Chapter 10

417 32 5
                                    

"Elizabeth Cordova. But people call me Ellie," pagpapakilala ko sa kanya.

Nakarating na kami ng Tagaytay at kasalukuyang hinihintay ang inorder namin dito sa bulalohan. Akalain mo yun? Ngayon ko pa lang naisipan na magpakilala eh mahigit tatlong oras na kaming magkasama.

"Beatrice Torres. Tris na lang." Inabot niya ang kamay niya sa akin for a handshake. I immediately accepted it. "Nice name. Magkatunog pa kayo ng palayaw ng kapatid ko. Eli kasi minsan ang tawag ko sa kanya kahit Elijah yung buong pangalan niya."

"Eli talaga? Confusing naman yung tunog ng palayaw sa pangalan niya."

Tumawa ito ng bahagya. "Parang Ely Buendia. Big fan kasi nun kaya naisipan ko na lang itawag sa kapatid ko."

"Hmmm." I keep fumbling on the condiments set on our table. Wala, I guess it's just one of my mannerisms.

"Uhm, ikaw? May kapatid ka ba?"

I suddenly froze after hearing her question. Gusto ko na sanang iwasan ang kahit ano patungkol kay Monique but I think that's impossible. I cleared my throat before answering her.

"Yup. Kaso...wala na siya."

Nakita ko naman ang paglambot ng expression sa mukha niya. "I-I'm sorry."

"It's okay. You didn't know." Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagkalikot sa mga condiments. "So...what do you do?"

She leaned back on her chair and relaxed herself. "I'm a professional photographer. I manage my own studio here before I got a job in NY Mag."

"Wow. That's big, uh. You could partner with my best friend. She owns an event organizing company."

"I'll look into that. But I'll let my best friend handle that. He's the one managing the studio while I'm away."

"I see. So wala ka pang balak mag settle here?"

"Actually, I'm not sure yet. Naka leave lang ako ngayon. Pero naisip ko rin, wala na akong rason para mag stay pa dito." There's full of doubt in the way she has said it.

"How about your family? Are they not enough reason for you to stay?

Nagtama ang aming mga tingin nung tinanong ko siya. Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko sa mga mata niya yung sakit. Obviously, it's the pain from losing someone you love. I get it, I totally get her.

Siya ang unang bumitaw at nagbaba ng tingin. "It's not like that."

I didn't know where I got the courage to reach for her hand pero heto nakita ko na lang na hawak na ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"Hey, I understand. It's hard to cope up with the reality of losing someone close to your heart. Trust me, I've been there. Kailangan mo lang i-divert ang attention mo sa mga bagay o taong nandiyan pa sayo."

Naputol ang usapan nang dumating ang mga inorder namin. Binitawan ko ang kamay niya at hinayaang ilapag ng waiter ang mga pagkain. We ate in silence pero may mga panaka nakang sulyap sa bawat isa. I just took the time to enjoy my bulalo dahil it's been a while since I had one. Isa pa, ngayon ko lang din naramdaman ang gutom dahil sa pag skip ko ng dinner at paglaklak agad ng alak.

After kumain, she insisted na siya ang magbayad dahil siya naman daw ang nag aya sa akin na lumabas and so I let her. We alighted her car and continued to drive around the place. Hindi nagtagal ay tumigil kami sa isang side overlooking a scenery na kahit gabi at madilim, you'd still appreciate its beauty. Bumaba kami at tumambay sa hood ng kanyang sasakyan.

"Feeling ko, I no longer belong here, Ellie. That even the thought of my mom and brother can't stay me put." Siya ang unang bumasag sa katahikikan.

Collided (Rastro Fanfic)Where stories live. Discover now