Hailey's Point of View
Nitong mga nakaraang araw laging hussle ang schedule namin sa School, dahil narin graduating kami maraming requirements and dapat ihabol. Palaging na akong tumatambay sa library sa fourth floor hanggang 7pm.
Medyo may kalumaan na din ang Silid-aklatan na ito dahil matanda pa sakin ito pero kahit ganun maganda paring tignan dahil laging nirerenovate.
Ako nalang at si Ms. Lorry ang natira dito kung nagtataka kayo kung bakit Ms. palang siya kasi namatay yung dating librarian dito . Kadalasan kasi ng librarian dito eh may edad na.
"Hailey umuwi ka na sabay na tayo iuwi mo nalang ang libro na yan." Sabi ni Ms. Lorry. Kaya naman napilitan akong iuwi na.
Habang naglalakad tinanong ako ni Ate Lorry."Hailey bakit hinde na si Mrs.Lazaro ang librarian niyo dito sa Lumang library?" Tanong niya sakin.
"Ate Lorry namatay na po kasi siya at sa mismong library pa daw .Nung bakasyon po yun nagyari."sabi ko sa kanya. Kung nagtataka kayo kung bakit ate nalang ang tawag ko sa kanya ay dahil sabi niya pag wala na daw sa Library ate nalang ang itawag dahil lakas daw makatanda ng Ms. eh.
"Kaya pala dali dali nila akong tinawagan para maging New librarian dito." Saad niya hanggang makalabas na kami ng paaralan.
"Oh my god naiwan ko yung isang book." Ang tanga ko naman. Di ko pwedeng hinde basahin yun dahil may quiz kami bukas.
"Oh halika balikan natin." Sabi niya.
"Ako nalang po ang kukuha" sabi ko.
"Sige eto yung susi." Binigay naman niya sakin.
Umakyat na ako ng 4th floor, sobrang tahimik. Hinde naman ako natatakot dahil sanay na ako. Wala naman akong third eye eh. Nang binubuksan ko yung pinto may naramdaman akong malamig na hangin. Di ko nalang pinansin.
Pagkabukas in-on ko yung ilaw. Dumiretso ako sa dulo ng library nandun kasi yung libro. Ayoko kasi sa kita ng tao kaya dun ako pumupwesto.
Hinde ko makita yung libro. Dahil medyo natatakot na ako napagdesisyunan ko ng lumabas. Naglalakad ako papuntang pinto nag may narinig akong nagsalita.
"Sa susunod wag mo ng iiwanan ang libro kung kailangan mo talaga ayoko ng istorbo. " malamig na tinig ang aking narinig.
Paglingon ko nakita ko si Mrs. Lazaro na tila may binabasa na libro. Holy shit yun yung librong naiwanan ko. Di naman siya mukhang multo. Dahil walang dugo, kung di ko lang alam na patay na siya ay hinde ako matatakot.
Sa sobrang takot nagtatakbo ako sa labas. Yung 4th floor tinakbo ko pababa sa 1st floor ng sobrang bilis. Hinde ko na nga nailock yung library eh.
Nakita ko si ate Lory nakaupo.
"Ate Lory! Ate Lory!" Hinihingal kong sabi.
"Bakit nakuha mo na ba?" Tanong niya.
"Ano kasi umh tara na hehe." Pag-iiba ko ng usapan.
--
Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng damit. Laking gulat ko ng makitang nakaupo sa kama ko si Mrs. Lazaro.
Ngumiti siya sakin at inabot ang libro. Nanginginig ang kamay ko ng abutin ito.
"Ayan nabasa ko na HAHAHAH" tawa siya ng tawa bago siya biglang naglaho ng parang bula.
~~~The End~~~~
-----A/N----
Salamat sa nagbabasa.
If gusto niyo po follow niyo ako sa Instagram: Alexis Basilio(@g0rgeousLady)
BINABASA MO ANG
One Shot's Story (Horror)
HorrorWarning!! Ang storyang ito ay gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Ito ay naglalaman ng mga nakakatakot na istorya. Sana akoy suportahan.