Eight

87 4 0
                                    

Step #3. Seek closure with him.

If there are questions you need answer to.

May mga bagay ba 'kong gustong itanong sakanya? Madami, madaming madami. Feeling ko hindi kasya ang isang araw sa sobrang dami ng gusto kong sabihin at tanungin sakanya. Gusto 'kong itanong lahat ng gumugulo dito sa isip ko. Gusto 'kong sabihin lahat ng nararamdaman ko. Pero kaya ko bang harapin siya? Kaya ko bang sa huli ng paguusap namin ay goodbye ang sasabihin at hindi ang i love you, please come back? Kaya ko na ba talaga siyang tuluyang kalimutan at tuluyang magmove on? Kelangan ko ata magipon ng lakas ng loob, magipon ng madaming madaming lakas ng loob.

Pakitunguhan ko pa nga lang siya kagabi hindi ko na makayanan, closure pa kaya? At kung nagtataka kayo kung ano ba ang nangyare kagabi, wag niyo nalang alamin. Nothing interesting naman eh. Wish ko lang! Haaaaaaayyyyyyy!

*Flashback*

"Let's drink? My treat!" Si Rupert. Pinaupo niya ko sa tapat ni Jared at umupo naman siya sa tabi ko. Kung ano mang pinaplano nitong kumag na 'to ay hindi ko na alam.

"I'm Rupert nga pala, Queenie is my cousin. I saw you all sa debut niya" sabay shake hands niya kina Migz at Jared. Medyo nawala naman yung kaba ko sa dibdib, akala ko kasi kung anung gagawin niyang eksena eh.

"And you pretty?" Tanong niya sa girlfriend ni Jared na si Trish. Napangiti naman 'tong babaeng to bigla na kala mo'y kinikilig.

"I'm Trish!" sabay shake hands naman ni Rupert sakanya. Ano bang problema ng lalaking to? Akala ko ba kaibigan ko? Akala ko ba siya yung knight in leather jacket ko ngayun? E bat parang gusto pa ata niyang makipag love triangle dito kina Trish at Jared?

Eto namang si Jared, walang imik. Parang inis yung muka. Siguro nagseselos, haaaaaaaay. Gusto niya nga talaga 'tong Trish na 'to. Nagseselos eh.

"So Trish, tell me something about you!" pacute ni Rupert. At hindi pa nakuntento ha? Tumabi pa talaga sa babaeng yon! Aba ito namang si babae, parang kinikilig kilig pa? Katabi ang boyfriend lumalandi pa? Pero napatigil ako sa paglilitanya ko sa sarili ko. bigla akong napaisip sa mga ginagawa ni Rupert. Nice move Rupert! Nilalandi niya yung babae para magselos si Jared, tapos magaaway sila, tapos break, babalik si Jared sakin at papatawarin ko naman siya and we live happily ever after! Muwahahahahaha!

"Thank you for calling me pretty, but I'm actually with my boyfriend right know" Sabay ngiti at hawak niya sa braso ni Jared. Napatungo at lipat agad naman si Rupert sa tabi ko.

Bruhang to! Proud na proud maging boyfriend si Jared. E akin naman talaga yan, inagaw mo lang. Ito namang katabi kong busted, buti nga sayo! Wala ka kasing pakundangan eh. Hmmmmp!

"Actually, he is not my boyfriend anymore. He is soon to be my husband" Tila tumigil naman ang puso ko sa narinig ko mula sa bibig niya.

Soon to be her husband??? Ibig sabihin magpapakasal na sila?

"M-magpapakasala na ka-kayo?" Bigla ko namang tanong.

"Yes, pero hindi pa ngayun. We have to graduate from college first then get married. Yun ang usapan ng both sides ng mga family namin" sagot ni Trish na parang excited na excited pang magkwento.

Nagkakatinginan lang naman sila Becca at si Migz. Si Jared naman nakatungo lang. At ako, eto shocked syempre. Gulat na gulat. Kasal na ang pinaguusapan dito, oo malayo pa yun pero ngayung gabi nakumpirma ko sarili ko na walang wala na talaga kaming pagasa. Wala ng balikan. Gusto ko nanaman umiyak, gusto ko nanaman maglulupasay. Gusto ko nanaman mamatay.

Naduwag nanaman ako, kaya eto ko ngayun muling tumatakas. Tumakbo ako papalabas ng bar habang umiiyak. At ewan ko ba kung malas lang ako o nakikisimpatya lang talaga ang kalangitan sakin. Walang anu-anoy bumuhos ng malakas ang ulan. Parang telenovela lang, naisip ko. Parang yung mga nababasa ko lang sa wattpad. Kasama ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos din ng mga luha ko. Mga luhang nagsasabing sumusuko nanaman ako. Kelan ba matatapos 'to? Kelan ba mawawala 'to? Kasi hindi ko na kaya, hindi ko kaya sobra.

Nagulat ako ng wala ng tumutulong ulan sa tapat ko, hindi na ako nababasa. Tumingala ako, at oo siya nanaman. Ang knight in shining armor ko. Ang pangatlong beses ng sumasagip sa mga kapighatian ko, na ngayun ay nasa muling harapan ko para sagipin nanaman ako.

*End of Flashback*

Hinatid ako ni Rupert sa bahay pagkatapos ng dramatic scene na yun kagabi. At katulad nung nakaraan, see you when i see you nanaman ang huli niyang salita habang papaalis. Gulat na gulat nga si mama sakin nung pagpasok ko sa loob. Ikaw ba namang makita mo yung anak mong basa basa hindi ka ba magalala? Napakacaring pa naman ni Mama. Kaya ayoko ngang ipakita dyan kung anung nararamdaman ko eh, kasi once na makita niya magaalala agad siya. Ayoko mangyari yun.

Kaya eto ang ko ngayun, may sakit. Sinisipon at inuubo. Dati natatandaan ko pag may sakit ako ang lagi lang binibigay na gamot sakin ni Jared ay yakapsul at kispirin. Napangiti naman ako bigla. Sabay simangot, naalala ko nanaman yung kagabi. Buti pa si Trish, pasado sa pamilya ni Jared. Dati, kinulit ko si mama kung meron ba kaming lahinh chinese kahit one fourth lang, pero wala eh. Ni katiting wala.

Maya't maya tumutunog 'tong cellphone ko. Si becca, tawag ng tawag para kamustahin ako. Nasagot ko na siya kanina ah. Makulit lang? Makukit lang talaga? Hindi na rin kasi ako nakapagpaalam sakanya kagabi eh, basta nalang akong tumakbo papalabas. Papalabas para tumakas.

So yun na nga, kaya ko ba talagang makipagusap sakanya? Kaya ko ba talagang mag goodbye sakanya? Iskip ko nalang kaya 'to? O kaya naman sa huli ko nalang gagawin. Tama, sa huli nalang. Pag moved on na talaga ako. Nang sa ganun, kung magtanong man ako sakanya tanggap ko na kung anu man yung isasagot niya.

MOVING ON 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon