AT kinalimutan na ni Olivia ang lahat at tuluyan na siyang lumayo. She lived far from all the memories of him, forever. It was definitely the best for her heart because she knew that she won't be able to handle her situation as Manolo's best friend any longer.
As expected, leaving her dear best friend wasn't easy. Ilang beses siya nitong piniglan at muntik na siyang hindi tumuloy sa Los Angeles pero hindi na niya pinayagan ang sarili na muling mahulog sa mga titig nito. Si Manolo lamang ang tanging lalaki na minahal niya sa buong buhay niya at halos kalahati noon ay inilaan niya sa pag-asa na balang araw ay mapo-promote siya mula sa 'best friend' sa pagiging 'girlfriend'. Kaya naman hindi naging madali para kay Olivia ang pakawalan si Manolo at itapon sa hangin ang lahat ng pinagsamahan nila nang ganoon lang.
May mga gabing hindi siya makatulog, may mga umaga na gumigising siyang basa ng luha ang kanyang mga mata. Pero nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sa loob ng dalawang taon ay nalampasan niya ang bawat oras at bawat araw na wala si Manolo sa paningin niya.
"Hey, thanks for coming, Liv!" masayang bati ni Glecy sabay halik sa kanyang pisngi. Kailangan pang sumigaw ng kaibigan sa kanyang tainga para marinig niya ito. "Kahit na...alam mo na," sabi pa nito sabay kindat at baling sa grupo nina Manolo sa hindi kalayuan.
"Come on, p'wede ko bang palampasin ang kasal ng best friend ko?" malakas niyang sabi. "And besides, matagal na 'yon, naka-move on na 'ko."
Naroon sila sa bar and restaurant kung saan kasalukuyang ginaganap ang reception ng kasal ng matalik na kaibigan. The entire place was a mixture of classic decors and contemporary style. Maliban sa mga lumang larawan na kasabit sa dingding at makalumang disenyo ng mga mesa at upuan, moderno ang kabuuan ng lugar.
Hindi naging madali ang desisyon niyang dumalo sa imbitasyon ni Glecy lalo pa't alam niyang pupunta rin doon si Manolo. Simula nang tanggapin niya ang promotion na magtrabaho sa Los Angeles ay hindi na sila nagkita ng dating matalik na kaibigan at wala na silang komunikasyon liban na lamang sa mangilan-ngilang e-mails at text messages nito sa kanya sa tuwing may espesyal na okasyon.
God, she even avoided his phone calls. Sa mga e-mails na lang rin nasasabi ni Manolo sa kanya ang mga kuwento tungkol sa trabaho nito sa marketing agency at sa tuwing may maganda itong balita tungkol sa kung anu-ano. Pinipilit siya ni Manolo na umuwi ng Pilipinas tuwing kaarawan nito pero parati na lamang siyang may dahilan para hindi makauwi – abala siya sa trabaho o sa ibang bagay, na hindi naman totoo. It's not that she didn't want to see Manolo. She just still can't see him because she cannot deny the fact that her feelings for her best friend hasn't changed a bit.
Inubos na ni Olivia ang natitirang red wine sa kanyang baso at um-order ng isa pa. Habang magkatabi silang nakatayo ni Glecy sa sulok ng bar at tinitingnan sina Manolo na masayang nagsasayaw sa saliw ng malakas na tugtog. Ka-kuwentuhan nito si Frank, na ngayon ay asawa na ni Glecy.
Sinasabi na nga ba niya, tama ang kutob niya na may gusto si Frank kay Glecy noon pa man. Oo, mauunahan pa siya ng kaibigan na magpakasal. It was more than a surprise when Glecy broke the news, that she's actually getting married dahil wala pang isang taong magkasintahan ang dalawa nang magdesisyon na magpakasal.
Glecy was wearing a simple but elegant mermaid style wedding gown. It has ¾ lace sleeves, satin covered buttons and intricate details on its low back. Glecy never looked gorgeous as tonight because she worked hard to lose weight for this very special evening. Olivia, on the other hand, was wearing an A-line navy blue dress. It was all lace and strapless, something that she has never worn before. Naka-french twist ang buhok niya at pinalamutian ng hair dress na gawa sa perlas.
Naging maayos naman ang kabuuan ng kasiyahan, na parang naging mini-reunion na rin nilang mga magkakaibigan. Kanina pa niya gustong lapitan si Manolo pero parati itong may ibang kausap sa tuwing titingnan niya. Kanina pa rin siya naghihintay na ito ang lumapit sa kanya pero hindi iyon nangyari – dahil parati nitong kadikit ang napakagandang si Miranda.
BINABASA MO ANG
Tagu-taguan ng Feelings (published under PHR) COMPLETE
RomanceRAW/UNEDITED VERSION RELEASED under Precious Hearts Romances "Kung aagawin ba kita sa kanya, magpapaagaw ka ba?"