CHAPTER FIVE

200 9 2
                                    

LIRA

                PAGMULAT niya ng mga mata ay kaagad na pumasok sa isip niya si Luigie, miss na miss na niya ito kahapon lang naman ito simulang nagbakasyon, magbabakasyon kasi si Luigie at Denter para naman daw makabawi ito sa anak sa pagiging busy nito sa trabaho. Dalawang linggolang naman yata ang bakasyon ng mga ito, pero nangungulila na siya sa bata.

So, ang mode niya ngayon ay aang maging Personal Yaya ni Inyaki. Masasabi niyang after ng nangyari sa loob ng mall ay medyo mas nagging close sila ng lalaki pero kadalasan parin ay busy ito, minsan nga nawala ito ng tatlong araw na sobra namang ikinabagot niya, nakalimutan niyang ihiling na magbakasyon dahil sa tuwing magtatanong siya ay hindi pa niya sinasabi ay bigla nalang itong hahalik sakanya na ikinabibigla niya naman kaya nakakalimutan niya nalang besides may tutor at aalagaan pa kasi siyang bata ka nawawala na din siya focus, basta magkalapit lang sila ng lalaki ay haahalikan na ssiya nito for sure.

Gustong-gusto mo naman!

Bumangon na siya at naghilamos muna saglit at nag-toothbrush, nakakahiya namang humarap kay Inyaki mamaya, baka mamaya hahalikan nanaman siya nito bigla tapos bad breath pa siya.

Hindi siya naniniwala sa motto ni Mang Wilson—"It is better to have a bad breath than no breath at all"

Nakakadiri naman yun!

Dumeretso na siya sa kusina at nagluto na ng Beef Tapa, Binatil na itlog at Sinangag with mix veggies.

Pagkatapos ay inihanda niya ang pang meryenda ni Inyaki. Mamaya niya ito hahatiran ng lunch sa opisina, magpapahatid at sundo naman siya sa Family driver. Ginawa niya kang kahapon dahil wala naman si Luigie, kaysa naman mabaliw siya sa pagkabagot ay hinatiran nalang niya ito ng pagkain.

Pagkatapos na ng lahat ay umakyat na siya sa kwarto ng binata, kahapon niya lang din ito gianwa dahil wala naman siya aalagaang bata, siya ang nag-re-ready ng mga damit na susuutin nito maging sa relo, sapatos, medyas at sintaron.

Siyempre walang briefs no! Hindi nalang ako nahiya!

Pagkatapos niyang buksan ang pituan ay dumeretso na siya sa walk in closet nito. Inilagay na niya ang mga kaylangan nito sa kama. Wala naman ang lalaki sa kama. Naririnig niya ang lagaslas ng tubifg mula sa banyoo kaya baka naliligo na ito.

Inilapag na niya ang necktie nito—ang huling iready niya sana para maka-alis na siya ng may biglang humawak sa magkabilang beywang niya.

A strong arms wrapped around her belly.

Tumuwid naman siya ng tayo at nilingon si Inyaki.

Masuyong hinalikan naman nito ang pisngi niya. Isang malambot na pagdampi lang.

"Hi, magandang umaga!" pilit na pinasigla niya ang boses kahit nate-tense na siya dahil nakatapis lang ito ng tuwalya at may isang maliit a tuwalyang hawak para siguro sa buhok.

Nang hinalikan nito ang pisngi niya ay agad na naamoy niya ang mabangong hininga nito.

Pinihit siya nito paharap at binigyan ng smack kiss.

"Hoy! Ikaw a! namimihasa kana, paalagi ka nalang halik ng halik saakin!"

Kunwari ay galit-galitan para hindi kumagat sa temptasiyon.

"You're just so irresistible love.."

Hinaplos naman nito ang mukha  niya ng napakasuyo at unti-unting bumababa ang labi nito sa mga labi niya.

And when her lips touched his, parang nag-slow mo ang paligid niya at ang tanging gumagalaw lang ay ang mga labi nilang magkadikit, sapo nito sa isang kamay ng mukha niyaa at ang isa naman ay sa beywang niya habang hinahalikan siya.

WANTED: YAYA TRILOGY - Lira TonbibirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon