Ciana's Point of View
"Bye Ciana. Ayaw mo ba talagang sumabay?" Tanong ni Mazie kaklase ko.
"Hinde na mauna na kayo tatapusin ko lang itong report ko" sabi ko naman.
May duty kasi kami sa isang Pribadong Hospital. 500 hours kaya yun. Malapit na itong matapos kaya sinasagad ko na ang oras.
Absent si Patricia ngayon nasa Bulacan pa kasi siya.Nandito ako sa room ng mga nag du-duty. Nagulat ako kasi may pumasok na kasing edad ko. Nakasuot siya ng uniform na katulad na akin.
"Hi bago lang ako dito" sabi niya sakin.
"Hello ako pala si Ciana ikaw?" Tanong ko naman.
"Ako si Lily sige ah una na ako. Nakita lang kasi kita sa loob kaya binati kita." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pano niya ako nakita sa loob eh may pintuan?
"Sige matatapos na rin naman ako." Sabi ko.
Mabilis kong tinapos ang report para makauwi narin ako. Tinignan ko yung cellphone ko. 12:14 am na pala. Inayos ko lang yung mga gamit ko at lumabas na.
Nakita ko si Lily pumasok sa Room 432. Nagtaka ako kasi pinagbabawalan kaming pumasok sa mga kwarto kung walang pahintulot ng mga Nars na nakakataas sa amin at kung walang inuutos samin.
Inintay ko lang si Lily na lumbas para sabay na kami. Maya maya lumabas na siya ngunit nagulat ako dahil bigla siyang nawala sa isang iglap.
Sa sobrang curious ko pumasok ako sa room na pinasukan niya. Laking gulat ko ng makita ko siya.
Nakita ko siyang nakaratay sa higaan. Walang malay.
Lalabas na sana ako ng makita kong papasok si Doktora Libosada.
"Iha anong ginagawa mo diyan?"lagot ako patay na.
"Ah ano po naiwan ko yung gamit ko"palusot ko.
Mabuti nalang at naniwala siya. Bumaba na ako nakita ko na si Manong Guard. Pero bago ako makalabas ng tuluyan nakita ko si LiLy sa labas ng hospital kumakaway sa akin.
~~~~~~~~~The End~~~~~~~~~~
-----A/N-----
Salamat sa mga nagbabasa.
BINABASA MO ANG
One Shot's Story (Horror)
HorrorWarning!! Ang storyang ito ay gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Ito ay naglalaman ng mga nakakatakot na istorya. Sana akoy suportahan.