Chapter 5

369 23 9
                                    

"Monique, please, just tell me what happened," pakiusap ko sa aking nakatatandang kapatid.

Nasa flat niya sa BGC kami ngayon. It's been a week and day by day, tumitindi ang frustration ko. Umusad na ang investigation sa alleged medical malpractice ni Monique sa patient niyang si Christopher Andrada. Ang initial findings nila ay wala daw inimplement na protective measures to help reduce the risk associated with the surgery. The result, it may have been the reason for the triggered stroke due to plaques or blood clots released during the surgery. Malakas ang opensa nila dahil na rin sa statements ng mga nurse na kasama ni Monique sa naganap na operation.

Syempre bilang kapatid ni Monique, gusto ko muna marinig sa kanya ang katotohanan. Ayoko naman magpaniwala agad sa mga akusasyon nila. Pero mahirap pala gawin ang trabaho ko kung alam kong kapatid ko ang nasasakdal. Mahirap pairalin ang pagiging rational ko na abugado pagdating sa mga mahal ko sa buhay. Akala ko matapang ako ngunit sila pala ang kahinaan ko.

Nakaupo si Monique sa couch ng kanyang sala. Her face is stained with tears. Wala itong tigil sa pag iyak. She's so broken and fragile right now na never ko pang nakita before. She has always been the strong one at nakakapanibago na makita siyang nagkakaganito.

"T-this...this is all my f-fault," mangiyak ngiyak na bulalas niya.

Mula sa kinatatayuan ko ay lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat nito. "Why?"

Yumuko ito na tila ba nahihiya. "During the surgery, the patient had unexpected bleeding from the distal internal carotid artery," she explained softly. "I...uhm...tried to repair it but...but I failed. I...I proceeded through the end even if the attempt was a failure."

That's the thing, Ellie. I should cure and not...

Nag flashback sa akin ang naging usapan namin ni Monique sa deck ng ospital. Kaya ba ito balisa nung mga panahon na yon? Kaya ba niya sinisisi ang sarili sa nangyari? Was everything really her fault?

"I was not stable on the day of the operation. But still I carried on. Akala ko kasi....okay ako. I thought di makakaapekto sa trabaho ko ang pinagdadaanan ko." She looked straight into my eyes. "But I was wrong, Ellie. I was a mess. Until now, I am a mess."

Bumuhos ulit ang masaganang luha niya. Nasasaktan ako sa kalagayan niya ngayon. Hindi ko alam na may problema pala siya at wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? I will always be willing to help her out. Pero itinago niya kung ano man ang kinikimkim niya.

Tinawid ko ang distansya sa pagitan namin at umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ipinadama ang aking sinseridad. "Shhh. It's okay. Things happen for a reason. Di mo kasalanan to. Some things are beyond your control." Pagpapatahan ko sa kanya.

Umiling iling siya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. "No...kasalanan ko to, Ellie. Hindi ko nagampanan ng maayos ang trabaho ko. I let my personal issues get into my head. Hindi ako naging professional!"

Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa kanya. "Hey, Niq, look at me. For once, please be open to me. Let it all out. Kung hindi mo nagawa to before then do it now."

Kumalma siya kahit papaano. I tucked her loose hair behind her ears. "Now tell me, ano ba ang probelma? What has been bothering you, Monique? Tell me."

She bit her lip, unsure if she's going to tell me. "It was just a petty thing, Ellie. I fell in love with someone who's already committed to someone else...and I was left broken."

"Niq..."

"Mahal ko siya, Ellie. Mahal ko siya..." Muli na namang bumuhos ang luha ng mahal kong kapatid. Kahit pala ang isang tulad niya ay kayang patumbahin nang pag-ibig. Lintek na pag-ibig yan!

Collided (Rastro Fanfic)Where stories live. Discover now