Chapter 12

76 2 0
                                    

Help me,
I plead
You agree,
But want something in return.

--

Finding Kevin is not that easy lalo na kung hindi mo alam kung saan siya unang hahanapin. Hindi ko siya makita sa school at hindi rin siya pumupunta sa Prestatie. Tinanong ko siya kay Zach one time pero hindi ako pinansin ni ogre. Napakagandang kausap talaga ng siraulong iyon. Ang sarap niyang sipain papunta sa kalawakan nang mawala na siya sa mundong ito.

Halata pa rin kay Zarah na malungkot siya. Iniiwasan pa rin siguro siya ni Kevin kaya kailangan ko na talagang makausap si Kevin dahil ayokong makitang nalulungkot ang kaibigan ko.

"Starlight frappe grande."

Order ni Zach. Sakto dating ni mokong. Kailangan ko siya para matunton si Kevin.

"Coffee in exchange of Kevin's number?"

Shinake ko ng kaunti yung frappe at nginitian siya ng magandang-maganda. Umubra ka! Umubra ka!

Ang sama ng tingin niya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.

"Please?"

Pilit ko pa pero ganun pa rin expression niya. Napakadamot talaga nito.

"Kung ayaw mo ibigay, sabihin mo na lang sa kanya na magkita kami."

Hindi na nakangiting sabi ko. I rolled my eyes at him and gave the frappe.

"Masamid ka sana."

Bulong ko pagkaalis niya sa harap ko. Umupo siya ulit doon sa stool. Yung favorite spot niya. Kulang na lang lagyan niya ng pangalan yung upuan na yun eh.

Maya-maya ay nagsalita na ang emcee na si Isabelle para i-open ang spoken  poetry performance. Yup! It's sunday today at ayun na naman si Zarah, busy manuod kaya ako lang mag-isa nagtatrabaho dito. Buti na lang wala na masyadong customer di tulad kanina na sobrang dami bago mag-umpisa yung spoken poetry.

Most of the performers' piece are all about love and happiness. Mukhang walang broken na performer ngayon ah.

Napansin ko rin na laging nandito si Zach tuwing Sunday. Akala ko ba boring ang spoken poetry para sa kanya? Mukhang nagugustuhan na niya dahil always siyang nandito upang manuod.

"We're down to the last performer!"

Sabi ni Isabelle na nagpalungkot sa mga tao. Kahit ako bitin din eh. Sinamahan ko si Zarah manuod tutal wala pa namang customer.

"I know it's sad, but there will always be next week. Balik kayo ah!"

Ngiti ni Isabelle at ipinakilala na ang last performer.

"Our last performer is a guy who's currently studying at PUP... Sino mga pupian dito?"

Tanong ni Isabelle. Madaming nagtaas ng kamay at naghiyawan kasama na kami doon ni Zarah. Malapit kasi itong coffee shop sa school kaya di nakapagtataka na madaming estudyante na nandito.

"Wow! Mga iskolar ng bayan.. Isang hiyaw naman para sa mga iskolar ng mama."

May mga humiyaw din pero mas madami ang nagtawanan. Hindi ko akalain na may sense of humor palang tinatago si Isabelle. Ang demure niya kasi.

"Hindi ko na ito patatagalin pa. Let's give a round of applause for our last performer... Kevin Sarmiento!"

Nagpalakpakan ang audience pero ako napatingin agad kay Zarah ng marinig ang pangalan ni Kevin. Nanlaki ang mata niya at parang kinakabahan.

Tinanggal ni Kevin ang cap niya at nagsimula ng magsalita sa mic.

"Hello mic test."

Pagkatapos ay may hinanap siya sa crowd. Huminto ang tingin niya kay Zarah. He looked at her saying na makinig ka sa sasabihin ko.

Between The LinesWhere stories live. Discover now