Doppelganger

901 28 1
                                    

Aidan's POV

"Anak bumili ka nga ng toyo." Utos ni Mommy.

"Anak linisin mo nga itong sapatos ko." Utos ni Daddy.

"Bunso ayusin mo kwarto natin." Utos naman ni kuya.

"Opo." Walang gana kong sagot.

Kinuha ko yung pera para bumili ng toyo. Lagi naman kaming namimili sa Super Market pero bakit lagi nalang siya pabili ng pabili sa tindahan.

Ang hirap talaga pag bunso nagiging utusan.

"Sana may maging kamukha ako na gagawin lahat ng utos nila." Hiling ko sabay sipa sa maliit na bato.

"Mag-iingat ka iho sa mga hinihiling mo, baka magkatotoo." Rinig kong sabi nung matanda na kakabili lang sa tindahan.

Sa dami ng iniisip ko nasa tindahan na pala ako. Teka anong sabi niya?

Tatanungin ko sana siya kaso bigla nalang siyang nawala. Kaya bago pa ako pingutin ni Mommy sa tagal ko eh bumili na ako ng toyo.

Pagdating sa bahay nakita ko si Daddy umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Nakita ko rin yung sapatos niya na nakaready na para linisin ko.

Kinuha ko na yun at sinimulang kuskusin. Araw araw ganito ang takbo ng buhay ko. Kung yung iba gustong gusto magbakasyon ako ayaw na ayaw ko.

"Ang bait talaga ng bunso ko." Sabi ni Daddy sabay kuha ng kaniyang sapatos na makintab na.

Hinalikan ko lang siya sa pisnge. Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni kuya at iniligpit at aming pinaghigaan. Kaya niya naman ito pero ako lagi ang inuutusan niya.

'Sana talaga'

---

Kinagabihan ganun padin ang nangyari. Utos dun utos dito, hinde naman sa pagrereklamo pero sobra na sila sa utos samantalang si kuya puro gadgets lang ang inaatupag.

Matutulog na sana ako ng bigla akong utusan ni kuya.

"Aidan ikuha mo nga ako ng gatas." Utos niya na tutok na tutok lang naman sa kanyang cellphone.

"Ikaw n-" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"KUKUHA KA O KUKUHA KA?" Ano pa bang magagawa ko kaya bumaba na ako.

Habang kumukuha ng gatas may naramdaman akong parang umakyat sa taas. Nope guniguni ko lang yan.

Habang daladala ang gatas napadaan ako sa kwarto nila Daddy sarado na ito so hinde sila ang umakyat.

Kinatok ko ulo ko dahil baka nananaginip ako. Tinatakot ko lang ang sarili ko.

"Kuya eto na-" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakita ko siya na mukhang kakainom lang ng gatas.

"Bunso akala ko iihi ka lang, bat kumuha ka pa ng gatas? By the way salamat at kinuha mo ako ng gatas eto oh pakibalik yung baso." Huh? Iihi ako? Diba inutusan niya ako? Panong may gatas na siya eh kakakuha ko palang.

Sinasabi ko na nga ba eh. Nananaginip lang ako. Ininom ko lang yung gatas at natulog na.

--

"Anak nakatulog ka ulit? Ang bait mo kanina pinagluto mo kami ng almusal." Gising sakin ni Mommy.

"Ako po?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo ikaw talaga, pano ka natutong magluto?" Huh? Eh kakagising ko palang panong ipinagluto ko sila?

"Ahm sige na nga anak diyan ka na."sabi niya bago umalis.

Naguguluhan man ay bumaba na ako.

"Daddy tingnan mo oh nilinis na ni Aidan yung sapatos niyo kanina." Pang-aasar ni kuya.

"Ang bait mo bunso kahit di ka na utusan alam mo na ang gagawin." Sabi ni Daddy.

Wala akong naalala na pinagluto ko sila ng almusal. Ala rin akong maalala na nilinis ko ang sapatos ni Daddy eh kakagising ko pa lang.

Di bali na nga pabor naman sa akin eh.

----

Nagpunta ako sa Mall kasama ang kaibigan kong si Dioner. Pinayagan agad ako ni Mommy kasi daw nilabhan ko lahat ng damit namin.

Una, yung pangyayari sa gatas. Pangalawa, nagluto daw ako ng almusal. Pangatlo nilinis ko daw yung sapatos. At pang-apat nilabhan ko daw lahat ng damit namin?

Ano na susunod dun. Pacheck up na kaya ako?

Sa sobrang depressed ko na sa mga pangyayari kwinento ko lahat yung kay Dioner.

"Hinde kaya may doppelganger ka?" Tanong niya.

"Doppelganger?" Anu daw?

"Oo sila yung mga naggagaya ng wangis. Sabi sabi nga bawal mo daw makita yung doppleanger mo dahil papatayin ka niya. Papatayin ka niya dahil siya na ang papalit sayo sa mundong ito."mahaba niyang paliwanag.

"Bakit hinde ko nakikita yung doppleanger na yun kung totoo yang sinasabi mo?" tanong ko ulit.

"Wait ikaw ba yung totoo kong kaibigan?" Nagaalinlangan niyang tanong.

Nagulat ako kasi bigla siyang bumaliktad tas yumuko.

"Oo ikaw nga si Aidan." Sagot niya sa sarili niyang tanong.

"Ano ba yung ginawa mo?" Dahil talagang naguguluhan ako eh panay ako ng tanong sakanya.

"Sabi kasi ng Lola ko para daw malaman kung ano ang tunay na itsura ng nilalang na nasa iyong harapan eh tumalikod ka at yumuko para makita mo yung totoong mukha nung creature na yun." Wow di ko alam na maya alam si Dioner sa mga ganitong bagay.

"Hahahah ikaw talaga Aidan kung ano ano ng nalilikha ng iyong kaisipan. Sige umuwi ka na kasi baka kasama ng pamilya mo yung doppelganger mo." Sabi niya sakin.

---

Dali dali akong umuwi sa amin.

Laking gulat ko ng makita yung kawangis ko sa terrace namin kumakaway sa akin. Pero ang mas nakakagulat kasama niya yung pamilya ko na kumakaway sa akin.

Anong ibig sabihin nito?

---The end---

A/N: Muli ako'y nagpapasalamat sa mga nagbabasa ng aking istorya. Salamat din sa mga magbabasa pa lamang.

Ps. pasesnsya na kung bitin. Ibig sabihin lang nun kayo ang magiisip ng sarili niyong ending.






One Shot's Story (Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon