Clifford's POV
"Clifford tignan mo yung post ni Paulyne ang daming likes." Sabi ng mga kaklase ko.
"Di parin kasi ako nabibilhan nila inay ng cellphone eh." Malungkot kong tugon.
"Narinig niyo yun girls. Sa batch ata natin siya nalang ang walang cellphone." Rinig kong usap-usapan ng mga mean girls sa school.
'Pag ako nag karoon ng cellphone who you kayo sakin.'
Imbes na patulan sila, naglakad na lang ako pauwi. Dumiretso muna ako ng palengke para tingnan kung naroon pa sila inay at itay.
Sarado na ang karinderya nila. Siguro nasa bahay na. Nang malapit na ako sa bahay may narinig ako.
~~~Kringg~~~ kringg ~~~kringg~~~
May narinig akong tunog ng telepono. Nagulat ako dahil nasa harap ko lang pala ito.
Pupulutin ko na sana ng bigla akong tawagin ng kapatid ko. Nasa tapat na pala akong bahay. Tiningnan ko yung pinanggalingan nung cellphone kaso ala na siya sa pwesto niya.
Kinatok katok ko yun ulo ko dahil kung anu-ano ang nakikita ko.
Sa sobrang gusto kong magkaroon ng bagay na iyon eh kung ano ano na ang naiisip at nalilikha ng aking kaisipan.
"Ginabi ka ata ng uwi anak?" Tanong sa akin ni inay.
"Dumaan pa ho kasi ako sa palengke, akala ko kasi andun pa kayo." Sagot ko.
"Sige anak at may ibibigay ako sa iyo pagkakain natin." Ano kaya yung ibibigay sakin nila itay.
Natapos na nga kaming kumain. Andito kami sa maliit namin sala. Habang nanonlod ng Television tinawag ako nila inay at itay.
"Halika anak may ibibigay ako sa iyong cellpone." Sa sobrang tuwa ko niyakap ko silang dalawa.
Ngunit biglang naglaho ang sayang aking naramdaman nang makita na ang cellphone na hawak nila ay yung pinaglumaan lang ni Kuya.
"Inay ayaw ko po niyan." Alam kong masamang magreklamo dahil sa hirap ng buhay pero di ko maiwasan.
Nalungkot ang mukha ng mga magulang ko. Para makabawi eh kinuha ko yung cellphone.
"Di bale magagamit ko rin naman po ito." Tumango sila bilang tugon.
Tinabi ko yung cellphone sa pinakatagong parte ng medyo luma kong kabinet.
"Ayokong gamitin ito, lalo na akong pagtatawanan nila Mazy." Nalulungkot kong bulong.
--
Malapit na ako sa school ng may marinig na naman akong tunog na tiyak kong sa telepono nanggagaling.
'Nag-iimagine ka na naman.' Sigaw ko sa aking isipan.
Pero laking gulat ko ng makita na naman ang teleponong aking nakita kahapon. Dali dali ko itong pinulot. Tumingin ako sa paligid kung may nakakita pero wala.
Binuksan ko ito. Wow wala siyang password mga kaibigan. Parang bago lang. Wala ring simcard. Ayos ito, wala namang sigurong maghahanap dahil parang sinadyang iwan.
Pumasok na ako sa room namin.
Ting! (A/N: Wag kayong ano tunog yan pag may nagmemessage.)
"Clifford may narinig akong nagtext sayo. Ohh my ghod may cellphone ka na?" Gulat na tanong ni Michaella.
"Ay oo kakabili lang."pagsisinungaling ko.
Kahit takang taka ay kinuha ko yung cellphone sa bag ko. Panong may nagtetext eh wala namang simcard? Iba na talaga ang teknolohiya ngayon.
BINABASA MO ANG
One Shot's Story (Horror)
HorrorWarning!! Ang storyang ito ay gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Ito ay naglalaman ng mga nakakatakot na istorya. Sana akoy suportahan.