Chapter 1

740 8 0
                                    

Simula..
Na masusundan pa ng pangalawa
Hanggang sa makamit ang dulo
At matapos ang kwento.

---

If only I could go back to the day..

The day that I made the most stupid decision ever.
The day that I made myself into you even though I know that you're still in moving on process.
The day that I force myself to you.
The day that I said I will help you heal the scar that she made.
The day that I let myself fall in love with you.
The day that I said I love you.
The day that I get jealous.
The day that I let myself to be stupid.
The day that I pretend that everything is okay.
The day that I believe you love me.
The day that I'm blind of loving you.
The day that I forgive you in cheating on me.
The day that I believe in your lies.

If only I could go back, I will not let myself do all those things. 
But in life, there are no rewinds only flashbacks.

The girl bowed and the crowd clapped their hands. Sinalubong siya ng mga kaibigan niya pagkababa niya.

"Miss, paorder ng isang mocha frappe, grande."

Order ng isang lalaki at nag-abot na ng bayad.

"Yun lang sir?"

Tumango naman ang lalaki. Hinanda ko na ang order nya at pagtapos ay iniabot ito sa kanya.

Pag-alis nung lalaki ay tinapik ako ni Zarah.

"Fairie Velasco! Ano na? I-stock mo na lang yang mga sulat mo?"

Medyo iritado niyang tanong. Nagkibit balikat lang ako.

"Ang gaganda pa naman. It's worth listening to."

Sabi niya at tinalikuran ako para panuorin ang susunod na magpe-perform.

Medyo malaki itong Prestatie Coffee Shop na pagmamay-ari ni Mr. Alberts na malapit sa school. Mayroon ditong spoken word performance every other night. Everyone is allowed to perform. It's just a matter of confidence and feelings of someone to his/her loved one.

"Excuse me miss. Meron ba kayong kapeng pangpalimot?"

Sabi ng isang customer na nakaupo sa may stool sa gilid.

"Ay wala po sir eh."

Medyo matagal kong sagot.

"Eh kape na magpapahilom ng sugat dito?"

Turo nya sa dibdib nya. Pinagmasdan ko siya. Hindi siya mukhang nanti-trip lang. Seryoso siya and he looks like he's really hurt. I can see it in his eyes.

"Ah sir. Mali po ata kayo nang napuntahan. Ang ino-offer po dito is pangpagising, hindi pangpalimot. May bar po na malapit--"

Paliwanag ko. But he cut me off.

"I didn't drink alcohol. I'm allergic."

Napatango na lang ako.

"Try our best seller sir. The starlight frappe. It consists of--"

He cut me off again.

"Just do it."

He ordered. Napamake face ako pag talikod.

"Tss. Sungit."

"Oh bakit nakasimangot ka dyan?"

Tanong ni Zarah pagkatapos ng panunuod niya sa isang performer.

"3 o'clock."

Napatingin naman siya sa gilid ko.

"Ang gwapo."

Kinikilig na sabi ni Zarah ng hindi niya pinapahalata.

"Masungit naman. Tss."

"Atleast gwapo. Hihi."

"Magtigil ka! May oorder na oh."

Turo ko sa counter at agad naman niyang inaccomodate yung customer. Doble ang customer namin every night na may spoken word performance. Madami na ring nabuong love story dito. May nagpropose, may nagconfess, may nareject, etc. My fave is the performance of the guy for his girlfriend's family approval of their relationship. That's the sweetest thing I've seen here. Yes, I'm hopeless romantic.

"Here's your order sir. Enjoy your drink."

Medyo malamig kong sabi hindi tulad sa ibang customer na masaya kong sinasabi ang linyang yun. Hindi naman niya ako pinansin and I don't care. I don't give a damn. I will not do anything for someone to like me. I'm not that desperate and attention seeker.

Kinausap siya ni Zarah. Malamig ang tugon niya because Zarah is obviously flirting with him. Hinayaan ko lang siya. Diyan siya masaya eh. I believe thaf if you truly love the person, you will support his/her happiness.

"Napakasungit. Ang gwapo pa naman sana."

Inis na sabi ni Zarah habang sinusundan ng tingin ang naglalakad palayong lalaki. Tinawanan ko lang siya ng mahina.

Maya-maya ay nagsara na kami.

"Ingat ka bes."

Beso niya sakin nang nasa labas na kami.

"Ingat ka rin."

Then we separate ways. Medyo tahimik ang daanan papuntang highway na pauwi samin. Kaya mabilis akong naglalakad pag pauwi.

Kitang-kita ko sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakayuko. Hindi maaninag mukha niya dahil medyo madilim kaya kinabahan ako. Bago pa man ako makalapit ay tumakbo na ako.

"AAAAHHHH!!!!"

sigaw niya habang humahagulgol. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatakot. Pinanuod ko siya sa may gilid. Hindi naman siguro niya ako makikita rito.

"PUTANGINA MO CLARY!! IPAGPAPALIT MO NA LANG AKO SA MUKHANG PAA PA!!! TANGINA."

Umiiyak sabay tawa niyang sigaw habang binabato ang mga bagay na mahahawakan niya.

"FUCK THIS WORLD. FUCK EVERYONE!"

He's wasted and broken hearted. I want to go near him pero natatakot ako. Kaya mas pinili ko na lang tahakin ang landas kung saan mas ligtas ako..

Between The LinesWhere stories live. Discover now