Chapter 4

2.5K 54 1
                                    

"OKAY ka lang ba?" pasimpleng tanong ni Liv kay Manolo. Nag-aalala man, ayaw niyang ipahalata sa kaibigan na masyado siyang apektado sa pagtawag nito sa kanya kaninang madaling-araw. Pero as if hindi halata na nag-aalala siya rito, gayong nagawa pa niyang puntahan ito sa opisina nang araw na iyon. Ipinagpaliban niya ang isang mahalagang lakad kasama si Glecy para lamang makausap si Manolo ngayon.

"Oo naman, bakit?" Nakangiti si Manolo na para bang walang iniinda, na lalo niyang pinagtakhan.

"Bakit ka napatawag kanina?"

"Ah 'yon? W-wala. May itatanong lang sana ako." Nauna na ito sa kanya palabas ng gusali ng pinapasukan nitong opisina kaya mabilis niya itong sinundan.

"Ano 'yung itatanong mo, bakit hindi mo na naitanong?"

Umiling-iling lang ito at huminto sa paglalakad. "Kalimutan mo na 'yon. Ano, kain muna tayo bago umuwi? Libre ko."

Hmm...there's something about him, really. Something weird. Seryoso ito, hindi ito nangungulit at ngayon, nagyayaya'ng kumain. At libre pa!

Sa halip na sa paborito nilang fast food, sa From Coffee to Cupcakes sila tumuloy ni Manolo at lalo niya iyong ipinagtaka. The coffeeshop/bookshop was about 30 minutes from their college campus at ngayon ay around 15 minutes from his office. Eclectic ang disenyo ng kabuuan ng lugar, na pinaghalu-halo ang bago at luma. Red walls with bronze accents, white ceiling, woodden tables and chairs. All in all, the place was vibrant and homy, the reason why they fell in love with it easily.

Noon, pumupunta lang sila sa From Coffee to Cupcakes sa mahahalagang okasyon tulad ng birthdays, Pasko, sa tuwing matatapos ang exam week nila noong kolehiyo, o kapag may importante itong balita.

Baka mayroon itong importanteng sasabihin. Oh my God...baka magtatapat na si Manolo! Tiningnan lang niya ito habang naglalagay ng asukal sa tasa ng kape niya. Kabisado na nito kung ilang sachet ng asukal ang nilalagay niya sa isang tasa ng kape, kung gaano karaming kanin ang nakakain niya, kung ano'ng klaseng tsokolate o candy o tinapay o ulam ang trip niya sa buhay.

"So, ano'ng problema?" diretso niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Manolo at ipinagpatuloy lang ang paghalo sa kape. "Problema?"

"Bakit tayo narito? Nagpupunta lang naman tayo rito kapag may okasyon o may dapat i-celebrate...o kapag may problema."

"Hindi ba p'wedeng gusto ko lang mag-iced tea at mag-blueberry cheesecake?"

"May iced tea at blueberry cheesecake naman sa cafeteria ng building ninyo."

"Mas masarap dito," simple nitong sagot.

Pinagmasdan lang niya si Manolo habang kumakain ito. Ni hindi man lang ito ngumingiti at halata niya sa mukha nito na may inaalala. Dati-rati naman, napakadali nitong magsabi ng problema. May kaunti lang itong dinaramdam, naka-text na ito sa kanya pero ngayon...

May nag-iba na nga yata sa matalik na kaibigan. Parang mas nagiging malihim na ito ngayon. Siguro, dahil na rin sa bihira na lang sila magkita ngayon, at mas madalang na silang magkaroon ng panahon sa isa't-isa.

~~

"NOOD tayong sine bukas, libre ko," narinig niyang sabi ni Manolo nang makauwi na sila sa bahay.

Napaangat ng tingin si Liv. Ngayon, libre'ng lunch, tapos libreng sine bukas. Ano ba talaga ang nangyayari? Kumunot ang noo niya at tiningnan nang matalim ang kaibigan.

Pagpasok nila sa kanyang kuwarto ay agad nitong pinuntahan ang mga gamit nito sa pagpipinta sa sulok ng silid. Malaki ang espasyo ng kanyang kuwarto pero halos kalahati niyon ay ginamit na ni Manolo para sa mga materyales nito sa pagpipinta tulad ng easel at naglalakihang canvas. Pero sanay na siya sa ganoon. Ilang taon na ba nitong ginagawang art studio ang kuwarto niya?

Tagu-taguan ng Feelings (published under PHR) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon