Chapter 14

53.5K 896 99
                                    





"Shaya?" Tanong ng boses ng babae mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nagulat sa aking nakita. Si Cherry na bestfriend ko sa probinsya.

"Cherry!" Natutuwa kong tawag sakanya.

"Sh-- wag kang maingay baka pagalitan tayo." Anya nito sa akin at hinawakan ang kamay ko, sabay kaming nagtalon-talon sa sobrang tuwa. Nasa library kasi ako ng tawagin niya ako.

"Kamusta ka na?" Mahinang tanong ko rito.

"I am fine. I missed you so much." Anya nito at niyakap ako ng mahigpit nito.

Napagdesisyunan naming lumabas ng library para makapagkwentuhan. Natutuwa ako na kita ko siya rito. Ilang years din kaming hindi nagkita. Last na nagpaalam ako sa kanya ay yung 10 years old ako, ng kunin ako ng aking mama patungong maynila para makapagtrabaho at makasama ko siya. Actually nasabi ko na sa inyo na matagal na namamasukan bilang katulong si Mama sa pamilyang Khong, kaya napagdesisyunan na niyang iluwas ako papuntang maynila. Doon ko unang nakilala si James.

"And did you know, I visited paris last summer." Kwento nito sa akin. Napatingin lang ako sa kanya. Ang ganda pa rin niya hanggang ngayon. Wavy ang buhok niya at matangos nitong ilong. Napakalaki ng pinagbago niya.

"Shaya... shaya, are you even listening?" Tanong nito sa akin at tumigil sa paghigop ng kanyang juice.

"Ay oo, ang galing naman. Ang tagal din ng 'di tayo nagkita ah." Naalala ko kasi na close na close kami ni Cherry sa probinsya. Mayaman itong si Cherry at napakaswerte ko nang kaibiganin niya ako, kahit na naglilinis lang ako ng hardin nila sa murang edad. Kapalit noon ang pagbigay sa akin ng mama niya ng 100 pesos para sa pambaon ko sa eskwelahan.

"Yes, ang tagal na din noon, paano ka pala nakapagaral sa university na ito?" Out of nowhere niyang tanong sa akin.

"Ah, sa scholarship." Nakangiti kong sabi. "Nakita ko last week ang kuya mo, kaso sinungitan lang ako." Anya ko rito sa kanya.

"Come on Shaya, you broke kuya's heart. That's why he is still bitter on you." Natatawang sabi nito sa akin. Huh? Eh hindi ko naman alam na seryoso siya dun.

"Ang bata pa namin nun, Cherry." Pagtatanggi ko na may gusto sa akin si Alex. Matagal na 'yun at sobrang bata pa namin nun. Papaano naman niyang nasabing hindi pa nakakamove-on 'yun?

"Yeah, well you are his first love. Sabi nga nila first love never dies." May action pa niya itong sinabi. Natawa naman ako ng marinig ko iyun.

"May girlfriend na ba siya?" Tanong ko rito. Na-curious kasi ako kay Alex, medyo close naman kami nun nung bata palang kami, pero nang umamin ito na gusto niya ako nung bata palang kami, ni-realtalk ko ito at hindi ininda ang lahat ng kanyang sinabi.

"I don't know. Babaero si kuya ang dami na nga nung sinirang buhay ng babae."

"Badboy pala itong si kuya mo." Natatawa kong sabi sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Pero kung totoo man ang sinasabi ni Cherry. Nakakalungkot isipin.

Nagkwentuhan lang kami sa lahat na nangyari sa buhay naming dalawa. Kadalasan siya ang nagkukwento. Dahil sa madaldal naman talaga itong si Cherry.

"Samahan mo ko sa soccer field, may gusto lang akong makita." Alok nito sa akin.

Kung hindi niyo ako tatanungin, hindi ko kasama si James buong araw dahil sa busy ito sa pag-sosoccer dahil malapit na ang laban nila with another university. Kaya madalas na magisa ako sa school, palagi ko na nga lang ginugugol ang vacant ko sa pagpunta sa may library dahil sa wala naman akong ibang kaibigan rito. Si Lance kasi, ibang kurso ang kinuha nito, medicine ang kinuha niya kaya magkaiba ang schedule naming dalawa.

"Ano bang gagawin mo dun?" Nagtataka kong tanong.

"Basta may ipapakita ako sayo."kinikilig na sabi nito sa akin.

Nang makapunta na kami sa may soccer field umupo kami sa isa sa mga upuan rito at umupo, ngayon lang ako nanood ng practice nila. Ayoko kasi napupunta rito, dahil sa pinaguusapan kami ni James.

"Did you saw the guy with the number of 24?" Tanong nito sa akin. Tinignan ko naman kung sino ang number 24 at doon ko napagtanto na si James Khong ang sinasabi nito sa akin.

"Ahm." Tumango ako bilang sagot at hinihintay ko ang kanyang sasabihin.

"I like him. I think he will like me, too." Confident na sabi nito sa akin.

*cough *cough Para akong nabilaukan ng makita ko si James mula sa malayo. Mas lalo nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyun. Sa dami rami ng pwede niyang magustuhan. Why James pa?

"Paano mo naman siya n-nagustuhan?" Nauutal ko tanong sa kanya. Sasabihin ko bang girlfriend ako nito? O papabayaan ko nalang?

"I like him, cool type at masungit sa girls, my ideal guy." Nagiimagine pa ito ng sabi niya iyun. Oh no, papaano ko ba sasabihin sa kanya na boyfriend ko si James.

"Ah eh... kasi Cherry. Si James meron siyang girlfriend."

"So what? It's just a girlfriend not his wife." Maangas na sabi nito. Hinayaan ko naman siyang magpantasya kay James. Kahit na mukhang huhubaran na niya ito mula sa malayo.

Napansin kong nagstop sa paglalaro sila James, sa tingin ko tapos na sila dahil sa kinuha na ni James ang bottled water at bag niya. Nagulat siya nang makita niya ako sa audience chair, kaya naman tumungo ito sa akin.

"Omg, Shaya. He is smiling at us!" Kinikilig na sabi ni Cherry, nang napatingin ulit ako kay James, napansin kong ngumiti nga ito mula sa aming direksyon. "Wait... let me do the talking." Kinikilig na saad nito sa akin. Tumayo ito para salubungin si James.

"Hi James, I am Cherry Yeun Chu." Pagpapakilala niya at iniabot ang kanyang kamay upang makapag-shakehands. Tumigil si James at tinignan si Cherry mula ulo hanggang paa sabay sabing.

"Fuck-off." Maiksing anya nito at dinaanan na parang bula si Cherry. Oh no! Wag kang lalapit sa akin James. Diyos ko.

"Shaya. Let's go." Nakangiti nitong sabi habang patungo sa akin. eto na nga ba ang pinakaayaw ko eh. Nakita ko si Cherry na medyo mukhang asar at napako sa kanyang pwesto.

"Ah-- eh James si Cherry nga pala yung kaibigan." Pagpapakilala ko kay James kay Cherry.

"I know her, but I don't care." Napansin kong medyo asar si James dahil sa may kausap akong babae.

Magkakilala na pala itong dalawa.

"Pero James, gusto ka kasi niya makilala--" hindi na niya pinatapos ang aking sasabihin dahil sa hinila nalang ako nito. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Cherry.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon