Call me selfish
But what's mine
is only mine.--
Day 2
Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong tumakbo pababa dahil ayokong makita si Zach. Nababanas pa rin ako sa pagmumukha niya. Akala niya ba nakalimutan ko na ginawa niya sa kaibigan ko? Argh! That stupid asshole!
"Fairie! Wait!"
Tawag sa akin ni Alexa. Alam kong siya iyon kasi siya lang naman yung matinis ang boses pag sumisigaw. Huminto ako sa paglalakad ng mabilis at hinarap siya.
"Uuwi ka na?"
Tanong niya habang palapit siya sa akin. Tumango ako bilang sagot.
"Mamaya na! Nood muna tayo practice."
She giggled at hinila ako papunta sa gym. Akala niya cute yung ginawa? Mukha siyang naiihi na di makaihi.
Pagkapasok namin sa gym ay madaming nanonood. Mostly girls. Madami rin naman kasing gwapong varsity katulad ni Noah Anderson na sobrang crush ni Alexa. Si Xavier na shy type pero gwapo. Speaking of Xavier, ngumiti siya ng makita niya ako. Nginitian ko lang din siya. Ang gwapo niya pa rin kahit pawis na pawis pero mas malakas dating ni Zach. Ugh! Why am I thinking about him?
"Ang gwapo talaga ni Noah."
Sambit ni Alexa habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Noah. Oo gwapo si Noah. Siya yung pinakamatangkad sa team pero usap-usapan na playboy daw kaya negative siya sa akin.
"Gwapo nga playboy naman."
Sambit ko habang pinapanuod ang practice nila. Sakto namang may kinindatan na babae si Noah sa baba namin after niyang makashoot.
"I told you so."
Sabi ko kay Alexa na ngayon ay ang lawak ng ngiti. Siraulo ba siya? May kinindatan na iba yung crush niya tapos ang saya niya? Hindi siguro siya nakainom ng gamot kanina bago pumasok.
"Whipped."
I said and shook my head.
Nang matapos ang practice ay nilapitan kami ni Xavier. Umupo siya sa tabi ko pero one seat apart. Sa pagkakaalam ko wala akong virus na nakakahawa kaya bakit ang layo niya sa akin?
"Hi!"
Bati niya sa akin habang hinihimas ang batok niya. He's being shy again. Sinisiko ako ng palihim dito sa gilid ni Alexa kaya siniko ko siya ng malakas para tumigil siya. Napaaray naman siya kaya napatingin sa kanya si Xavier.
"Uhm hi!"
Ngiti ko para mawala ang atensyon niya kay Alexa.
"You're here!"
"Yes I am!"
I exclaimed that made him chuckled. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"May virus ba ako? Bakit ang layo mo sa akin?"
Tanong ko sa kaniya. Hinawakan na naman niya ang batok niya at ngumiti.
"Ano kasi.. Nahihiya ako.. Sobrang pawis ako tsaka baka mabaho na ako."
Tumawa siya ng mahina. Nagbend ako para amuyin siya. Hindi naman siya mabaho. Mabango pa rin naman siya eh.
"Hindi naman ah!"
Sabi ko sa kaniya pero gulat na gulat yung mukha niya. His eyes were wide and his mouth was agape. He even blink his eyes multiple times. Okay lang ba siya?
"Okay ka lang ba?"
Tanong ko. Napalunok siya at napatayo.
"Uhh.. Oo okay lang ako sige balik na ako."