LIRA
KASALUKUYANG nililinis ni Lira ang buong kwarto niya, sinabi naman kasi ni Inyaki na ang kwarto lang na ginagamit ang kaylangan niyang linisin, hindi katulad ni Manang Loleng na kahit hindi nagagamit na kwarto ay nililinisan parin nito at pinapalitan ng mga sapin—sa kama, unan maging ang kumot pati mga kurtina.
Malapit na siyang matapos sa pagva-vacuum at pagpunas. Medyo na-late kasi siya nang gising ulit. Oo, ulit—dahil pagkagising niya kanina para gawan ng almusan at baunan ng meryenda si Inyaki ay umakyat siya ulit sa kanyang kwarto upang umidlip sana, susulitiin niya muna ang pagpahinga habang wala si Luigie, hindi niya namalayan na tanghali na pala!
Nang matapos na ay lumipat na siya sa kwarto ni Inyaki, sinabi nito sakanya kung ano ang mga numero para mabuksan ang pintuan ng kwarto nito. Tanging ito lamang kwarto nang lalaki ang may pa-ganitong style, yung kanya at ibang guestrooms ay mga simpleng sedurang di-lock lamang, maliban na din siguro sa study room nang bahay.
Nang tumunog ang lock ng pintuan ay pumasok na siya dala ang tambo, basahan at vacuum.
Napa-WOW siya sa pagkamangha , inilibot ang tingin sa buong kwarto.
May mini bar ito sa loob, may katamtaamang laki na refrigerator, may malaking T.V na naka sabit sa gitna ng dingding katapat ng napakalaking kubre kama at sa harap mismo ng kama ya may isang malambot na upuan, kulay crema na may halong itim ang kwarto ni Inyaki,na kapareho ng kuhay ng bedsheets at kulay itim na mga unan na nasa higit limang piraso siguro.
Ang gara! Lahat siguro ng mga gamit dito, siguradong mas mahal pa sa parendang lupa nila Aling Marissa.
Tinungo naman niya ang banyo, may Jacuzzi sa loob! Napakalawak! May shower at may bathtub pa pati toilet at ibat ibang kasangkapan.
Napakalaki ng salamin! Inilibot niya ang tingin sa loob ng banyo. Mukhang wala naman lilinisan dito sa kwarto nang lalaking iyon, napakalinis naman lahat ng andito at ang bango pa!
Kaamoy ni Inyaki ang lahat ng sulok ng kwarto nito.
Sinimulan na niya ang paglilinis, linis doon, linis dito. Punas doon, punas dito.
KATATAPOS sa paglilinis sa napakalaking kwarto ni Inyaki, tapos na siya sa banyo, kasalukuyan siyang naghahanap ng ballpen dahil kakatanggap niya lang ng text ng Nanay ni kanina na ibinigay sakanya ang numero nina Aling Marissa—yung nagparent sakanila ng lupang pagmamay-ari nito, humuhingi daw ito ng sampung libo, para sa sa pag-enroll ng anak nito sa eskwelahan. Makiki-usap nalang siya mamaya kay Fely pag-alis na siya na ang maghulog, isusulat sana niya ang complete name and address ng receiver pero wala naman siyang mahanap na ballpen.
"Ang yaman yaman, may pa mesa mesa pa at mga bondpaper ditto pero wala naming ballpen!" naghanap siya sa buong lamesa pero wala talaga, mmay nakita naman siyang mini cabinet sa tabi ng mesa, puro drawers iyon,maliliit lang.
"Ah. Baka andito.." binuksan niya ang isa pero mga nakatuping papel ang nandoon.
Binuksan naman niya ang pangalawa pero mga gamit iyon na hindi pamilyar sakanya.
Sinuri niya ng mabuti ang isa, mukha itong itlog na may mga cords na nakasabit, may pagpindutan din iyon.
"Ano kaya ito? Makabagong headphone? Ha? E bakit parang itlog?" taking tanong niya.
"Ano to?" sabi niya at ang tinutukoy an gang parang bilog na maliit na parang pipindutin.
"AY! Baka biglang sumabog..." kinakabahang sabi niya.
Habang hawak sa isang ang weird na gamit ay sinulyapan niya naman ulit ang drawer kung saan niya nakuha ang parang itlog na laruan na nasa kamay niya.
BINABASA MO ANG
WANTED: YAYA TRILOGY - Lira Tonbibir
Ficción GeneralR-18 Teacher Lira Tonbibir, simple lang ang buhay na gusto niya, kuntento na siya kung anong meron sila sa buhay. Pero isang araw, inalok siya ng mayamang kababata niya na si Denter de Guestas. Kailangan di umano nito ng mag-aalaga sa anak nito ora...