Chapter 24

46.2K 729 24
                                    




"Shaya I have one request for you." Anya ni Tita Delia habang hawak ang aking dalawang kamay. Nasa isa kaming restaurant kasama si Janna habang hinihintay namin ang inorder na pagkain nila.

"Ano po 'yun tita?" Tanong ko rito habang nakangiti. Never nagrequest itong si Tita kaya hindi mawala sa akin ang pagkunot ng aking noo. Ano kayang meron at bakit ganito nalang siya kaseryoso.

"Shaya...--" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng dumating ang kanilang inorder. "Let's eat first." Dagdag pa nito nang mailagay na ng waiter ang mga inorder namin. Mukhang mapaparami ang aming kain.

Tahimik kaming kumakain, kaya naman nakapansin na akong may kakaiba, si Janna kasi hindi mapakali sa kanyang pwesto at si tita naman hindi makatingin ng diretso sa aking mata. I think something that bothering them. Kahit na hindi na rin ako komportable sa pagkain, pinilit ko paring kumain dahil sayang ang biyaya.

"Ate Shaya, may gustong sabihin si Mommy, kaya kami nandito." Diretsong anya ni Janna na nagpatigil sa akin sa pagkain. May halong pagtataka sa aking mukha nang sabihin niya iyun.

"Mommy, you should tell her." Medyo asar na dadag pa ni Janna. Napatigil si Tita sa pagkain at huminga ng malalim pagkatapos nitong kumain.

"Shaya, the request I was talking about is..."Pinilit kong ngumiti habang hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin pero bigla nalang ito napunta sa malungkot na aking mukha nang marinig ang kanyang sunod na sinabi. "Lumikas ka muna ng maynila, at magpakalayo-layo. James will get marry soon. This is a request not because I didn't like you but as a mother to you." Para akong binuhusan sa kanyang sinabi nang marinig ko iyun. Pero bakit? Ang akala ko ba boto siya sa akin?

"Tita... seryoso po ba k-kayo?" Na-uutal kong tanong sa kanya pero hindi man lang magawang tignan ako nito sa mga mata.

"Okay, I am done. I need to go to the bathroom." Sabay singit ni Janna at nagmamadaling umalis sa lamesa na aming pinagkakainan.

Hindi ko magawa ang hindi magisip ng kung anu-ano. I just don't understand why. Napanhawak ako sa aking palda at kinunot ito sa sobrang sakit nang aking nararamdaman.

"Tita... kung gusto niyo po iyan, I will do it." Kahit labag sa kalooban ko, kailangan kong sundin ang inutos niya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, siya ang nagpapaaral sa akin, siya ang tumulong sa akin ng mga panahong kailangan ko nang masisilungan. Nandyan siya para sa akin sa lahat ng pagkakataon. Kung ayun ang gusto niya kailangan kong sundin, sino ba naman ako para kuwesyunin siya?

Parang lumiwanag ang mukha ni tita ng marinig niya ang mga sinabi ko.

"Shaya, I promise that you will still continue your studies and I'll support you with all your expenses." Nakangiting saad nito. Pinilit kong ngitian siya kahit na alam kong sa anumang oras ay babagsak na ang luha sa aking mga mata.

"S-salamat po. Tita, pupwede ko po ba isama si James sa probinsya, kahit isang linggo lang po, gusto ko lang siya makasama kahit sa kakaunting panahon." Nanginginig kong saad sa kanya.

"Yes you can, Shaya." Sagot naman nito sa akin. Sakto naman ang pagdating ni Janna. Nakayuko lang ako ngayon. Dahil ramdam ko na ang pabagsak na luha sa aking mga mata.

"Pasensya na po tita, pero kailangan ko na pong umalis." Walang sabi-sabi ay umalis na ako sa aking kinauupuan.

"Ate Shaya!" Rinig kong tawag sa akin ni JannaAt tumakbo papalabas. Nasasaktan ako.

Ang sakit. Ang sakit sa puso, bakit lahat ng tao sa mundo ayaw sa relasyon namin ni James? Kailan pa ba ako magdudusa?

Nang makalabas ako sa restaurant, napahawak ako sa may pader dahil nanghihina nanaman ang tuhod ko. Napahawak ako sa aking bibig upang walang makarinig ng aking paghikbi. Yung kaninang mga luhang nagbabatyag na lumabas, bumuhos na ito.

Kung kailan okay na kami ni James doon naman ulit nagsimula ang hinanakit sa aking puso. Nanghihina akong naglakad habang umiiyak kasabay noon ang saktong pagbuhos ng malakas na ulan. Bakit ngayon pa?

Dahil nasa gitna ako ng park, wala akong masilungan, kaya naman napaupo nalang ako sa may malambot na grass kung saan nagpipicnic ang mga tao. Napatingin ako sa aking paligid kung saan busy ang mga tao sa pagtakbo para makasilong. Parang ganito ang sitwasyon ko, sa tuwing may taong malapit sa akin kasabay noon ang patakbo nila sa kin sa tuwing may bubuhos na ulan.

Napatingin ako sa may langit kung saan sabay na pagbagsak ng patak ng ulan sa aking mukha na puno ng luha.

"B-bakit ngayon pa?" Hindi ko magawang hindi tanungin ang langit habang patuloy parin ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

Pero isang kidlat lang naman ang sagot nito sa akin dahilan para mapayuko ako, bakit ko nga ba tinatanong ang langit? Ni minsan hindi nga ako sinagot nito.

Patuloy lang ako sa pagiyak ng naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. Nang inangat ko ang aking ulo nakita ko ang isang lalaking nagpapayong sa akin.

"Miss, are you alright?" Tanong nito sa akin. Hindi ko ito ininda at nagpatuloy lang sa pagiyak.

"Hey, shh~ wag ka nang umiyak baka sabihin nila pinapaiyak kita." Umupo ito nang kaunti para patahanin ako pero wala akong ginawa kung hindi ang magpatuloy lang sa pagiyak.

Mga ilang minuto siguro ganoon ang aming sitwasyon nang napagdesisyunan ko nang tumigil sa pagiyak. Ngayon ko lang napagtanto na nadito parin siya sa may harapan ko.

"Oh, punasan mo na yang luha mo." Anya nito sa akin at binigay sa akin ang panyo niya. Kinuha ko naman ito at ipinunas sa aking luha at doon ko napagtanto na anga bango nito, amoy perfume ng lalaki. Amoy ng perfume ni James, sa di malamang dahilan, paiyak muli ako nang maalala ko si James.

"J-james..." anya ko sa sarili ko habang pinupusan ang aking mga luha.

"Miss wag ka nang umiyak." Pagtatahan sa akin nito. Hinaplos nito ang aking balikat na nagpagaan ng aking kalooban.

"S-salamat. Pasensya na kung madrama ako ah? May pinagdadaan lang kasi ako." Anya ko rito at tumayo sa pagkakaupo ko. Basang-basa na pala ako dahil sa malakas na ulan na ito.

"Okay lang 'yun, lahat naman tayo may pinagdadaanan." Nakangiting saad nito sa akin. Ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha. Napaka-pogi naman niya, mabait pa.

Napansin ko kaagad ang nunal sa gilid ng kanyang magagandang mata. May katangkaran ito sa akin kasabay pa ng mapuputi nitong ngipin.

"Miss, eto payong, gamitin mo paguwi, kailangan ko na talagang umalis." Anya nito sa akin at binigay sa akin yung payong kahit na malakas pa ang ulan. Nang tuluyan ko nang maabot ang payong na kanyang hawak doon naman ang mabilis nitong pagtakbo sa akin.

"Teka sandali-- " Nakalimutan ko kasi itanong kung ano ang kanyang pangalan, papaano nalang ibabalik itong payong at panyo niya, diba? Atsaka papaano ko susuklian ang kabutihan na kanyang ginawa? 30 minutes kaya siyang naghintay hanggang sa maging okay ako at tumigil sa pagiyak.


***
Next update will be tomorrow. Stay tune!

Please read my other story, entitled "Desirable Moments" and please vote my story and follow me so that you guys are updated.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon