Five

43 5 1
                                    

Queenie's POV

Nakakapagod sobra, kanina pa kong napapagod sa kakahanap sa nababaliw ko na atang friend na si Unique! Nasaan naba kasi yun? Last time i check nasa table lang yun kasama nila Becca eh. Nasaan na ba ang babaeng yun??

" Ano? nakita mo naba siya? " tanong ni Becca

" No, hindi pa! Baka nilamon na yun ng lupa! " i answered.

"Hi!" bigla kaming napalingon nang narinig namin ang boses ng babaeng kanina pa namin hinahanap.

Laking gulat namin ng hindi lang siya nagiisa. Nakatingin lang naman siya samin.

" Where have you been???" Sigaw ko sakanya.

"And why are you with my cousin?? you know each other?" Tanong ko pa.

"Ah. N-no, nagkabanggaan lang kami dyan sa parking lot" sagot ni Unique habang tumabi sa side ko while she linked her arms on mine.

Bat ganun? I smell something fishy? Hmmmmm.

"Okay?" sabi ko.

"Oh, where are my manners, ok, Becca, Unique this is my favorite cousin Rupert"

" And Rupert, this is my bestfriends. Unique and Becca" i added.

They all smiled at each other. Nagkibit balikat nalang ako sa mga naiisip ng utak ko kaya naman niyaya ko nalang ulit sila sa party ko. I dont want to miss a thing in my own party, do i?

Unique's POV

Buti nalang nakisama sakin tong pinsan pala ni Queenie. Buti hindi ako sinumbong sa kung ano man ang nangyare sa Parking Lot kanina. Kung ano man ang nangyare kanina sa parking lot? Sana kalimutan niya na lang.

*Flashback*

"Just cry"

Yan lang ang nasabi ng nakabangga ko sakin nang bigla nalang akong yumakap sakanya at umiyak. I just cried and cried, masakit eh. Sobrang sakit! Ikaw ba naman ang bigla nalang ipag palit agad sa iba after the breakup? And to think na wala pang 3 months?

"Kung ano man yang problema mo, kaya mo yan!" Sabay tap niya sa taas ng ulo ko.

Napakasimpleng salita pero nagpagaan sa pakiramdam ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa may parking lot. Thank god tumigil na rin tong mga mata ko sa pagiyak, masyado na kong nahihiya dito kay kuya eh!

"Oh, eto!" sabay abot niya sakin ng bubble gum. Kung bakit niya ginawa yun? I dont even know. I just stared at him.

" Kunin mo na, yan kasi ang pampawala ng stress ko. Feeling ko pag kumakain ako ng bubble gum, nawawala yung problema ko even just for a minute"

Bubble gum? Pampawala stress? That's wierd?!

" Try it. Malay mo gumana!" he said while smiling. In fairness, may itsura si kuya. Chinito parang si Jared, matangos ang ilong, may pagkahunk, may killer smile pa. Pero wala paring tatalo sa Jared ko! ay hindi na nga pala.

I just took the gum and ate it. Nginuya ko ng nginuya, matamis siya. Parang totoo nga yung sabi niya, nawawala yung stress ko. Ang tamis kasi e. Pinagmamasdan niya lang ako habang nilalasap ko yung tamis nung bubble gum na binigay niya. And then he smiled again.

"May magic ba 'to?" sabi ko sakanya.

Tumawa lang naman siya.

*End of Flashback*

"Hoy Queenie!" Si becca while waiving her hand to my face.

"What??" Sabi ko.

" Eh kasi naman! kanina pa kitang kinakausap kaso nakatulala ka naman! What happened to you ba? Where have you been?" hysterical sa tanong sakin ni Becca. Kahit kelan talaga tong babaeng to praning.

"Easy ka lang ok? Naglakad lakad lang ako, naiingayan kasi ako dito eh" palusot ko. Kaso parang hindi naman talaga ko makakalusot e, kay becca pa? Himala nalang!

"If i know, you cant take what you're seeing here! Wake up girl! now you know what to do! move on!"

Move on? How will you move on to a guy that made your world complete? That made you believe that true love does exist? How will you move on to a guy that made you fall inlove everyday? How? Tell me?

****

Nagsimula na pala ang Summer. Ibig sabihin, no more classes. Parang feeling ko mas gusto ko pang may class kesa sa wala. Kasi naman, tengga nanaman ako dito sa bahay. Mas naiisip ko lalo siya. Siguro natatangahan na sakin sila Queenie. Kasi despite of what happened on her debut i still want to be with Jared, i still love him.

I am super darn bored! Si Queenie nagvacation sa Singapore with her family. Si Becca naman syempre nag out of town with Migz. Siguro kung kami pa ni Jared di ako mabobore ng ganito. Siguro magkasama din kami ngayun.

I cant take it anymore. Magliliwaliw nalang ako sa mall. Bahala na, hindi talaga ako sanay magisa pumunta ng mall. Lagi ko kasing kasama si Queenie at si Becca. Or di kaya naman si Jared, yes si Jared nanaman. Ikaw ba naman tong isang taon kaming laging magkasama eh.

Nandito ko ngayun sa isang known coffee shop drinking my favorite Choco chip cream. Pampawala ng stress ko to e. Basta sweets nawawala stress ko. Naalala ko tuloy si kuya sa parking lot. Si Bubble Gum guy.

And then i saw familiar faces. Oh great! bat dito pa? bat sila pa? Kung minamalas ka nga naman. They saw me. Sino ba naman kasing hindi makakakita sakin? Puro couples kaya yung laman ng coffee shop tapos ako lang yung alone. Aalis na sana ko para iwasan sila kaso talagang malas yung araw ko ngayun e.

" Unique!" Si jared. Hindi ko alam kung nagulat ba siya dahil nakita niya ko o nainis kasi nandito ako?

"H-hey" i faced him. Tiningnan ko silang parehas while giving them a weak smile.

" You're at the debut diba? Im Dana!" as she handed her hand to me.

Aaminin ko napraning ako. Nagulat ako nang makita ko silang dalawa. Hindi ko pa kaya eh. Syempre masakit pa nga diba?

" I-I have to go" sabay alis ko. Kung ano man ang iniisip nilang dalawa tungkol sa pagwalk out ko bigla, wala na kong pakelam. Basta makaalis at makatakas lang sa sakanilang dalawa.

And here i go again. Walking out, tumatakas, umiiyak. Naka tungo lang ako, naglalakad habang tumutulo tong mga stupidong luha na 'to.

At ewan ko ba kung dejavu lang to o talagang binigay siya ni lord na maging crying shoulder ko. Nakabangga ko nanaman siya, that same guy in the parking lot. Si bubble gum guy.

*******

MOVING ON 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon