Chapter 25

47.7K 718 5
                                    





"What happened? Bakit basang-basa ka nang ulan?" He asked nang makita niya akong kakapasok pa lang sa aming unit. Nang makita ko ka agad siya, bigla ko nalang siya niyakap ng napakahigpit at umiyak. You don't know how it likes, and what I am feeling right now. So much pain...

"Why are you crying?" Tanong nito at kumawala sa aking yakap upang magkasalubong ang aming mga mata.

"Wala... na-miss lang kita." Pagsisinungaling ko. But it's real na naiiyak ako dahil ma-mimiss ko siya sa panahong kailangan ko nang lumisan.

He just whipped my tears and he kissed me in my forehead to make me stop crying. The love I felt in him, walang sinuman ang makakatapal.

"Don't cry. I am here, Shaya." Anya nito sa akin. Sinubukan kong punusan ang aking mga luha at pigilang hindi umiyak.

Matapos kong umiyak sa kanya, I decided to changed my clothes dahil basang-basa ako sa ulan kanina. But whenever I am alone, I always look for the day na walang James at ako nalang.
But as I promised I will enjoy this moment with him.

Nang makalabas ako sa walk-in-closet namin. Nakita ko si James na busy sa paglalaptop. Kitang-kita ko na talaga ang malaking pagbabago ni James, he is getting more serious in her future. Dahil nakita ko na bubusy siya sa pagaayos ng kanyang mga business. Sa murang edad na muang na ito sa mundo ng business. Kaya nga kahit papaano natutuwa ako dahil palagi siyang may oras sa akin, imbes na sa office niya siya nagtatrabaho, I chose to stay in our unit para raw makasama ako.

"James nagiisip ako, kung pwede tayong magbakasyon sa probinsya." Anya ko rito nang makalapit ako sa kanya. Tumigil ito sa paglalaptop at tumingin sa akin.

"Why?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Ahm... namimiss ko lang kasi yung kinalakihan ko atsaka isa pa para naman makapagpahinga ka naman at makasama pa kita." Hininaan ko ang mga huli kong sinabi para hindi niya marinig. Baka kasi makahalata ito.

"Sure, kung ayan ang gusto mo. I would love it." Nakangiting saad niya sabay ang paghalik nito sa aking pisngi at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Napangiti naman ako sa sinabi niya.


****

"Mag-stop over muna tayo. I am freaking hungry." Pagrereklamo niya sa akin, ngayon ay papunta na kaming bicol kung saan ako lumaki. Nasa kalagitnaan kasi kami ng SLEX. At dahil nga na-stuck kami ng traffic sa may edsa na kalimutan na naming magalmusal.

"Ah sige." Sagot ko rito. Nang may nakita kaming stop-over sa may gilid ng SLEX. Dinrive ito ni James para makakain kami.

Napansin kong maraming mga estudyante rito. I think it's sort of fieldtrip dahil sa mga sign nito sa harapan ng bus. Nako mukhang maraming kakain sa mga kainan rito.

"Fuck, ang daming tao." Anya nito na may pagkaasar dahil no choice ito si James kung hindi ang pumunta kami sa may 7/11 at bumili ng breakfast menu nila. Kahit dito marami-rami rin ang tao dahil sa mga estudyante.

"James, pumila ka na ako nalang kukuha ng inumin." Dahil mahaba ang pila sa may counter, ipapapila ko na itong si James para naman mas mapabilis ang aking biyahe. Matatagal kasi kami kung sabay pa kami.

Tumungo ako sa may drinks section at pumili ng iinumin nang may nagsalita sa aking likod dahilan para mapalingon ako.

"You're not crying now." Anya nito sa akin. Nang makita ko ang mga ngiti nito na nakakagoodvibes ningitian ko rin ito. Nako, ilang days ko siyang hinanap para masaoli yung panyo niya at payong.

"Oo nga eh, nadala lang talaga ako sa ulan nun." Natatawa kong anya. "Ay, eto pala yung panyo, sensya na kung ito lang, yung payong kasi naiwan ko, hindi mo naman sinabi sakin ang pangalan mo kaya di ko masaoli." Dagdag ko pa at hinalungkat ang aking bag para hanapin ang panyo, nang makuha ko ito. Lumapit ito sa aking pwesto at kumuha ng iinumin.

"Hindi sayo na yan." Napakunot naman ang noo ko sa di pagtanggap nito ng kanyang panyo. Baka siguro iniisip nito na may sakit ako kaya hindi na niya tinatanggap.

"Wala naman akong sakit, atsaka isa pa nilinisan ko na rin ito." Nakakasama lang nang loob kasi araw-araw ko itong bitbit sa aking bag tapos hindi niya tatangapin.

"Haha, hindi naman sa ganon. Baka kasi paiyakin ka ulit niya." Natatawang saad nito sa akin at tumingin sa direksyon ni James. Papaano naman niya nalaman na si James ang nagpaiyak sa akin?

Sabagay totoo naman talaga na si James ang nagpaiyak sa akin. Pero ngayong araw na ito, ipinangako kong eenjoyin ko itong mga nalalabing araw na kasama ko siya. Ayun lang naman ang pangarap ko eh, maging masaya sa piling ng taong mahal ko.

"Clayson, tara na!" Tawag ng isang babae mula sa likuran niya at tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na naka-PE uniform ito. Sa tingin ko fieldtrip nila. Ang sarap maging highschooler.

"Oo, eto na nga." Sigaw pabalik ni Clayson. So, Clayson pala ang pangalan nito.

"Summer!" Dagdag pa nito nang may makita siyang magandang babae na nasa may pila ng counter na nasa harapan ni James. "Sige na miss?"

"Shaya." Sagot ko rito habang nakangiti sa kanya.

"Alis na ko, Shaya." At nagmamadaling nagtungo sa Summer na sinasabi niya.

"Pasabay ako, Summer." Rinig ko pang sabi niya nang makarating siya kay Summer na sinasabi nila. Matapos kong kunin lahat ng mga kakailanganin namin.

Pinuntahan ko si James na mukhang naiirita dahil sa tagal ng pila.

"Ako na dito James, upo ka nalang." Utos ko sa kanya agad namang sumunod ito. Ayaw na ayaw niya kasi pumipila nang pagkahaba-haba.

"Bye, Shaya!" Sigaw ni Clayson na nasa may pintuan na kasama ang babaeng maganda na si Summer. Kumaway naman ako bilang sagot. Pero nang mahagip ko si James na nakaupo sa bakanteng upuan na ang sama ng tingin sa akin, bigla ako nakaramdam ng kaba. Ayan nanaman ang mga tinginan ng demonyo. Iisipan nanaman ako nito ng masama.

SHAYA: My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon