LIRA
NARINIG ni Lira na maynagdo-doorbell sa may gate, tinignan naman ni Manang Loleng kung sino ang nagdo-doorbell. Isang lalaking naka-suit ang nakita niya at may binigay na parang envelope kay Manang.
Hindi nagtagal ay pumanhik si Manang Loleng sa loob ng bahay.
"Si Sir Inyaki, Lira?"
"Joke po ba yang tanong niyo, Manang?"
"Ha?"
"Hatdog!" natatawang sabi niya sa matandang "low-gets"
"Anong HOTDOG ang pinagsasabi mong bata ka?"
"Hindi ho, joke po 'yon."
"E, bakit ka nga nag-jo-joke? Si Sir Inyaki ba?"
"Nako, si Manang parang baguhan lang ditto. Hindi ba kayo na-inform na palagi siyang wala ditto dahil sa sandamakmak na trabaho niya sa mga negosyo niya?"
"AY! Oo nga pala no? tuwing alas-otso ng gabi lang siya umuuwi."
"Hmm.."
Humalukipkip siya at bahagyang itinaas niya kilay at kunwari naasar dahil sa pagka-kubot ng bibig.
"Last niyo ha ho yan ha!"
"Ang alin hija?"
"Hay nako Manang! Ano ba iyang hawak niyo?"
"Binigay ng lalaki kanina, pinapabigay kay Sir Inyaki. Sayo ko nalang ibigay para mamaya ibigay mo sakanya"
Kinuha naman niya ang medyo may kaartehang envelope. Sobrang daming etchebureche!
"Sige ho. Ibibigay ko mamaya, makaka-asa kayo."
"O siya, at ako'y maglilinis na"
Sinipat-sipat muna niya ang bagay at napatangu-tango.
"Ganda..." check!
Inamoy niya ang eetcheburecheng bagay.
"Mabango... infairness!" check na check!
"Hmm.. scented!" bango!
"Mamahalin..." opkors!
"Mahal siguro to?" naman!
"Hmm..bango! Pero mas mabango parin si Inyaki. Siyempre!" napatango-tango pa siya at pinanipis ang labi na parang sumasang-ayon na masarap nga ang natikmang ulam.
"Ehem"
Isang tikhim ang narinig niya na naagpatuwid sa kanyang tayo. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng tikhim.
Lalong kumabog ang dibdib niya ng parang nagging pamilyar na sakanya ang boses nito at alam niyang sa lalaki iyon nanggaling at alam niya kung sino iyon.
Ganoon nalang ang pag-higit niya ng kanyang hininga nga pamagsino ang lalaki.
"Hi?" alanganing sabi nito pero may masayang ngiti naman sa mga labi
"Denter!" ganoon nalang ang sigla ng boses niya ng makita ang kababata.
Tinakbo niya ang pagitan nila at dinamba ito ng yakap na ikinatawa naman nito ng malakas.
Niyakap din siya nito ng parehong higpit ng yakap niya.
"Mmm.. Namiss kita oy!"
Hinampas niya ng pagka-lakas lakas ang bakilat nito.
Tumawa naman ito ng malakas at ginulo ang buhok niya.
"Namiss din kita"
"Sauce! Eh bakit ngayon ka lang nagpakita saakin?"
BINABASA MO ANG
WANTED: YAYA TRILOGY - Lira Tonbibir
Ficción GeneralR-18 Teacher Lira Tonbibir, simple lang ang buhay na gusto niya, kuntento na siya kung anong meron sila sa buhay. Pero isang araw, inalok siya ng mayamang kababata niya na si Denter de Guestas. Kailangan di umano nito ng mag-aalaga sa anak nito ora...