The Mystery Guy
---
"Bakit ba ganito sa Pilipinas? Napakahirap sumakay!"
Angal ni Zarah habang nagpupunas ng pawis niya sa noo. Kanina pa kasi kami nag-aabang ng masasakyan pero lahat wala ng space. Rush hour kasi. Kaka-out lang ni Zarah habang day off ko naman. Sasamahan niya ako pumunta doon sa apartment ngayon. Baka daw kasi budol-budol yun at magahasa ako. OA talaga.
Nang makakita ako ng jeep na walang pasahero, hinila ko ang iritadong si Zarah para makasakay na.
"Finally!"
Buntung hininga ni Zarah nang makaupo kami. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at leeg habang kumukuha ng pera si Zarah.
"Letseng yan! Ang hirap na nga sumakay tapos ang traffic pa. Buwisit talaga!"
Sabi ng reklamador na si Zarah pagtapos niyang tingnan ang nakapilang sasakyan na akala mo parking lot dahil hindi umaandar.
Kahit magreklamo ka o tawagin yung anghel mo sa likod, ang traffic ay hindi mawawala dahil kakakabit na ng Pilipinas ang salitang 'traffic'.
"Manong, kulang po sukli niyo."
Puna ni Zarah. Hindi ba siya tatahimik? Kanina pa siya nagsasalita eh. Ako napapagod sa bibig niya.
"Estudyante po kami. Kulang po ng 4 pesos."
Dagdag pa niya. Nakatingin na sa kanya yung driver pati mga pasahero. Napasapo ako sa noo ko. Kumuha ako ng 4 pesos sa wallet ko para ibigay sa kanya at ng manahimik na siya pero hindi niya yun pinansin.
"Manong, may 20% pong discount ang mga student para po sa kaalaman niyo kaya ibigay niyo na ang nararapat para sa amin."
Sige lang. Ipaglaban mo lang!
"Walang estudyante ngayon, ineng!"
Sagot ni manong driver. Pagod na ang itsura ni manong dahil na rin siguro sa buong araw na pagda-drive at sa mga reklamadong pasahero na katulad ni Zarah.
"Anong akala niyo sa amin.. adult pag weekend?"
Napabuntung hininga na lang ako sa inasal ni Zarah. Hindi talaga siya papatalo.
Nakita kong may ibang natawa pero yung iba walang pakialam at busy sa ginagawa nila.
"Sabi dito sa memorandum ng LTFRB.."
Sabi niya habang hawak ang phone niya. Hindi ko man lang napansin na nakuha niya yun mula sa bag niya.
"Students can avail of the 20% discount from Monday to Sunday including summer breaks, legal and special legal holidays.."
Sambit niya at tumingin sa driver. Tiningnan ko ulit ang mga tao sa paligid. Nakatingin na silang lahat kay Zarah at pinapakinggan siya. This girl always caught attention.
Nakita kong nagscroll sya. Daming screenshots ng babaeng 'to!
"Manong, makinig ka!"
Sigaw niya para makuha ang atensyon ng driver na ngayon ay abala sa pagda-drive.
"Parusa sa mga hindi magbibigay ng student discount.. Multang 5,000 para sa 1st offense. Multang 10,000 at pagkaka-impound ng sasakyan ng isang buwan para sa 2nd offense, at multang 15,000 at kanselasyon ng prangkisa para sa pangatlong offense.. So ano manong? 4 pesos or 5,000?"
Ngisi ni Zarah. Napailing na lang ako. Zarah always fight for the right no matter what it takes.
Hindi na sumagot si manong at inabot ang 4 pesos. Napabuntung hininga ako habang si Zarah ay tuwang-tuwa dahil nanalo siya.