Chapter 4

75.6K 1.6K 116
                                    

Hi guys, if you like my story, please vote it. And please follow me. So that, you are updated in my more upcoming chapters. Thankies!



***

Hinatid ako pabalik ni James sa aking classroom pagkatapos naming maglunch. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap.

Nang makapasok ako sa room ko umupo ako sa upuan ko. Nakita ko pa ngang nakatingin lang sakin si Lance.
Pero hindi ko nalamang iyun ininda. Tumunog na ang bell na ibigsabihin ay tapos na ang lunch break ng pumasok si Ma'am Gina, Values and Right Conduct Teacher namin.

"Shaya..." tawag saakin ni Lance. Hindi ko nalamang ito nilingon at tinuon ang pansin sa teacher namin na nagdidiscuss.

"Shaya may problema ka ba?"Tanong ulit ni Lance. Bakit ba ang kulit mo Lance?

"Pwede ba wag mo na akong kausapin. Ang kulit kulit mo kasi." Dire-diretso kong sabi. Napatingin si Lance sa paligid ko, kaya naman tumingin ako. Nakita ko silang lahat nakatingin sa akin, mukhang napalakas ata yung sinabi ko.

"Miss Aerin, baka gusto mo nang lumabas?"Tanong ni Ma'am saakin.

"Pasensya na po." Nakayuko kong sabi.

"Last warning." Pagbabanta ni maam sa akin. Napakagulo kasi ni Lance, yan tuloy ako pa ang nasita. Sa totoo lang wala ako sa mood na makipagusap kahit kanina dahil itong si James ang pinoproblema ko.

Nagpatuloy lang si maam sa pagtuturo. Nakakahiya ka talaga, Shaya.

Kinalabit ulit ako ni Lance sa may Braso ko. Napakakulit talaga kahit kelan.

"Huy." Mahinang sabi nito.

"Huy, galit ka ba?" Tanong nito sa akin.

"Hindi." Maikli kong sabi at nakinig lang sa guro namin.

"Galit ka eh." At patuloy parin sa pagkalabit. Hindi pa ba ito titigil?

"Utang na loob naman!" Napalakas ang pagsabi ko nun dahil sa pagkalabit sa akin ni Lance. Napakakulit kasi!

"You." Turo sa akin ni Ma'am Gina. "Get out." Mahinahon na sabi nito. Inayos ko ang aking gamit at lumabas na ng classroom. Nakakainis ka talaga, Lance! Ngayon baba na talaga ang grado ko sa Values. Ayoko naman bwisitin si ma'am kaya mas maganda na umalis na lang ako. Kapag sumagot pa ako sigurado detention ang abot ko nito.

Pumunta nalang ako sa may garden ng school at umupo sa isa sa mga bench dito ng maisipan kong itext si James.

James pinalabas ako ni ma'am.
Messaged sent.

Hindi ako nireplayan ni James, sa tingin ko galit talaga ito sa akin. Kaya naman tinext ko ulit ito.

Baka mauna na akong umuwi.
Messaged sent.

Okay.
Reply naman ni James. Nakakainis naman bakit ba kasi nagalit sa akin si James. Sa totoo lang kapag napapalabas ako ng Teacher ang reply niya saakin. Where are you? o di kaya I am coming para sasamahan niya ako. Pero ngayon okay lang? Naiiyak naman ako.

"Oh baka tuluyan ka nang umiyak dyan." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Si Lance lang pala. Pero bakit nandito siya?

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman pinalabas ni Ma'am ah?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Naalala ko kasi na ako lang ang pinalabas ni ma'am.

"It makes me sleepy staying there." Mayabang na sabi nito at umupo sa may kanan ko. Hindi ko nalamang ininda si Lance. At tinitigan ang cellphone ko. Hindi ko maisip na okay lang ang reply saakin ni James.

"Pwede ka naman umupo sa kabilang bench." Naasar na sabi ko rito pano dito pa kasi talaga umupo sa tabi ko.

"Bakit natatakot ka na makita tayo ni James?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganon. Ayoko lang na nagagalit siya." Malungkot na sabi ko.

"Ewan ko ba sayo kung bakit nagste-stay ka pa dyan. OA na sa pagiging overprotective." Sabi nito habang nakatingin sa may fish pond na malapit sa amin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Mahal ko si James dahil sa umikot na ang mundo ko na kaming dalawa lang. mahal ko siya dahil masaya ako sa kanya pero minsan nasasakal na rin ako. Grade 7 palang kami, nobyo ko na siya kahit na napakabata pa namin nun. Ilang years na ba kami? Mag-6 years na rin pala kami. Ang tagal ko na palang kasama si James. Habang tumatagal mas lalong naghihigpit si James sa akin, simula nang ampunin ako ng mama niya dahil sa ginawa saakin ng demonyo kong tito.

"Sabagay sino ang hindi, magbabakod sayo. Kung ako siguro si James, ganyan din ang gagawin ko." Seryosong sabi nito. Nabalik ako sa katinuan ng sabihin niya iyun.

"Ano ka ba. Kung ano-ano nalang pinagsasabi mo."

"Seryoso. You're too precious, Shaya." Nakatingin sa aking sabi nito. Sa totoo lang kaya medyo naging close ko ito si Lance dahil sa nakikita ko ang ugali nito na medyo may pagka-James.

"Salamat. "Nakangiti kong sabi sa kanya. "Teka, bakit ba ang bait mo sa akin? Baka mamaya may gusto ka na pala sa akin ah?" Pangaasar ko sa kanya.

"Asa ka naman."Medyo asar na sabi nito. Naalala ko kasi na karibal ko pagdating sa mga academics, masyado siyang competitive, at syempre hindi ako magpapatalo sa kanya. Ginagawa ko ang best ko para, manguna sa student list.

"Biro lang." natatawa kong sabi.

"Tara, labas tayo ng campus." Aya sa akin ni Lance. Nakita ko kung anong oras palang, 1:20 palang pala. Mamaya pang 4 ang uwian. Kaya siguro okay lang lumabas kami at maglibot-libot.

Lumabas kami ni Lance at pumunta kami sa may Mall, pumasok kami sa arcade at naglaro ng mga laro doon na pwede sa amin. Nakakatuwa ngang kasama si Lance eh. Hindi maarte at gentleman pa pero medyo mahilig mangutos gusto niya rin na siya palaging nasusunod, naalala ko tuloy si James.

Teka si James? Anong oras na ba? Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:17 pm na. Ang bilis ng oras. Lagot ako neto.

"Lance kailangan ko nang umalis. "

"Wait, we haven't had our dinner."

"Next time nalang, kailangan ko na talagang umalis." Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Paano kasi hindi binibitawan ni Lance ang braso ko.

"Sige, magingat ka ah?" Nakangiti nitong sabi.

"Ikaw rin, bye!" Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis para makapunta kaagad sa sakayan ng jeep. Nasaktuhan pang traffic, lagot na talaga ako kay James. Nagtricycle na din ako para mapabilis ang uwi ko.


Nakarating ako sa may mansyon nang magaalas-nuwebe na. Kinakabahan ako sa pupwedeng mangyari. Parang ayoko nang pumasok.

Nang makapasok ako sa loob, laking pasasalamat ko ng makita ko si Manang Grace at hindi si James.

"Hija, hinahanap ka pala ni Sir James." Sabi nito sa akin. Nang marinig ko ang pangalan ni James, kinabahan ako.

"Ah ganon po ba, sige po magbibihis lang ako." Anya ko rito.

"Wag na hija. Daanan mo muna si Sir, at dahil kanina pa ka hinhintay noon. Amin na ang bag mo ako nalang maglalagay sa kwarto mo." Sunodsunod na sabi ni Manang at kinuha ang aking bag.

"Salamat po." Umalis na nang tuluyan si Manang at nagtungo sa kwarto ko. Ako naman itong kinakabahan na magtungo sa itaas kung nasaan si James.

*knock *knock *knock Katok ko sa malaki niyang pintuan.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si James na kakapatay palang nang TV. Mukhang nanood ito ng basketball sa may TV.

"James."Tawag ko rito.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon