Chapter 11

413 33 2
                                    

Pinatay ko ang makina ng sasakyan, kinuha ang paper bag sa likuran, at saka bumaba. Dahan dahan akong naglakad palapit sa pinto ng studio, tinatantya kung handa na ba akong humarap sa kanila. Pinalakas ko na pang ang loob ko at tuluyan nang pumasok sa loob. Nagulat pa ang receptionist namin nung bumungad ako sa harap niya.

"Uy! Boss Tris, ikaw pala yan. Kelan ka pa dumating?"

"Nung nakaraang sabado," sagot ko. "Si Gab nga pala, andito?"

"Nasa kabilang room, may shoot ngayon." Dumukwang ito sa counter na para bang may hinahanap. "May pasalubong ka, boss?"

"Loko loko ka talaga, Cha! Mukha nang pasalubong yang mukha mo," sabi ko sabay kutos sa kanya.

"Heto naman si boss, galing Amerika eh syempre hihingan talaga ng pasalubong," katwiran pa niya.

Naiiling na lang ako sa makwelang receptionist namin. Kahit naman makulit yan ay mapagkakatiwalaan at maasahan yan namin ni Gab.

"Oo na sige na. Kumuha ka na diyan pero huy magtira ka sa iba. Wag madamot." Inilapag ko sa counter ang bitbit na paperbag na may lamang baked goods and sweets.

"Sige, pasok muna ako. Basta yung bilin ko sayo ah. Magtira ka."

Ngumisi lang ito sa akin at sinabing, "Sure boss!"

Dumiretso na ako nang pasok sa room kung saan may shoot na inaasikaso si Gab. Base sa nakikita ko, it's a commercial shoot for a brand. Dalawa lang naman yung models kasama yung mga stylist and brand manager. The rest of the crew ay mga nag aassist kay Gab.

Naupo ako sa isang sulok habang hinihintay na matapos ang shoot. It didn't take long since I settled myself when I heard Gab called for a break. Lumakad ito sa dirkesyon ng kinaroroonan ko pero napahinto ito nung nakita niya ako.

"Tangina, Tris, akala ko di ka na babalik."

"Hindi naman pwedeng hindi bumalik, Gab."

Hinila ako nito palapit sa kanya at yinakap ng mahigpit na siyang ginantihan ko naman. Inaamin ko, sobrang namiss ko siya. Parang kapatid na kasi ang turing ko kay Gab. Solid yung samahan namin simula nung makilala ko siya nung college. Same program kami hanggang sa pag graduate di na nahiwalay sa isa't isa. Kaya ayun naisipan namin na mag tayo ng sariling studio para tuparin ang mga pangarap namin.

"Kelan ka pa bumalik? Bakit ngayon ka pa lang nagpakita?" tanong niya habang humiwalay sa yakap.

"Nung sabado. Sensya na, alam mo naman ang nangyari."

Lumambot ang kanyang ekspresyon. "Akala ko nga di umabot sayo ang balita. Hindi ko na rin ibinalita sayo dahil nirespeto ko ang hiling mo na huwag kang gambalain. Ang hirap pala nun, Tris."

"Alam ko naman yon. Sorry talaga, Gab. Mali ako dun. Mali na tinaboy ko kayong lahat," paumanhin ko sa kanya. Lalo ko lang narealize kung gaano naapektuhan ang mga taong malapit sa akin sa naging desisyon ko noon.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Gab at ngumiti sa akin. "Lahat naman tayo nagkakamali. Sapat na sa akin na alam mong nagkamali ka."

Naglakad ito palapit sa mga upuan at kinuha ang bote ng tubig at saka uminom. Kumagat din ito ng chips na nakalagay sa tabi ng tubig niya.

"May dala akong pasalubong. Nandun kay Cha sa labas. Gusto mo?"

Umiling ito. "Di na. Paubaya mo na lang kay Cha. Kawawa naman yun."

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung nagmamalasakit ka kay Cha o inaasar mo lang."

"Pareho," sagot niya at sabay kaming nagtawanan.

Collided (Rastro Fanfic)Where stories live. Discover now