Chapter 4

421 24 1
                                    


Nasa loob ako ng sasakyan ni Maxwell ngayon at kasalukuyang bumabiyahe papunta sa lamay ni Atty. Christopher Andrada. As a sign of respect ay naisipan ko na lang na bumisita mismo at i-abot ang aking pakikiramay sa pamilya. I have never been close to the Andradas but since I'm a friend of Max, I'm doing so. Besides, marami din namang ibang mga abugado at katrabaho ang dumadalo simula kahapon. Hindi naman bago kung may isa pang abugado ang bumisita sa lamay. Open naman kasi ito sa lahat but not until the last day. Sabi kasi ni Max ay mas gusto ng pamilya na masolo ang lumisan sa huling araw nito.

"We're here," pag basag ni Max sa katahimikan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

Naunang bumaba si Max at saka pumunta sa side ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa ng kanyang sasakyan. This is one of the things that I like about him. Kahit na I insist that I can take care of myself, hindi niya maiwasan talaga ang pagiging gentleman.

Todo alalay pa rin siya hanggang sa makapasok kami ng chapel. It's a mid afternoon kaya siguro hindi karamihan ang naroon. Most of the people there ay hindi ko kilala. Probably mga kamag-anak o di kaya ay mga kaibigan ng pamilya. Ngunit may mangilan ngilan akong namumukhaan - people from our line of work.

Agad na tinungo ni Max ang kinaroroonan ng asawa ng namayapa habang ako naman ay nanatili sa kanyang tabi. Kinamusta niya ito at kahit bakas sa mukha ng ginang ang pagod at lungkot, she still assured him that she's fine. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha nito. Hindi maikakaila na mas bata si Mrs. Andrada kesa sa kanyang asawa, not much but still noticeable. Angat din ang taglay nitong kagandahan kahit na may edad na. Hindi nakapagtataka kung bakit ang anak nito ay ubod ng ganda rin.

Matapos ang pakikipagkamustahan ng dalawa ay ako naman ang nag abot ng pakikiramay sa ginang. Kahit na naiilang ay ipinadama ko ang aking simpatya.

"I'm sorry for your loss, Mrs. Andrada. A good man gone too soon," panimula ko.

She gave me an appreciative smile while looking at me intently. "Ahh...it's you. Cordova, isn't?" she asked.

Nabigla ako dahil hindi ko inaasahan na kilala ako ng ginang. Nevertheless, I smiled back at her. "Elizabeth Cordova, yes ma'am."

Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kanang braso ko habang nanatili siyang nakangiti. "You're too formal, dear. Angeline will do." She let go of my arm but she gestured for me to sit beside her. "I heard quite a few things from you. Mostly from Max and a bit from my daughter, Marga, way back in law school."

Oo nga naman. May possibility naman pala na nabanggit na ako ni Max sa kanila knowing na halos pangalawang magulang na niya ang mag-asawa. Halos kapatid na rin ang turing niya kay Marga dahil nag iisang anak lang ito ng mag-asawang Andrada. Speaking of her, di ko inaasahan na naikukwento pala ako nito sa mga magulang niya. Hindi naman kami close ni Marga in the first place. We're just acquaintances back in law school.

Tumango tango ako bago sumagot. "I'm actually surprised. I didn't expect na kilala niyo po ako."

Ipinatong nito ang kanyang kamay sa akin. "You're quite remarkable, dear."

Naputol ang aming pag-uusap nang may dumating na bisita, ang mommy ni Maxwell na si Mrs. Antoinette Garvanza. Bumati ito sa amin at nag bigay galang din ako pabalik. Nagkaroon muna ng konting kamustahan bago tuluyang magpaalam ang dalawang ginang.

Naiwan akong nakaupo kasama si Max sa first pew na malapit sa kinahihimlayan ni Atty. Andrada. Nagpalinga linga ang aking tingin sa kabuuan ng chapel pati na rin sa mga dumalo sa lamay. Ngunit may nahagip ang aking mata na pamilyar na tao sa opposite side ng aming pew. Napako dito ang aking atensyon. Katabi nito si Marga at kitang kita mula rito na magkahawak ng kamay ang dalawa.

Collided (Rastro Fanfic)Where stories live. Discover now