"Yeah!"
"You want to talk about it?"
"Id rather not!" "Sorry Babe, pagod ako...saka na tayo mag usap. okay?" pakiusap ni Khaye sa lalake.
"Okay babe, remember andito lang ako, please don't forget that. I love you so much!"
"sige, good night babe, i love you, I miss you too!"

Nakaw na Sandali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon