I am not assuming, he saw me. Alam kong nabigla siya sa pagkakakita niya sakin. Siguro kasi ang tagal na rin naming hindi nagkita after that heartbreaking scene. Pwede rin namang dahil sa suot ko, conservative si Jared. At im sure kung kami pa ngayun, pagpapalitin niya ko ng damit. Yung hindi labas ang kaluluwa. God knows how i miss this guy! Gusto ko siya lapitan like so bad. Pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng may lumapit sakanyang babae. That same girl i saw with him in the coffee shop. Yung babae na yun na kahit wala na kong karapatan pero pinagseselosan ko ngayun.
Wala na nga ba 'kong karapatan? Tama ba ang hinala kong hindi pang basta-basta yung babaeng kasama niya ngayun? Ayokong umiyak. Pero wala e, tanga lang talaga tong mga mata ko. Hindi marunong makisama.
"I know what you're thinkin' wipe those tears!"
Si becca, so confirmed nga. Sa tono palang ng pagsasalita ni becca nakumpirma ko na. Ang bilis naman!
Ang bilis namang makamove on ng lalaking 'to? its been a month since the breakup and he already moved on? Wow! Bilib na bilib naman ako sakanya! So ganun ganun nalang yun? May iba na kaagad? At langya, hindi ko alam kung bobo lang ba siya o manhid talaga! Bakit kelangan pa niyang isama dito yan? Para ano? ipakita niya sakin na okay na siya? Na nakalimutan niya na ko agad? Na ipamuka sakin na wala na talaga kami? Na kung may balak man akong makipagbalikan eh wag ko na ituloy? This is so great! So freaking great!
Kakasimula palang ng program pero parang gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi, magkulong sa kwarto at umiyak ng umiyak... Nanaman!
Buti nalang may alak akong iniinom, pampawala ng hapdi sa puso. Pampamanhid ng narardaman ko ngayun. I cant help but stare at them. Ang sweet nila grabe! Sa harap ko pa talaga diba? Ano to? Anung akala ni Jared sakin? Kawayan? Walang nararamdaman? Manhid!? God knows what im feeling right now.
"Dahan dahan sa paginom! this is my debut remember?" Nagulat ako sa paglapit ni Queenie. Tapos na siguro siyang magentertain ng bisita niya.
"Queenie, ang sakit! Ang sakit sakit!" sabay bottoms up ko ng hawak kong Margarita.
" I know what you feel. I dont even get him either"
"Ganun lang ba kadali akong kalimutan? I mean, we've been together for a year!" Gusto ko umiyak pero pinigilan ko.
"If i were you, pakita mong ok ka lang. Pakita mong wala lang sayo yang mga kasweetan nilang pinapakita!" sabay tungga niya din sa iniinom niyang alak.
Medyo nawala yung bigat ng pakiramdam ko nang kausapin ako ni Queenie. Honestly, isa siya sa mga nagpapalakas ng loob ko ngayun. Kung wala siya baka matagal na kong sumuko.
I tried my best not to stare at them. Not to feel this stupid pain i am feeling right now. Dinadaan ko nalang sa paginom ang lahat. Medyo tipsy na rin ako kaya pumunta muna ko ng restroom to freshen up.
"'Cmon Unique! you can do this okay?" kalma ko sa sarili ko while fixing my hair.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng Restroom sakto namang lumabas din ng Restroom si Jared. Hindi ako handa at halatang siya din. We stared at each other for a second. I dont know what to do. Buti nalang, siya ang unang nagsalita. Parang dati lang.
"H-hi" he said.
"Hey" i said with a short smile.
"Uhm.. Long time no see!" he said. Spell awkward! Jared and Unique!
Well, hindi ko na nacontrol ang sarili ko. Dahil sa kalasingan na rin siguro.
"She's Pretty huh?"
Wala siyang nasabi. Nakatingin lang siya sakin.
" Sana one of these days turuan mo naman ako kung papano ka nakamove on kaagad.... Kasi hanggang ngayun masakit parin dito eh" i grinned
I just walked out. Kasi anytime tutulo tong mga pesteng luhang to. Anytime, makikita nanaman niya na ako ang talo sa laban na to. Ako nanaman yung naiwang luhaan. Ayoko na maiwan, nakakapagod na.
I ran as fast as i can. I dont care kung san ako pumunta. Bahala na, bahala na si batman.
Sa sobrang wala na kong pakelam just to escape bigla naman akong may nakabangga. All i feel is pain, gusto kong humagulgol, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala.
Kaya naman nang maramdaman kong may nabangga ako bigla na kong nagbreakdown. All i do is fuckin cry.
"Sorry kung sino ka man, i just need a shoulder to cry on right now" i said while sobbing.
Alam kong nagulat siya pero siguro sa mga ganitong sitwasyon may mga pinapadala talaga siguro si Lord para maging night in shining armor natin.
"Just cry" yan ang sabi niya sabay himas sa likod ko. Ewan ko ba, alam kong hindi dapat ako yumayakap sa mga estranghero pero dahil sa kanya medyo naglight ang pakiramdam ko.
Ngayun ko nalang ulit naramdaman 'tong pakiramdam na to. Oo nga pala, kay jared ko lang kasi 'to nararamdaman. Yung feeling safe ka. Yung feeling na no one can harm you. Pero ngayun, kung sino pa yung naging superman ko dati siya namang nagbibigay ng sakit sa dibdib ko ngayun. At kung sino pa 'tong hindi ko kilala at nakabangga ko lang siya pa tong naging angel at sumagip sa sakit ng nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1512371-288-k577632.jpg)
BINABASA MO ANG
MOVING ON 101
RomanceHow will you move on to a guy that made your life complete? That made you believe that true love does exist?