LIRA
"A-B-C-D..." tinuturo ni Lira ang ABC sa apat na taong gulang na si Luigie—ang anak ni Denter. Nasa library sila sa bahay ni Inyaki, hindi daw sila pwede sa study room ng huli dahil restricted spot daw yun sa pamamahay nito pati na ang sariling office nito sa napakalaking bahay—o'dikaya ay mansiyon!
Napaka-laki ng bahay—Mansiyon ni Inyaki. Nakaka-lula sa laki, lalo na kapag nasa mismong loob kana ng Mansiyon, siguradong mapapatulala ka nalang sa kaarangyaan ng mga kagamitan sa pamamahay nito. Napaka-swerte ng mapapangasawa nito. Magbubuhay reyna ito, panigurado!
Itinuro ni Lira ang letrang "R" gamit ang hintuturo, magkatabing nakaupo sila sa pinakasulok na lamesa sa may library ni Inyaki. Sa may bandang bintana sila ng bata para maganda ang view sa may pool area.
"This is letter...R" malumanay na turo niya sa bata, madaldal at matalinong bata si Luigie, napaka-sweet nito at very charming. Naiintindihan nito ang kawalang-oras ng ama sakanya, sa murang edad pa lamang nito ay nakakamangha ang katalinuhan nito. Hindi siya nahihirapang turuan si Luigie,, masunurin ito at very attendive pagdating sa lesson. Dalawang linggo narin siya sa Maynila, at masasabi niyang close na sila ng bata, kahit naman nang first time niya itong nakita at first time din siya nitong nakilala ay napaka-jolly na ito. Nag-recite pa ito sa kanyang harapan
"Hi teacher! My name is Luigie de Guestas. I am 4 years old, my dream is to become an Architect and my hobbies are, playing basketball, playing with my toy cars and cutting my own bangs!" halos kapusin pa ito ng hininga pagkatpos nitong magsalita. Sinasabayan pa kasi nito ng patalon-talon.
Naaliw naman siya sa bata. Madali silang nagkasundo nito, sa isang araw, umaabot sila ng 3 hours sa pagle-lesson at break time/play time naman nito ng 2 hours at lunch break na ng 1 hour at back to tutor ulit nang 1pm-6pm. So, 6 sa umaga hanggang 6 sa gabi ang schedule nila.
Basta pagpatak ng six sa gabi ay susunduin na ito ng driver nila Denter o si Denter mismo ang susundo sa anak nito, hindi kasi ito maihatid ni Inyaki dahil always eight in the evening ito umuuwi.
Masasabi naman niyang, okay sila ni Inyaki. Lulutuan niya ito ng breakfast at ipag-papack pa ng meryenda katulad ng sandwich at fresh orange or mango or apple juice na ilalagay niya sa isang termos(cooler) para hindi maalis ang lamig—ayaw pa sanang kunin nang binata ang pa-meryenda niya nang unang beses niya itong gawan pero tinanggap din nito sa huli and after that ay pinasalamatan siya nito kinagabihan dahil maakakatipid daw ito lalo na sa oras.Biniro pa niya itong hindi naman makakabawas sa kayamanan nito ang panggastos o pangbili nito ng meryenda, sinuklian lamang siya nito tipid na ngiti. Pag sapit ng lunch time ay sila ni Luigie ang nagkaka-salo dahil wala naman ang Tatay at Uncle nito na parehong busy sa kanya-kanyang trabaho at sa gabi naman ay siya ang magluluto nalang sakanila ni Inyaki.
Hindi naman siya nahihirapan kung usapang paglilinis, dahil merong katulong si Inyaki, may nakatoka sa ibaba, sa itaas, sa mga kuwarto, sa pool, sa garden, sa comfortroom, sa garahe at sa iba pa.
May isang mini house si Inyaki sa likuran malapit sa hardin para sa mga katulong nito, doon ang mga ito naliligo,nagluluto,kumakain at iba pa. Kaya walang istorbo sakanila ni Luigie.
Maayos ang pamumuhay ni Lira sa Maynila, ayos naman sila ni Inyaki, maayos naman kasi ang pakikitungo nito sakanya. Madalas pa silang hindi nagkikita, sa umaga lang pagkagising at sa gabi naman pagdating ng tulugan. Sa madaling salita ay dalawang beses lang sila nagkikita ni Inyaki sa isang araw at madalang lang din kung mag-usap—kapag kinukumusta lang nito ang bahay o ang pamangkin.
BINABASA MO ANG
WANTED: YAYA TRILOGY - Lira Tonbibir
Ficción GeneralR-18 Teacher Lira Tonbibir, simple lang ang buhay na gusto niya, kuntento na siya kung anong meron sila sa buhay. Pero isang araw, inalok siya ng mayamang kababata niya na si Denter de Guestas. Kailangan di umano nito ng mag-aalaga sa anak nito ora...