Manika

1.2K 25 0
                                    

Lyca's POV

"Ang gaganda nila Tita Lyca." Tuwang tuwang sambit ng aking pamangkin.

"Gusto mo ba bilhan din kita?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko ate yung favorite mong si Lily eh" sabi niya sabay turo sa pinakapaborito kong manika.

"Sige na nga, ibibigay ko siya sayo basta aalagaan mo siya katulad ng pag-aalaga ko sa kanya huh?" Sabi ko at binuksan ang Cabinet ko na punong puno ng magagandang manika.

Simula seven years old nang mangulekta ako ng mga dolls. Yung iba sa kanila galing pang ibang bansa, pasalubong sa akin ni Daddy at yung iba regalo nila nung kaarawan ko.

Si Lily kasama ko siyang lumaki, dati nga hinde ako makatulog kapag hinde ko siya katabi eh. Pero simula ng magtrabaho na ako sa Paris bihira ko na lang laruin ang mga dolls ko.

Malaking manika si Lily. Marami rin siyang mga damit at sapatos, kapatid na ang turing ko sa kanya.

Hinde ko nga alam kung sino ang nagregalo sakin eh basta ang sabi nila Mommy nakita nalang nila itong nakabalot sa gift wrapper tas nasa table ng mga gifts ko.

Lagi laging pumupunta dito si Macey para hingin sa akin si Lily, nagyong ten years old na siya ibibigay ko na sa kaniya ito. Wala kasi akong nabiling regalo para sa kanya kaya sabi ko pumili nalang siya ng manika.

Karamihan sa manika ko ay nakabox pa dahil sobrang dami talaga nila.

Inayos ko na yung mga damit ni Lily at nilagay sa maliit na maleta. Mamimiss ko siya sobra haha.

"Bye bye Tita Lyca!" Sabi niya nang magpaalam sila samin.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng madaanan yung kwarto ng mga manika ko. Parang namalikmata ako dahil nakita ko si Lily na nakahiga sa mini bed niya. Nang lapitan ko ito ay nawala naman.

'Haha namimiss ko lang siya' sabi ng utak ko.

Aalis na sana ulit ako ng biglang may naglaglag. Nakita ko nalaglag sa sabitan yung picture frame. Nasa larawan ako at si lily.

Nasira pala yung kawitan. Nagulat ako dahil may dugo na tumutulo galing sa aking mga daliri.

"Ahhhh" sigaw ko kaya naman tumakbo sila manang papunta sa akin.

"Iha yung kamay mo nabubog ata." Hala nabasag yung picture frame.

Nilinis lang nila yung sugat ko.

---

"Hi Lyca miss me?" tawa ng tawa si Lily sa harap ko.

"Oh my gosh." Tili ko dahil may hawak siyang kutsilyo.

"Lyca, Lyca let's play hide and sick pretty please!" Maarte niyang sabi.

Titili sana ako ulit kaso bigla niya ako hatawin ng kutsilyo. Buti nalang at masmalaki ako sa kanya kaya nakailag ako.

"Pagkabilang kong tatlo nakatago ka na!" Pagbibilang niya.

"Isa. Dalawa. Tatlo." Sa sobrang takot ko nagtatakbo ako sa loob ng bahay.

Una kong pinuntahan yung kwarto ni Mommy para humingi ng tulong pero nakita ko si Lily nasa tapat niya at sinasaksak siya.

"STOP!"  sigaw ko pero hinagis niya yung kutsilyo patungo sa direksyon ko. Umiwas nga ako kaso nadaplisan yung kanang balikat ko.

Si Mommy wala na.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Mag~tago~ka~na." Sabi nung dimonyong manika.

Sa sobrang taranta pumunta ako sa kwarto ng mga maids, pero lahat sila wala ng buhay.

Pumunta ako sa kusina kumuha ako ng kutsilyo tas pagkapunta ko ng sala nandun siya nanonood ng tv. Tatakbo na sana ako palabas ng bahay kaso sarado yung pinto.

"Di~ka~ma~ka~ka~ta~kas~sa~kin."  maarte niyang sambit.

Syempre tapang tapangan ako kaya sinugod ko rin siya. Ayan na masasaksak ko na siya ng bigla siyang umiyak.

"Mahal kita Lyca, patawarin mo ako." Humagulgol siya ng iyak. Naawa ako kaya niyakap ko siya.

"Uto uto ka talaga my dear." Sabi niya at naramdaman kong sasaksakin naniya ako pero wala akong naramdamang sakit dahil bigla siyang tumalsik.

Nakita ko yung iba ko pang mga manika. Pinagtutulungan nila si Lily pero mas natakot ako sa sinabi nila.

"Pagkatapos kay Lily si Lyca naman." Sabi ni Merylle isang Hollywood Doll.

"Bakit niyo ito ginagawa?" Iyak kong tanong.

"Una sa lahat, ang unfair mo puro ka nalang Lily, lagi nalang Lily, Lily."sabi niya at humalaklak ng humalaklak.

"Patawad, hinde ko alam. Si lily kasi ang una kong manika." Paliwanag ko.

"Too late, sweety." Sabi niya.

"Mga dolls sugurin si Lyca." Maawtoridad niyang saad.

"Sandali!" Sabi ko kaya tumigil sila.

"Lily bat mo ito ginagawa?" Tanong ko.

"Dahil ipinamigay mo ako. Nakakainis lang eh ang dami na natin pinagsamahan tas ipapamigay mo lang ako sa bubwit na iyon. God ang panget ko na dahil ipinalalaro niya ako sa aso niya."  Mahaba niyang paliwanag.

"Itigil niyo na ang kadramahan niyo mga inutil" sabi ni Merylle.

"Sugod mga dolls." Muli niyang sabi.

Tumakbo silang lahat papunta sakin nang bigl-

---

Bigla akong nagising.

"Thank God panaginip lang."  Sabi ko.

Tok*Tok*

Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko kaya naman binuksan ko ito.

"Hi tita Lyca? Pwede ko na bang hingin si Lily?" Tanong niya.

"Uhm ano kase, tama bibilan nalang kita ng bago. May inorder na ako parating na yung sa isang linggo." Sabi ko kahit wala pa akong inoorder.

"Sige po." Sabi niya.

---

Bumaba na ako sa sala at tinawag si Manang.

Nagtaka ako dahil walang tao sa baba. Wala paring nakahandang almusal. Nagulat ako ng makita ko lahat ng manika ko including Lily nasa sala...

Nasa sala naglalaro. At ang mas nakakagulat hinde panaginip yung nangyari kagabi. Dahil patay na silang lahat.

~~The End~~

A/N: Salamat po sa mga nagbabasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot's Story (Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon