"Ate Shaya!" Sigaw sa aking ng isang napakagandang babae habang nakangiti sa akin. Head-turner talaga itong magandang dalagang ito. Dahil sa lahat ng tao sa loob ng cafeteria ay nakatingin sa amin.Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ate shaya, na-miss kita." Anya nito sa akin. Napaka-sweet talaga ng batang ito.
"Nakauwi na pala kayo ni Tita Delia." Tumango naman ito bilang sagot at nang mahagip niya si James ay tinarayan niya ito.
"What the fuck are you doing in here?"Asar na sabi ni James.
"And what are you looking at?" Mataray naman na sagot ni Janna. Janna is the youngest sister of James, one year lang ang agwat nito sa amin pero napakaisip bata. Isang linggo na ang nakalipas ng hindi na pala nagpapasok si Lance. Ngayon ko lang naalala na ngayong araw pala uuwi sila Tita Delia at Janna. Nakalimutan ko din sabihin sa inyo na may kapatid itong si James. Sa totoo lang si Janna ang pinakapaboritong apo ni Lolo Lee dahil sa napakasweet nito at nagiisang babaeng apo kaya ayun sa singapore siya nagstay para alagaan ang lolo niya.
"S'ya nga pala, bakit ka pumasok dapat nagpahinga ka muna." Anya ko rito. Kakauwi lang kasi niya tapos pumasok ka agad siya. Nagaalala lang naman ako na baka mapagod o magkasakit ito.
"Kasi naman I missed everything in this school. Ate I have a gift for you from singapore, I will give it to you at home."
"Nag-abala ka pa Janna."
"I am sure you will like it, Ate." Nakangiti nitong sabi sa akin. Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch break nang mahagip ko itong si Janna. Ang ganda talaga nitong batang ito. Artistahin ang mukha at mapapansin mo talagang anak mayaman.
"Just get lost." Masungit na sabi ni James. Hinawi ko naman ang tiyan nito dahil sa pagsusungit niya sa kapatid niya.
"We all know ate shaya likes me more than you. Right Ate?" Mapangasar na sabi nito kay James. Tumango nalang ako bilang sagot dahil matampuhin itong batang ito.
"Janna! Lets go." Sigaw ng babae na kanina niyang kasama
"I have to go na. Bye Ate. See you later." At niyakap ako nito bago umalis. Nang mapadaan siya kay James nilabasan niya ito ng dila at inasar. Parang aso't pusa itong si James at Janna kahit na nasa mansyon kami palaging nagaaway ang dalawang ito.
Nang makaalis si Janna. Nakita kong nagtataray si James sa akin. Tinalo pa ang may regla na babae.
"Oh bakit nanaman?" Tanong ko rito.
"So, you like her more than me." Masungit na sabi nito.
"Biro lang naman yun. "Natatawa kong sabi. Parang isip bata talaga. Pati kapatid niya pinagseselosan niya. Pinihit ko ang kanyang ilong. Dahil sa ang cute nito sa tuwing nagseselos siya. "Tara na nga." Aya ko sa kanya at tumungo na sa aming lamesa.
***
"Kamusta po si Lolo Lee?" Tanong ko sa mama ni James. Kakauwi lang namin galing school. Sumabay na din si Janna sa amin pauwi kaya ayun parang may gulo sa loob ng kotse ni James.
"He is fine now. How is James school?" Tanong niya sa akin at habang naluluto ito ng dinner.
"Ayos naman po. Nagaaral po siya nang maiigi." Nakangiti kong sabi.
"Have you asked him what course he wants to take in college?"
"Ang sabi niya po, gusto niya ng business management para daw po maging ready siya sa business life." Natawa naman si Tita sa sinabi kaya naman nagtaka ako. Wala namang mali sa sinabi ko ah?
"Itong si James talaga." Natatawang sabi niya.
"How about you Shaya?" Napatigil ako sa ginagawa ko ng tanungin niya ako.
"Sa ngayon po iniisip ko po kung saan ako kukuha ng scholarship." Sa totoo lang, psychology ang gusto kong kuning kurso sa kolehiyo dahil sa may maganda akong dahilan.
"Ay nako hija. Don't think of it, i will still support you in college." Para akong napako sa aking kinatatayuan sa sinabi sa akin ng mama ni James. Sobrang natutuwa ako ng sabihin niya yun.
"Salamat po." Medyo naiiyak kong sabi. I never expect na papaaralin pa niya ako dahil sa ang pangako lang naman niya sakin ay ang makapagtapos ng highschool.
"Oh come on, you are very smart and you help me alot with James. I am the one should be thankful in here." Nakangiti nitong sabi sa akin. Napakaswerte ko talaga sa pamilya na ito. Si James dati may anger issues ito at mahilig magtantrums sa tuwing nagagalit ito pero ngayon malaki ang pinagbago niya. Kaya siguro psychology ang gusto kong kuning kurso dahil na din sa kaso ni James gusto ko matulungan siya when it come to this.
Speaking of James, sigurado akong matutuwa ito kapag nalaman niya ito. Nang matapos si Tita sa pagluluto tumungo ako sa kwarto ni James, nakita kong siyang may ipinipinta. Nang makita niya ako bigla niya itong tinakpan.
"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.
"What? Get out." Mataray na sabi nito at itinago ang kanyang ipininta. Magaling si James sa paintings at arts, magaling din ito sa sports, horse back riding, swimming, soccer, boxer, jujitsu at skiing. Ayan ang mga sports na bihasa siya.
"Ang sungit naman." Hindi ako umalis sa kwarto niya at umupo sa kanyang higaan. Gusto ko malaman ang magandang balita. Kaya naman napapangiti ako sa sobrang saya.
"What are you smiling at? Para kang baliw." Anya nito ng matabi niya ang painting materials.
"Ah, kasi naman..." nakangiti kong sabi. "Si Tita, sabi niya susuportahan niya ko sa kolehiyo! Yehey!" Masaya kong sabi. Napatingin naman siya sa akin.
"Ah, okay." Ayan lang ang kanyang sinagot.
"Ang saya ko talaga." At humiga ako sa may higaan niya at gumulong-gulong. Natutuwa kasi talaga ako. Tumigil ako sa aking ginagawa ng maramdaman kong humiga din si James. Ngayon ay magkaharap na kami.
"Hindi ka ba natutuwa?" Tanong ko sa kanya, nakatingin lang kasi siya sa akin ng seryoso niyang mukha.
"I am happy. " at ningitian ako nito. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan niya ito. "I am happy whenever you are happy. But its makes me happier when I am the reason of those smiles." Saad nito sa akin. Parang bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyun. Kaya naman napangiti ako ng pagkalaki-laki.
"I love you." Nakangiti kong sabi sa kanya, habang magkasalubong ang aming mata.
"I love you more than anything, Shaya." At niyakap ako nito. "We will visit Lance tomorrow." Dagdag pa niya mas lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa naalala pa niya ang promise niya sa akin.
****
Hi readers! Big achievement sa akin ang magkaroon ng 100 readers in just 4 days, so I decided to follow my active 100 readers. thank you sa pagsuporta. I love you'll!
P.S. I will update very often if you are a loud commentator nasisipagan akong magsulat ng magsulat kung active commentor kayo.
BINABASA MO ANG
SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)
Short StoryPsychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage of her, still forgiveness is what she have. Life is too miserable for Shaya Aerin, until she met the...