>>> Napansin ko pong nadadagdagan yung nagbabasa. Maraming salamat mga ser at mam! :'>
****************
Step #4: Do the things you love.
Do the things you love to forget about the pain.
Gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Isa lang naman ang gusto at mahal ko eh, si Jared. At eto nanaman ako sa pagsesenti ko. Nagmomove on nga diba? Bat puro si Jared padin ang iniisip? Makakamove on nga ko sa ginagawa 'kong to.
**********
Ngayun nga pala ang uwi ni Queenie galing bakasyon. Siya lang ang umuwi, nagstay pa kasi ang family niya dun e. Kaya naman nandito ko ngayun sa airport para sunduin siya. Namiss ko naman kahit papano ang babaeng yun, namiss ko ang ingay niya.
Tahimik akong nagaantay sakaniya ng may tumabi sa likod ko at biglang nagsalita.
"Susunduin mo din pala siya?" Napatingin naman ako bigla. Si Rupert, oo nga pala pinsan niya si Queenie. Pero wala namang nabanggit si Queenie sakin na susunduin siya ni Rupert.
"Susunduin mo rin siya?" Tanong ko.
"Yep, nabanggit niya kasi sakin na ngayun ang uwi niya. So I insisted."
"Pero she didn't mentioned you coming over. Akala ko ako lang." Sabi ko pa.
"Madami siyang baggage na dala, kaya niyo ba yun? Tsaka wala kang kotse." Sagot niya sakin.
Hmmmmmp. Napakayabang naman nito. Para nagtaka lang eh.
"So, kamusta ka naman? Hindi kaba nagkasakit?" Tanong niya sakin.
"I'm okay. Thank you nga pala ha? Thank you ulit." Napatungo naman ako bigla.
Ewan ko ba kung bakit sa tuwing tumutungo ako eh hinahawakan niya yung chin ko para iangat. Naiilang tuloy ako. Nakangiti nanaman siya.
"It's okay. Nasasanay na 'kong maging knight in shining armor mo." Nakahawak padin siya sa baba ko tapos bigla niyang tinap yung ulo ko at ngumiti. Parang bigla namang gumaan yung loob ko.
"Ehem! Ehem!" Parehas kaming napatingin sa kung saan nanggaling ang tinig na yun.
"Queenie!" Sabay takbo ko papunta sakanya at yakap. Yumakap din naman siya sakin.
"Hindi halatang namiss mo 'ko ah!" sabi niya. Lumapit naman si Rupert sakanya at bumeso.
"Parang close na kayo ah?" tanong niya pa.
Nagblush naman ako ng kaunti, wala namang isa samin ni Rupert ang sumagot. Kaya naman napangiti nalang si Queenie.
"So, let's go?" Yaya ni Rupert. Kinuha naman niya agad ang mga bagahe ni Queenie. Nauna naman kaming naglakad ni Queenie papalabas ng Airport.
"Ikaw ah! Madami kang ikekwento sakin!" Sabay sundot niya sa tagiliran ko. May alam ba si Queenie sa pagiging knight in shining armor ni Rupert sakin? O baka naman kinekwento ni Rupert kung anong mga pinaggagawa ko? Patay talaga 'ko nito kay Queenie.
"Tu-tingkol saan?" Tanong ko kay Queenie.
"Madami, kung anung mga pinaggagawa mo habang wala ako, baka kinocontact mo pa si Jared. Mga ganun." Okay, so wala siyang alam. I'm safe.
"Fiance' na ni Jared yung girlfriend niya. After graduation magpapaksal na sila." I answered her.
"Oh my god!" Napatakip naman si Queenie sa kanyang bibig, sign na nagulat talaga siya.
"So how are you? Are you okay with it?" napatigil kami sa paglalakad sabay hawak niya sa braso ko.
"I'm trying to be fine. It's hard but i have to, right?" sabay tingin ko sakanya. Halatang halata naman niya ang lungkot sa mga mata ko. At halatang halata ko naman sa muka niya ang lungkot na nagsasabing awang awa siya sakin.
**************
Nakarating na din kami sa bahay nila Queenie. Kahit na ilang daang beses na ko nakapunta sa bahay nila, hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa angking ganda nito. Maganda din naman ang bahay namin pero, mansiyon na ata tong kina Queenie. Halata namang siya ang higit na may kaya sa aming magkakaibigan. Mayaman nga siya pero mabait naman hindi katulad ng iba, matapobre.
Isa isa niyang nilabas ang mga pasalubong niya saamin na kala mo'y batang nagbubukas ng regalo tuwing Christmas Eve.
"Hindi kaba pagod cuz?" Tanong ni Rupert sakanya.
"Nope, I'm just bored."
Bored? Bored pa ba siya sa lagay na yan?
"I mean, galing kang byahe. Wala ka bang jetlag?" Tanong pa ulit ni Rupert.
"Eh ilang hours lang naman yung binyahe ko." Sagot ni Queenie habang naghahalukay ng mga pinamili niya.
Tumahimik na rin naman si Rupert. Siguro ay sumuko na rin sa pagsaway sa pinsan niya.
"So Unique..." Sabay tapik ni Queenie sa braso ko. Napatingin naman ako bigla sakanya.
"Hmmm?" sabi ko.
"What's your plan? Ngayung wala na talaga kayo ni Jared, ano ng plano mo?"
Napabuntong hininga naman ako. Nakita ko namang napatingin din si Rupert sakin na animo'y naghihintay din ng isasagot ko.
"Wala, edi move on." I said with a weak smile.
Napahagod naman si Queenie sa likod ko.
"Don't you worry child, because now that im here mapapadali ang pagmomove on mo!" Then she smiled. A very wide one.
Naisip ko bigla yung step number four. Do the things i love.
"Swimming tayo, gusto ko magbeach!"
Bigla naman silang napatingin saking dalawa na kala mo'y gulat na gulat. Ako naman excited, matagal na 'kong hindi nakakapagbeach eh. Siguro its time narin to go back to my first love, swimming.
"Is that what you want? Let's go to the beach then!" Pagsangayon naman ni Queenie.
I can't wait. Naexcite naman ako.
***********
"Okaaaaay! Let's do the headcount!" Sigaw ni Queenie.
Ngayun yung swimming namin. Honestly, ngayun na lang ulit ako naexcite ng ganito. Yung ganitong outing na hindi kasama si Jared sa lakad.
"Becca!"
"Present!"
"Migz?"
"Im here!"
"Unique!"
"Nandito din!"
"And.... Rupert?"
Kasama si Rupert? Sabagay, nandun nga pala siya nung nagyaya ako ng swimming. Okay naman na din na kasama siya, kahit papano friend ko na rin naman 'to eh.
"Oh?" Sagot ni Rupert na galing sa loob ng van, kakagising lang ata.
"Okay, good. Now? Let's go swimming!!!!!!!" sabay taas ng kamay no Queenie. Yung totoo siya ba yung nagyaya o ako?
Nilibot ko yung mga mata ko, ang ganda ng view. Ang linis linis ng dagat, nakakaexcite magswimming. Napakapresko ng hangin, probinsya kasi. Dinala muna namin yung mga gamit sa hotel na pagtutuluyan namin. At dahil nga sa pagkaexcite ko, isang malaking maleta ang nadala ko. Siyempre dinala ko lahat kahit tatlong araw lang kami dito. Ayoko kayang may maiwan, baka kasi kailanganin magsisi pa kong hindi ko dinala diba? May point naman ako eh.
Infairness mabigat 'tong dala dala ko ha! lahat sila nakapasok na sa kwarto, samantalang ako nagbubuhat parin ng bagahe hanggang ngayun.
"Ako na, ako nahihirapan sayo eh!" Si Rupert, sabay hablot ng maleta 'kong dala-dala.
"Hindi mabigat huh?" He said sarcastically.
Tinuro ko naman kung anong room number ng kwarto namin.
"Salamat!" Sabi ko habang binababa niya yung bagahe ko sa tapat ng kwarto namin. Hindi naman siya nagsalita, ngumiti lang siya saka umalis. Napangiti naman din ako.
"Hi Roomie!" Si Queenie.
Nginitian ko lang siya sabay pasok ng maleta ko sa loob ng kwarto.
**********************
BINABASA MO ANG
MOVING ON 101
Lãng mạnHow will you move on to a guy that made your life complete? That made you believe that true love does exist?