Alexa's POV
"Ayos na ba ang mga gamit mo?" Tanong sakin ni Mama.
"Sandali na lang po." Sabi ko.
"Sige dalian mo at baka gabihin tayo sa daan"
Habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin, napatingin ako sa Family Picture namin. Ang saya saya pa ni Lola dito. Nang-gigilid na naman yung luha ko ng maalala kung bakit kami uuwi sa Probinsya sa Isabela.
Kagabi kasi inatake siya sa puso. May katandaan na rin kasi ang Lola ko. 78 years old na kaya medyo tanggap na namin. Aalis na sa sana ako sa kwarto ko nang biglang may narinig akong kaluskos sa ilalim ng kama.
Kahit medyo natatakot ay yumuko ako para silipin kung ano yun. Laking gulat ko ng makitang nasa ilalim yung kwintas na bigay sakin ni Lola nung bata pa ako.
Pano napunta sa ilalalim ng kama?
Sa pagkakaalam ko ay nasa Cabinet ko ito. Matanda na ang kwintas na ito. Ipinamamana kasi ito sa mga panganay na babae. Dahil panganay si Mama sa kaniya ito napunta. Eh panganay din ako. Kinuha ko ito at nilagay sa bag ko.
Di bali na nga. Tumayo na ako at bumaba. Naabutan ko si Mama na umiiyak parin sa Sala si Papa naman ay binibitbit ang mga dala namin papunta sa kotse.
Two weeks kasi kaming mags-stay dun. Dahil sa kahabaan ng biyahe ay natulog na ako. Pero bago yung nagsuot muna ako ng earphones.
Pasado alasais ng dumating kami. Pagbaba ko bumungad samin yun Bahay ni Lola. May taurpulin sa labas. Pagpasok ng bahay naiyak talaga ako. Last year lang kasi kami lumipat sa Manila. At dito kami nakatira simula ng ipanganak ako.
"Magkape muna kayo at tinapay." Alok ni Tita Violy, bunsong kapatid ni Mama.
Uminom si Papa ng kape samantalang si Mama ay nakipagkwentuhan sa mga kamag-anak namin. Ako naman ay umakyat sa taas. Sa dati kong kwarto. Nilagay ko dun yung mga gamit namin. Sa dati kasing kwarto ng magulang ko andun na yung kaibigan ni Tita Luz.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Mugto pa yung mata ko. Di ko alam kung namamalikmata ako pero parang naging suot ko yung kwintas na bigay ni Lola.
Pero nang tignan ko ulit ibang kwintas na ang suot ko. Yung bigay ni Papa. Hays kung ano ano naman yung naiisip ko.
Bumaba na ako sa pumunta malapit sa kabaong. Hinde ko kasi siya nasilip kanina. Sisilipin ko sana kaso bigla akong niyakap ni Tita Roxanne.
Inaya ko siyang tignan si Lola. Habang papalapit ako sa Kabaong. Nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko si Lola suot yung kwintas na pinamana niya samin ni Mama.
Kinusot kuso ko yung mata ko ngunit di naman ako namamalikmata. Kaya tinanong ko si Tita Roxanne.
"Tita suot ni Lola yung kwintas?" Tanong ko.
"Ay oo bilin niya kasi pag nawala siya sa mundong ibabaw isuot sa kaniya yang kwintas. Bakit may problema ba?" Sagot naman niya.
"A- ano ala naman" sagot ko.
"Sige aasikasuhin ko muna yung iba. Maya nalang tayo magkwentuhan." Sabi niya at umalis muna.
Nagpasama ako sa pinsan ko. Pumunta ako sa kwarto at tinignan yung bag. Pagbukas ko ala na dun yung kwintas.
~~~~The End~~~~
------A/N-------
Salamat po sa nagbabasa.
BINABASA MO ANG
One Shot's Story (Horror)
HorrorWarning!! Ang storyang ito ay gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Ito ay naglalaman ng mga nakakatakot na istorya. Sana akoy suportahan.