The one that needs saving,
save people in need.---
It's my day off today. Dito na lang ako sa bahay para less gastos.
Medyo late na ako nagising. Pag gising ko ay galit nanaman ang nanay ko. Pinapagalitan nya yung kapatid kong suwail. Immune na nga ako sa sigaw nya dahil ganyan din sya sakin nung bata ako kahit naman ngayon.
"Pang mayaman ang gising ah."
Sarcastic niyang sabi nang makita ako. Hindi ko na lang siya pinansin at baka masira pa ang araw ko.
Kumain ako at hinugasan ang kinainan ko. Pagtapos ay nanuod ako ng tv.
"Ano? Hihilata ka na lang diyan?!"
Nakapamaywang na sermon sa akin ng nanay ko.
"Wala ka na ngang ginagawa rito sa bahay tapos hihilata ka lang dyan?! Aba napakaswerte mo naman! Ano ka dito? May katulong?"
Galit na sabi ng nanay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nasaan na ang sweldo mo?!"
Iminuwestra niya ang kamay nya sa harap ko. Tumayo ako at umalis sa harap nya.
"Wala pa."
Matigas kong sabi.
"Anong wala pa?! Bakit ang tagal?! Baka naman ayaw mo lang talaga akong bigyan? Ha?! O lumalandi ka?!"
Galit na sabi niya. I'm controlling myself not be mad, but she's triggering me.
"Wala pa nga eh. Bakit ba ang kulit nyo?!"
Pasigaw kong sabi. Nairita na ko eh.
"Aba at sinisigawan mo na ko ngayon?!"
Nag-aalab ang kanyang mga mata. Hindi ako sumagot.
"Anong karapatan mong sigawan ako?!"
Palapit na sya sakin habang matalim ko lang syang tinititigan. Matagal na akong nagtitimpi. Matagal na akong nagtitiis dito. Lagi na lang ganyan si mama. Lagi na lang galit sakin. Mas mahal pa nga nya ang tatay ko kesa sakin.
"Sagot!"
Nanlalaki na ang mata nya at nanginginig na sya sa galit.
"WALA KA NA NGANG GINAGAWA DITO SA BAHAY. GANYAN KA PANG UMASTA?! WALA KANG RESPETO!"
"paano ko rerespetuhin ang isang taong hindi karespe-respeto?"
Ngisi ko at humalukipkip.
"PUTANGINA MO! PAGKATAPOS KITANG PALAKIHIN GANYAN ANG GAGAWIN MO SAKIN?!"
Duro niya sakin pagkatapos niya akong sampalin ng malakas. Lumipad nga yung pisngi ko eh. Hinawakan ko ito at mas lalong tinitigan sya ng matalim saka ngumisi.
"PAGKATAPOS MO AKONG IPANGANAK ITO ANG GAGAWIN MO SAKIN? IPAPASA SAKIN ANG MGA BAGAY NA DAPAT AY RESPONSIBILIDAD MO NGAYON?!"
I inhaled deeply and exhaled heavily.
"I'm just 17 years old for goodness sake."
Sinapo ko ang noo ko at umirap.
"Responsibilidad mo pa ko sa ngayon pero ano? Ako ang nagpapakahirap para pag-aralin at buhayin ang sarili ko. May narinig ka ba sakin?! Wala diba?! Ni hindi mo nga ako tinatanong kung kamusta ako o kung kumain na ba ako. Pero pag si papa akala mo 1 year old kung itrato mo. Nagagalit ka pa sakin kapag nauubusan sya ng ulam. Minsan hindi na ako kumakain kasi hindi pa sya kumakain. Mas mahalaga kasi sya para sayo. Sya na lang palagi ang una. Nasa kanya na lang palagi ang atensyon mo. Binababy mo. Pero diba dapat ako yung nasa kalagayan nya? Kasi ako yung anak mo. Ako yung kadugo mo. Bakit ganun?"