Epilogue

3.6K 122 16
                                    

A YEAR AFTER

NANUNUKSO ang mga ngiti ni Manolo habang pinagmamasdan siya. Pakiramdam niya ay para siyang nananaginip nang mga oras na iyon, Mainit ang katawan nito na nakapaibabaw sa kanya at gustung-gusto na niyang halikan ang bawat parte niyon pero kailangan niyang pigilan ang sarili dahil ayon kay Manolo, kailangan nilang gawin iyon nang dahan-dahan.

Malapit na noong magtakip-silim at sila na lamang dalawa sa malaking silid na iyon sa Margarita Ville para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Kahit na ano'ng pilit ni Manolo na gawing magarbo ang kasal ay hindi siya pumayag. Sapat na para sa kanya ang simpleng salu-salo, 'yung sila lamang dalawa, kasama ang pamiya at piling malalapit na kaibigan.

Gustuhin man nilang magpakasal agad, kinailangan pa nilang maghintay na matapos niya ang kanyang kontrata sa L.A. Bukod doon ay naging abala rin si Manolo sa sinalihang art exhibit at gusto niyang mag-focus doon ang kasintahan dahil kung mayroon mang masaya sa tagumpay nito, siya 'yon at wala nang iba. Isang taon silang nagtiis na hindi makita ang isa't-isa at makuntento na lamang sa araw-araw na tawag at video chat para lamang magkausap at magkakumustahan. Pero sa totoo lang, kahit ilang taon pa, kahit gaano katagal ay kakayanin nilang maghintay.

Sino nga ba naman ang makapagsasabi na mangyayari ang lahat ng iyon? Na ang matalik na kaibigan niya ang kanyang makakatuluyan? Oo, araw-araw at gabi-gabi niya iyong pinapangarap pero hanggang doon lang – pangarap.

"Naalala mo ba 'tong scene na ito?" pabulong na tanong ni Manolo. "'Nung gabi'ng niyaya mo 'kong manood ng horror movie pero hindi ako pumayag?"

Napangiti siya nang maalala ang eksenang iyon.

"I will never forget that moment when you were on top of me. Grabe'ng self-control ang ginawa ko no'n, alam mo ba? You can never imagine how hard it was for me not to kiss you."

"Well, I can imagine, actually. The feeling was mutual, Manolo," nakangiti niyang sabi.

"Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon. That memory kept me awake for days...weeks...months. Sabi ko sa sarili ko, I should have kissed you right then and there." Pero natakot siya dahil isipin pa lang niya na iiwasan siya nito ay hindi na niya kaya. "Hay, ang tagal kong hinintay 'tong gabi'ng ito, Liv," Manolo said as he placed featherly kisses on her cheeks.

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ng asawa. "Hay, ikaw lang naman ang hinihintay ko, e."

"Salamat sa paghihintay."

Manolo smells like a lavender-scented bodywash. It shouldn't turn her on but then, just thinking about Manolo, his intoxicating laugh, his sweet smile and everything about him already makes her want him badly. He looked gorgeous with his tousled hair and dark eyes. His face flushed and his lips a bit swollen, all she could think about was to kiss and lick and bite those luscious lips.

"O, tititigan mo na lang ba ako buong gabi?" biro niya nang wala pa rin itong ginagawa.

Bahagya napangiti si Manolo at umiling. "Ano ako, sira? Halos buong buhay na puro titig lang ang ginawa ko sa'yo, e. "

Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Manolo ang sarili na halikan ang asawa. 'Yung halik na matagal na nitong gustong gawin. Ramdam nito ang biglang paghigit ng hininga ni Olivia at ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang buhok at batok.

Hindi pa rin siya makapaniwala, na ang nag-iisa niyang matalik na kaibigan ay ngayo'y kanya nang asawa at wala nang makapipigil sa kanya na halikan ito sa pisngi, sa labi, sa leeg, sa kahit saan. Ngayon, maari na niyang sabihin dito kung gaano niya ito kamahal araw-araw, oras-oras nang walang iniisip o inaalala. Hindi na niya kailangang mangarap nang gising na makasama si Manolo dahil ngayon, kasama na niya ito araw-araw, gabi-gabi.

At ngayon, hindi na nila kailangang magtagu-taguan ng feelings.

~~

WAKAS

Tamara Cee

Tagu-taguan ng Feelings (published under PHR) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon