LIRA
"Hindi kana ba talaga papa-pigil anak?" halos sampung beses na yata niya iyong narinig sa kanyang Nanay, simula pa lamang kasi ay tutol na ito sa kanyang pag-hinto sa pagtuturo "pansamantala"—bilang substitute ng Grade 2 teacher na nasa leave dahil buntis at malapit nang manganak.
Dahil hindi naman daw forever na magiging chipipay siya ng anak ni Denter at ng masungit na Kuya nito. Kaya lang naman siya magiging tutor ng anak ni Denter ay dahil sa kawalan ng oras niya sa kanyang anak. Single daddy si Denter dahil nabuntis niya ang isang stripper sa club.
Yes, stripper. Dahil hindi pa handa umano ang babaena lumagay sa tahimik, ay ibinigay na lamang niya ang sanggol kay Denter na pinagpasalamat naman ng huli. Dahil hindi niya rin gusto ang mai-kasal sa nasabing babae.
Hindi lang naman pagiging Haciendero ang trabaho o negosyo ng magkapatid na Denter and Inyaki, si Denter ay may-ari ng isang kompanya na hindi niya alam kung anu-ano ba ang naroroon dahil wala naman siyang pake sa kababata.
Ang kuya naman nito ay di hamak na mas madaming pera pa yata kesa kay Denter, sa edad na trenta ay hindi pa ito lumalagay sa tahimik, apat na taon lang ang agwat ng magkaapatid, magkasing-edad lang kami ni Denter, nuon pa man ay masungit na ang kuya nito, palibhasa ay hindi masyadong laking probinsya at kung may espyesyal na okasyon lamang ito pumupunta sa bayan nila. Hindi katulad ni Denter na tinapos muna ang highschool bago lumuwas ng Maynila. Kaya mas madikit siya kay Denter kesa kay Inyaki na walang ginawa kundi ang sungitan siya nuon at walang kaniti-ngiti man lang kung nakikipag usap sa ibang tao.
"Inay naman e.. diba napag usapan na natin ito?" hinawakan ko ang dalawang kamay ni nanay. "Hindi po ba pumapayag na po kayo? Saglit lang naman po ako 'nay e. tsaka pumayag naman na din po si Tatay."
"Kasi naman anak e. Mamimiss ka ni Nanay" naluluhang ani nito sakanya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang aking emoterang ina. Bumuga muna ako ng hangin, "Nay, huwag kang um-emote diyan, pwede? Hindi naman po siguro ako tatagal ng isang taon doon."
"Oo nga naman Lydia! Napaka-arte mo naman matanda ka." Singit naman ng kanyang Tatay.
"Aba't hoy! Sinong matanda ang tinutukoy mo, aber? Ako ba?" nakapameywang na sabi naman ng kanyang Ina
"Aba syempre, alangan naman na itong anak natin ang pagsasabihan ko ng matanda e syempre ikaw!" natatawang pang-aalaska naman ng kanyang Tatay.
Ito ang gusto niya sa kanyang mga magulang, naglalambingan parin kahit kumukulay puti na ang mga buhok. Hindi nga lang halatang lambing ay ang end up nito'y away nanaman.
"Aba't itong—"
"Oh nay.. awat na ho. Aalis na ho ako. Ayan na yun tricyle oh."
" Naku ang maganda kong anak na kasing kamukha ko..." naiiyak nanamang sambit ng Nanay niya sakanya sabay haplos sa buhok at mukha ko. Nag make face naman ang Tatay kong sutil talaga na tila ito nasusuka ngunit hindi Makita ng Inay dahil nga sa nakatalikod ito sa Tatay niya.
Napatawa nalang ako ng mahina, kahit kaylan talaga ang Tatay ni oo...
" Mag-iingat ka doon anak ha? Maynila yun. Iba yun ayin sa probinsya natin. Magulo, Mausok, Maingay at marami pang iba. Kaya anak kung ako sayo, huwag ka nalang umalis.." pangungumbinsi pa sakanya ng kanyaang Ina.
"Nay naman e! diba napag-uspaan na nga natin ito?"
"Oo nga pala... basta titignan mo nalang yung sarili mo doon ha?"
"Oo anak, huwag ka magpapabaya doon. Don't speech to strangers ha?"
Natatawa akong tumango sa Tatay ko, "Oho 'tay, tsaka "talk" ho iyon 'tay.."
BINABASA MO ANG
WANTED: YAYA TRILOGY - Lira Tonbibir
Художественная прозаR-18 Teacher Lira Tonbibir, simple lang ang buhay na gusto niya, kuntento na siya kung anong meron sila sa buhay. Pero isang araw, inalok siya ng mayamang kababata niya na si Denter de Guestas. Kailangan di umano nito ng mag-aalaga sa anak nito ora...