Rent House

1.3K 35 1
                                    

Patricia's POV

Nandito ako sa Waiting Shed nag-iintay ng masasakyan. Sobrang lakas ng ulan nakakainis. Wala ng masyadong dumadaan na bus kung meron man may sakay na.

11:45 pm

At dahil mag-aalasdose na medyo inaantok na ako. Nandito kasi ako sa Bulacan. Paluwas na sana ako ng Manila kaso may bagyo ata. Dahil no choice na naghanap ako ng matutuluyan kahit isang gabi lang.

Naghanap ako ng mumurahin lang. Ang dami ko ng napuntahan kaso ala ng available. Naglakad lakad pa ako, buti na lang may payong ako. Sakto may nakita na akong isang Rent House mga four storey lang siya.

Pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko sabi ng Receptionist wala na daw. Pero sabi ko kahit isang gabi lang dahil sa lakas ng ulan.

"Meron pa po kaming isang room ka-" di ko na pinatapos yung sasabihin niya at sumagot na ako.

"Okay lang yung kukunin ko na"kahit medyo nag-aalinlangan ay kinuha niya ang susi at ibinigay ito sakin.

"Maam kung may maririnig po kayo wag niyo nalang papansinin" bilin nung receptionist.

Natawa na lang ako.

Dumiretso naman ako sa room. Sa 3rd floor kasi yun. Sobrang tahimik naman ah. Joker naman si ate gurl.

Pagpasok ko sa room may isang kama. Sa tabi merong side table na may lamp. May aircon din tas may maliit na Cr. Pagpasok mo may shower at toilet.

May bathrobe na nakatupi sa kama. Infairness sulit ang bayad 700 lang kasi ito na ang pinakamura na pang isahan. Naglinis lang ako ng katawan at natulog na.



"Tulongg"

"Tulungaaann mo akoo"

Naalimpungatan ako ng gising dahil may naririnig akong nagsasalita. Pagdilat ko ng mata nakabukas ng kaunti yung pinto. Natakot ako dahil isinara ko naman ito. Bumangon ako sandali para isara muli ang pinto. Nang isasara ko na kumirot ang ulo ko at nawalan ako ng malay.

Isang gabing malakas ang ulan, may dalawang lalaki ang pumasok sa bukas na kwarto. Nakita nilang mahimbing na natutulog ang dalaga.

Pinatay nila ito matapos halayin.

"Tulong tulungan niyo po ako" nagpupumilit na sigaw ng dalaga.

Dahil sa mahimbing na natutulog ang mga tao sa Rent House di nila namalayan ang nangyaring krimen.

"Tulonngg" huling salita niya bago siya mawalan ng hininga.

Nagising ako ng nasa kama na ulit ako. Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. Kawawa naman ang babae na iyon.
Pero laking gulat ko ng makitang bukas ang pintuan ng kwarto. Sa takot na mangyari ang nasa panaginip ko umalis ako agad dala ang bag ko.

Dali dali akong nag-tatakbo ako palabas. May nakita akong babae na papaakyat siguro ay siya ay mayaman. Dito siguro siya nakatira. Sa tingin ko na 30's na siya

Sumigaw ako.

"May kakaiba sa kwartong iyon"sabi ko.

"Doon ba? Meron nga" sabi niya. Kaya nagtaka naman ako. Ngunit nagulat ako sa huli niyang sinabi.

"Doon kasi ako pinatay"

   

                                   ~~~~~The End~~~~~

-----A/N-----
Salamat po sa nagbabasa.



One Shot's Story (Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon