First day of school
and you still rule.---
I woke up late dahil closing ang schedule ko kagabi kaya heto ako ngayon, tumatakbo kahit late na talaga ako pero malay mo mas late pa prof ko sa akin. Think positive lang!
"Shit! Shit!"
When I crossed the street, di ko napansin yung kotseng paparating kaya nabangga ako. Mabagal lang yung takbo ng kotse kaya hindi masyadong malakas yung impact. Napatulala lang ako sa langit habang nakahiga sa maduming kalsada. Like is this real? Kung kailan ako nagmamadali tsaka pa 'to mangyayari?
Hinarangan ng mga mukha ang magandang view at nagsimula na silang mag-ingay. Tinatanong kung okay ako. Mukha ba akong okay? Sinong nasagasaan ang magsasabi ng okay siya?
"Hey! You okay?"
He asked worriedly. Di ko siya sinagot. Umupo ako at naramdaman ang hapdi ng kaliwang braso ko. May gasgas.
"Tss."
I clicked my tongue. Unti-unti na ring nawawala ang mga tao sa paligid. May klase rin yung mga yun. Ako rin may klase. Late na late na ako kaya di na ako papasok.
Tumayo ako pero muntik na akong bumagsak dahil sa sakit ng binti ko. Buti nasalo ako ni Zach. Siya nga! Siya nakasagasa sa akin. Bwisit talaga sa buhay 'tong lalaking 'to!
"Let's go to the clinic."
Binuhat niya ako ng bridal style. Wala na rin akong magagawa dahil hindi ko kayang maglakad kaya hinayaan ko siyang ipasok ako sa kotse niya.
Pinatakbo niya ng mabilis yung kotse niya na tila ba wala kami sa loob ng school. Wala na siyang paki sa mga estudyante sa paligid. Binubusinahan niya yung mga humaharang sa daraanan niya. Late na rin siguro siya sa first class pero seryoso bang dito siya nag-aaral? Bakit dito pa?
Nang makarating kami sa clinic, binuhat niya ulit ako. Ang gaan ko kasi. Sana mabigat na lang ako para nahirapan siya.
"Anong nangyari?"
Tanong ng nurse pag pasok namin. Inihiga niya ako sa kama saka nagpaliwanag. Nilapitan ako ng nurse habang may sinusulat si Zach na kung ano don sa table. Chineck niya yung braso ko at binti. Kumuha siya ng yelo at inilagay sa na-strain kong binti.
"Pakihawak saglit."
Sabi ng nurse sa akin. Tumango lang ako na nagbigay ng hudyat sa kanya para gawin ang gagawin niya.
This can't be! Saglit lang naman 'to di ba? Hindi naman na 'to sasakit mamaya. Makakalakad ako. Hindi pwedeng hindi!
"How are you feeling?"
Tanong ng bwisit sa buhay ko na si Zach. I shoot him a death glare.
"Ano sa tingin mo?"
Irap ko sa kanya. Bumalik na rin yung nurse para lagyan ng bandage yung binti ko.
"Masakit pa ba?"
"Medyo po."
Sagot ko sa nurse. Pagtapos ilagay yung bandage ay binigyan niya ako ng pain killer na gamot.
"Magpahinga ka muna diyan. Hindi ka pwedeng masyadong maglakad ngayon. Bibigyan na lang kita ng excuse letter para makauwi ka na maya-maya..."
I cut her off.
"Hindi. Okay lang po ako. Papasok po ako."
Ngiti ko. Kailangan kong pumasok. Sayang yung tuition na pinagpapaguran ko at saka nandito na rin naman ako. Sayang din yung tinakbo ko noh. Makakaabot sana ako sa first class kahit late kung hindi lang ako binangga ng bwisit na si Zach.